Chapter 3

294 19 0
                                    


~Eya's POV

Break namin ngayon at hindi ko makita si Juno. Kahit anino nya dito, wala akong makita. Haaays. Magtataka pa ba ako? Siguro nagalit sakin. Alam kong masakit pero ano magagawa ko? Iyun nalang yung pinaka-madaling way para mawala natong nasa puso ko. Well, maging ako rin naguguluhan e. Bakit ko nga ba ginawa yun sa kanya? Dahil desperado nakong matanggal to?

Inikot ko sa paligid ang tingin ko at nakita ko si..

"Guys!! Juno is here! Manlilibre nayan!"Sigaw ng mga kaibigan nya. Lumapit sya sa mga kaibigan nya ng naka-sibangot. Pero napaka-gwapo nya parin. Hayst."Shut up. Hindi ako manlilibre."

"E bakit naman? Siguro may nanampal nanaman sayo ano! Hahahahaha!!"Takte. Malapit pako sa table nila. "Ulol."

Nung lumingon sya sa part ko, agad akong pumunta sa baba ng lamesa. Nauntog pako! Huhuhuhu. Nung na-feel kong wala na sya, umakyat nako pero takte, hindi dapat ako nag-tiwala sa instincts ko."Why are you hiding from me? Nauntog ka pa."

Nasa harap ko na sya!

"Eyanna, if you have some problem with me, let me know. Hindi yung pinapahabol mo pa ako at pinagmumukhang tanga."Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Kelan ko ginawa yun?

Wala naman akong sinabing habulin at suyuin nya ako diba? Ako pa nga ang nagta-taboy sa kanya."Hindi kita pinagmumukhang tanga, Juno. Hindi rin ako nagpapa-habol sayo!"Sigaw ko.

"Then tell me the reason why you're acting like that!"

"Wala lang talaga ako sa mood, Juno.. Wala tayong problema okay?"Kasi ako yung may problema. Nasasaktan nako sa mga pinagga-gawa ko. Nasasaktan ako dahil sinasaktan ko ang bestfriend ko."Hmm.. Okay."Umalis na sya sa harapan ko.

Inaya nya na ang mga kaibigan nya para umalis. Tapos lahat sila, nag-tinginan sakin kaya yumuko nalang ako. Gusto kong maiyak.

Pero ayoko.

May biglang lumapit sa harap ko. Kaibigan to ni Juno. Isa rin tong player e. Pamilyar sya sakin pero hindi ko alam name nya.

"Juno told me that you're mad at him?"

"Kailan nya sinabi?"

"Kagabi lang. He called me then told me what happened. Tell me, may problema ka noh kaya ka nagkaka-ganyan?"Paano nya nalaman? Aiist! Obvious naman diba? Friend nya si Juno e!

"Oo--- Ay teka nga lang! Hindi ko pa nga alam name mo tapos magsasabi na ako sayo? Ang tinde lang ah!"Mamaya, madulas pako dito. Magiging laman nanaman ako ng chismisan dito.

 Ang Bestfriend kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon