Chapter 10

258 15 1
                                    

I'm really sorry kung ngayon ko lang na-update tong story na ito. I was busy.. Wala nakong time para makapag-update.

Napost ko na po yung Epilogue ng MWC! Check it out ;)

Enjoy the chapter!

***

~Eya's POV

It's been 2 weeks since nung araw na tinanong ako ni Eugene kung pwede niya akong ligawan. And um-oo naman ako.. Tapos kay Juno naman? Well.. Nginingitian ko siya minsan pero.. tango lang isasagot niya. Bakit kaya siya ganiyan? Siya na nga tong nanakit tapos siya pa ang may gana na hwag mamansin? Aba. Tindi.

“Eya, are you okay? You're spacing out.”Kaharap ko pala si Eugene ngayon. Inaya niya kasi akong lumabas papunta sa isang fast food. Ito raw ang pinaka-first ever date naming dalawa.

Well.. Kung titignan naman ay, okay siya manligaw. Hatid sundo ako araw-araw. Tapos hindi mawawalan ng flowers every morning pero parang.. may kulang? Ewan ko.. Hindi ko na talaga maintindihan sarili ko. Ayokong masaktan si Eugene.

Kaya dapat, kalimutan ko na si Juno. Kakalimutan ko na naging best friend ko siya at nagpaka-tanga ako sa kaniya. Lahat.

“S-sorry ah.. Pero hwag kang mag-alala. Okay lang ako.”Ngumiti ako. Nag-salita naman siya,“Your smile brightens my day. Keep smiling okay?”Tumango nalang ako at ngumiti.

Tinapos na namin yung pagkain namin at dumiretso kami sa mall na malapit don.“Anong gusto mong gawin dito?”

“Ikaw bahala..”Naglalakad na sabi ko.“Do you want to buy something? Hwag kang mag-alala. Ako magbabayad.”

“Ah. Wala akong bibilhin dito.”Nakangiti kong sambit sa kaniya.“Oh.. Ganun ba? G-gusto mo na bang umuwi? Baka.. napipilitan ka na.. Hwag kang mag-alala. Okay lang sakin.”

“Salamat, Eugene.. Tsaka pasensya ka na talaga ah? Pasensya ka na.”Nakayuko kong sambit sa kaniya. Nahihiya kasi ako.. Alam kong nasaktan nanaman siya dahil sakin.. Aaminin ko, wala naman talaga akong nararamdaman para sa kaniya.

Siguro dahil sa mga pinagdadaanan ko ngayon? Pero sana.. dumating yung araw na makakalimutan ko si Juno at si Eugene na ang mamahalin ko.. Habangbuhay.

***

~Juno's POV

“Tangina pare. Nililigawan na pala ni Eugene yung si Eyanna? Grabe! Nag-paligaw naman yung best friend mo? Ay naku pare.. Ang bagal mo kasi eh!”Oo.. Sobrang bagal ko talaga.

Tangina. Wala naman talaga akong tiwala sa lalaking yon! Pero dahil bestfriend ko yung nililigawan niya, kahit hindi kami nagpapansinan ni Eyanna, papayag ako.“Tumahimik ka nga.”

“Pssh. Ahahahaha!! Next time kasi, bilis-bilisan mo ah? Para hindi ka maagawan! Juno, dito sa mundong ito, kapag di ka kikilos, wala kang mapapala!”Pssh. Hanap nalang ako ng chicks.

 Ang Bestfriend kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon