Chapter 2

296 21 0
                                    


~Eya's POV

“O anak? Saan ka nanggaling? Bakit namumugto yung mga mata mo?”Namumugto? Dahil lang naman sa best friend ko.

“Ah nanood kasi ako ng sine kanina.. Nakaka-iyak yung movie kaya eto..”Bigla namang sumabat si Kuya.“Sus! Movie daw! Ang sabihin mo, hindi ka nanaman pinansin ng best friend mo!”

“Kuya, ikaw! Kakalbuhin na talaga kita!”Kaming tatlo nalang yung magkakasama. Namatay si Nanay nung 12 years old palang ako dahil inatake sya sa puso.“Ikaw Enzo. Hwag mo ngang asarin ang kapatid mo. Magkapatid kayo tapos ganyan. Hay.”

Pumasok nako sa loob para mag-bihis. Binalibag ko yung bag ko at sakto, lumabas din yung cellphone ko. Kaya pati cellphone ko, nabalibag din. AAAGH! Nakakainis naman!! Pati cellphone ko!

Ganito ba talaga kapag nasaktan? Pati cellphone madadamay?

“Anak, anong ginawa mo sa cellphone mo?”

“Natapakan ng daga.”

“Daga?”

“Hindi po. Nabato ko po sya. Kase akala ko may ipis sa bag ko kaya nabato ko yung bag. E sakto, nandun yung cellphone ko kaya pati to, nabalibag ko rin.”Kinuha ko yung sim card ko.

“E pano ka na ngayon?”

“Okay lang tay. Mabubuhay naman ako ng walang cellphone e. Kaya okay lang.”Sayang phone ko.“Bumili ka ulet ng bago,nak.”

“Ha?”

“Bumili ka ulet ng bago. Para may magamit ka.”

“Hindi na po tay. Okay lang po ako ng walang cellphone.”Pero nag-pumilit si tatay kaya napilitan akong pumunta sa mall.

Habang naglalakad ako sa mall, hindi ko napansin na andito pala ako sa spot kung saan kami naka-tambay ni Juno. Pakshet naman.

Naalala ko nanaman sya! Aish. Kalimutan mo na kasi e! Makulit ka rin ano? Nag-patuloy nalang ako sa paglalakad. Hanggang sa may nakabangga akong matangkad na lalaki.“Ay. Sorry po.”

“Eya?”Pagkatingin ko, Juno?“J-Juno..”Agad akong nag-lakad palayo. Pero hindi pako nakakalayo sa kanya nang harangin nya ako.“Ano bang nangyari at bigla mo nalang akong iniwan?”

“Ah.. Eh.. M-may..”Mag-isip ka ng dahilan!! Bilis!“May ano?”Nahahalata ko talaga sa tono ng pananalita nya na naiinis sya.“M-may.. May.. Period ako...?”Juskooooo!! Bakeeeeet?

 Ang Bestfriend kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon