Chapter 9

239 12 1
                                    


~Third Person's POV

"Juno, hijo, nagkaka-problema ba kayo ng anak ko?"Nag-pasyang makipag-usap ang tatay ni Eya sa kaibigan nitong si Juno.

Yumuko si Juno at sinabi,"Sa totoo lang po, tito.. Oho. Nagkaka-problema po kami ng anak ninyo."nakayukong sambit niya.

"Pwede mo bang sabihin iyon sakin?"Walang choice si Juno kundi ikuwento ito sa tatay ng kaniyang best friend.

"Nalaman ko hong may gusto sakin ang anak ninyo. At.. naguluhan ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Ayokong masaktan ang kaibigan ko. Ayokong makita siyang umiiyak.. Hindi ko na kakayanin kung makita ko pa siyang nasasaktan dahil sa akin."Nanatiling tahimik ang tatay ni Eyanna. Nakikinig.

"Naisip ko ho na kung gagalitin ko siya, baka sakaling madali siyang maka-move on at mabawasan yung sakit."

"Hijo, sobra-sobra ang nararamdaman niyang sakit ngayon. Bakit hindi mo sa kaniya sabihin yung totoo?"

"Ayoko na hong makasakit.."

"Sa tingin mo ba, sa ginagawa mong iyan hindi nasasaktan si Eyanna? Baka nga'y doble pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon."Napayuko nalang siya sa sinabi ng tatay ng kaibigan.

'Tama si Tito.'

Iyan ang naisip niya. Kaso lang, natigil ang kanilang usapan nang..."Eyanna? Anak? Nandiyan ka pala?"

"Oo tay. Kanina pa."

***

~Eya's POV

"Para saan pa't naguusap tayo? Ngayong alam mo na na may gusto ako sayo, pwede ba? Umalis ka na? Halikan mo na lang ulit yung babaeng kahalikan mo nung isang araw!"

Narinig ko lahat.. Alam pala niya na may gusto ako sa kaniya.

Nakakainis. Hindi ko narinig yung rason kung bakit niya ito ginagawa! Kung bakit niya ako sinasaktan! Parang kusang nag-sara yung tainga ko para hindi ko talaga marinig iyon.

"Can you let me explain?"

"Hindi na kailangan, Juno. Tanggap ko na naman na walang pag-asa na mahulog ka sakin. Hwag kang mag-alala. Makaka-move on din ako at makakalimutan ko lahat lahat ng nangyari at mga sakit na nararanasan ko ngayon."Someday..

 Ang Bestfriend kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon