Chapter 8

222 15 3
                                    


Hello buddies ~ Paalala ko lang po: Tumatanggap po ako ng mga criticisms, suggestions and opinions :). Pero hwag mo namang po insultuhin ang stories ko. Kung ayaw mopo sa stories, pwes lumayas ka sa profile ko. Mabait ako sa mga mababait sakin pero sana naman ay hwag mong abusuhin. Tatanggapin ko na sana ang opinyon mo pero may kasama kasing insulto eh! Hindi naman kita pinipilit na basahin mga stories ko..

Nagsusulat ako dahil gusto kong malabas ang mga emosyon ko. Hindi para mapansin at madiscover.. Nabkay God na ang desisyon kung mangyayari man iyon. Pero sana wala nang mangyaring ganun ulit. Kung ayaw mo sakin, okay fine. Godbless you nalang. Pero salamat talaga sa mga suggestions and opinions niyo :) (yung sa maayos na nag-bigay ng kanilang opinions.)

It really helped me :) Thank you thank you ng marami ♥

(Na-beastmode lang ako hahahahaha. Nekekeenes kese eh.)

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Eya's POV:

Ano na kayang nangyari kay Juno? Bakit sa mga nakaraang araw hindi na siya nagpaparamdam or kahit mag-text man lang? Kahit sa school ay hindi ko na siya nakikita. Tinatry ko siyang puntahan sa kanilang bahay pero palagi siyang wala tuwing pupuntahan ko. Isang linggo na siyang ganun. Hindi nagpa-paramdam.

'Anong nangyari sa kaniya?' Ayan ang unang tanong na gumigising sakin tuwing madaling araw o kahit disoras na ng gabi.

Naga-alala na ako sa kaibigan ko.

Last time na nag-kita kami'y maayos naman siya. Cinocontact ko minsan si tita at siya na nag-sabing tumamlay si Juno.

Tuwing makikita niya ito, palaging nakasimangot at hindi nagsasalita. Kung magsasalita man siya, 'opo','yes','no','ok' lang ang kaniyang isinasagot. Madalas din daw itong wala sa bahay.

Naga-alala na talaga ako sa kaniya.. Nilapitan ko ang kaibigan niyang si Joshua pero ayaw naman niyang sabihin sakin kung ano ba talagang rason kung bakit nagkaka-ganun si Juno.

Pero may sinabi siyang halos patumbahin ako..

"May kinalaman ka, Eyanna. Malaki ang kinalaman mo."

Ano bang ginawa ko sa kaniya? Wala akong matandaan. "A-ano? A-anong i-ibig mong sabihin?" At ito ang sinabi niya,

"Basta. Hindi ko maaring sabihin dahil sakin lang niya ipinagkatiwala iyon. Pero hwag kang mag-alala.. It's for the best."

'It's for the best'?

Ano bang ibig sabihin niya!!? Hindi ko siya magets! Hindi man lang siya nag-explain or what kaya hanggang ngayon ay namumrublema parin ako sa mga nangyayari. Nakakainis.

Tinry ko na lahat. Kinontak siya, pinuntahan siya sa bahay niya, kinausap ang mga kaibigan niya, kinausap ang nanay niya, at inikot ko na ang buong campus dahil nagbabaka-sakali akong makasalubong ko siya. Ngunit hindi. Walang Juno.

***

"Vin!"lumingon naman ang isa sa mga matalik na kaibigan ng aking best friend."O Eyanna. Bakit mo ako tinawag?"

"Nakakausap mo pa ba si Juno?"Nang marinig niya ang sinabi ko, napayuko siya.. "Ano ba! Pati ba ikaw? Please naman oh! Sabihin mo na sa akin!"pagsusumamo ko sa kaniya.

 Ang Bestfriend kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon