Chapter 11

205 11 0
                                    

At dahil ito nalang naman ang inu-update kong story, siguro'y medyo madagdagan yung mga updates ko. Yiihee~ Sisipag na si Miss Reid! Hahahahahaha.

~Eya's POV:

Plano kong sagutin si Eugene ngayon.. Sa tingin ko'y nahuhulog na ang loob sa kaniya. At sa tingin ko rin ay siya na ang magiging rason para makalimutan ko na na-inlove ako sa best friend ko!

"Eyanna! Kamusta ka? Sorry kung hindi ako naka-text sayo kagabi ah. Medyo masama kasi yung pakiramdam ko kagabi. Sorry talaga."Ngumiti ako at sinabi,"Okay lang. Ang mabuti ngayon ay okay na yung pakiramdam mo. So ano? Halika na? Baka ma-late pa tayo."Nakita ko yung reaction niya..

Parang gulat tapos parang naninibago siya sa mga kilos ko? Siguro dahil nasanay siya na parang cold ang treatment ko sa kaniya."Eyanna! Wala daw tayong klase ngayon! Hindi daw makakapasok si Ms. Ramos! O diba? Ang saya!?"

"Wala bang magsu-sub?"

"Wala daw eh.. Ayaw mo ba yun? Mas magkakaroon pa kayo ng quality time ng manliligaw mo? Yiiiee~" Ang lakas talaga ng trip netong si Ann. Ang lakas mang-trip! Pfft."Loka."

"Ann, stop teasing her. Alam mo namang ayaw niya ng ginaganyan siya diba?"Kinilig naman si Ann! Hayst. Gwapo rin kasi si Eugene kaya siguro ganito maka-akto tong babaeng to.

"Eyanna, punta muna tayo ng canteen? Dun muna tayo mag-stay hangga't matapos tong first subject."

"O sige. Kita nalang tayo doon. Magc-CR lang ako sandali."Ihing-ihi na kasi ako kanina pa! Buti hindi siya naging falls! Pero habang papunta ako ng CR (Nasa dulo pa kasi ng hallway yon.), nakita ko si Juno. Nakatayo lang siya.

Siguro mga nasa 2 feet ang pagitan namin?

Nagtitinginan lang kami.

Walang umiimik.

Walang gumagalaw.

"H-hi best friend.."Bati niya sakin habang nakangiti. Pero alam kong pilit lang yang ngiti na iyan. Tapos yung boses niya pa.

"Hello."

"Kamusta naman yung panliligaw ni Eugene sayo?"This time, diretso niyang nasabi sakin iyon."Okay naman. Sa tingin ko nga'y, unti-unti nakong nahuhulog sa kaniya eh.. Sincere siya."

Napa-'ahh' nalang siya. "Sige.. A-aalis nako.."sabi niya sakin at dire-diretso akong nilagpasan. Tinignan ko siya habang naglalakad siya palayo sakin. Parang unti-unti nang tumutulo yung mga luhang dapat kanina ko pa pinakawalan.

 Ang Bestfriend kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon