Third Person's POV:“Pare ang gusto ko lang naman ay sana pagkatapos ng lahat ng ito, wala kang pagsisisihan.” pahayag ng kaibigang si Vin. “Wala akong pagsisihan dahil alam kong tama ang ginawa ko.”
Tinapik lang niya ang balikat ng kaibigang si Juno. “Nandito lang kami para sayo pre. Hindi ka namin iiwan.” agad naman itong umalis at hinarap sila. “Ang babakla niyo naman! Okay ako!”
Umakyat siya sa kwarto niya, sinarado ang pinto at umiyak.
“Juno.. You did the right thing.” sabi niya para pakalmahin ang sarili ngunit hindi niya mapigilang hindi maluha. Ayaw niya ito. Tutol siya sa sarili niyang desisyon.. Nagsisisi siya.
Pero kung iyon ang tama, iyon ang gagawin niya. Para sa kapakanan ito ng kaniyang mga minamahal. “Sorry mama..” At naiyak ulit. “Alam kong hindi ito ang gusto mo pero kailangan ko itong gawin. Para sa atin nila Eyanna.. ”
Eya's POV:
“Papa, sa tingin mo ba magugustuhan ito ni Juno?” Sabay harap kay papa nung isang artwork na ginawa ko. Isa itong picture na magka-akbay kaming dalawa. Kasi gusto ko ako naman ang mag-effort ngayon. Puro nalang kasi siya diba? Nakaka-hiya ano!
Ngumiti si Papa at sinabi, “Oo naman.. Gawa ng nililigawan eh.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa comment ni Papa. Am I that bad when it comes to drawing and sketching things?
“Joke lang nak.. Syempre magugustuhan niya iyan. Nag-effort ka eh.” Seryosong pahayag ni papa. “Talaga papa? Yes! Sige papa. Mauuna na ako ah.. Male-late na kasi ako.”
“Okay sige. Magiingat ka anak.” at humalik ako sa pisngi ni papa at lumabas ng bahay. Pagkalabas ko, nakita ko si Juno na naghihintay sa tapat namin. “B-Bat ka a-andito?”
“Masama bang sabayan ko ang mahal ko?” Ngumiti siya sakin. Tapos may napansin ako. “Bat naka-shades ka? Ang kulimlim oh!” Tinanggal ko ang shades niya at nagulat ako sa nakita ko.
May eye bags na siya at namumugto ang kaniyang mga mata. “Juno.. Anong nangyari sa'yo? May problema ba?”
Anong nangyari sa kaniya? “Wala 'to.. Nag-practice ako para sa roleplay namin ngayon..” Okay? I'm sure na hindi iyon ang rason. “Juno. Alam kong hindi iyan ang totoo..”
At niyakap niya ako. “Mahal na mahal kita. Tandaan mo 'yan.” Ano bang nangyayari? Bakit parang namamaalam siya?
Pakshet naman oh. “Juno kung may problema ka, sabihin mo sa'kin at sabay nating lagpasan 'yon!” Biglang lumambot ang mata niya at yumuko. Nanatili siyang ganun mga ilang minuto.
Tapos humarap na siya sa akin ng nakangiti. “Psh. Ang drama naman ng Eya ko. Halika na nga! Baka malate pa tayo eh.”
Pagdating namin sa school, madami pang studyante sa quadrangle. Okay. That's a good sign. Ang ibig sabihin ay hindi pa kami late. Kaya lang nakasalubong namin si Eugene.
Pagkatingin ko sa kaniya, nakatitig siya kay Juno at nakangisi. At si Juno naman ay iniwasan ang tingin niya. Anong meron?
Tinignan ko si Juno. “'Di ko kayo magets.”
Tinignan niya ako at ngumiti, “'Di mo na kailangang magets.” Parang may tinatago talaga 'to eh. May mga double meaning sinasabi niya eh. “Juno, sigurado ka bang walang problema?”
Tumango siya. “Wala, tapos ganyan ka kumilos.. Bakit 'di mo nalang kasi sabihin sa'kin? Sabay nating solusyonan 'yan.”
“Halika na?” Nilagpasan ko siya. Dire-diretso ako papuntang classroom. Hanggang sa makapasok ako sa loob nun. Nanatili muna siya don. Kinikilig na ang mga babae dito oh.
Hindi ko siya tinitignan. “Huy, si Papa Juno oh.. Bakit 'di mo pinapansin?” Hmp. Ayaw kasi sabihin eh.. Bahala ka diyan.
Juno's POV:
“Pre, baka pwede pa nating kausapin 'yung hayop na lalaking iyon para matigil na'tong kagaguhan na 'to.” Pagkatapos kong ihatid si Eya, dumiretso kami sa canteen. Putek. Nagalit siya.
Kung pwede ngang gawin 'yun, ginawa ko na. “Hindi iyon uubra, Vin.” Napailing nalang si Vin. Fuck shit.. Everytime na naalala ko 'yung nangyari, para akong nanlalambot. Putek!
“O ano? Mag-desisyon ka na. Tumatakbo ang oras.”
“Fine! Pakawalan mo na si Mommy.” Tumawa siya at sinabi. “What do you mean? Papakawalan ko lang ang mommy mo? That's all? Wala man lang conditions? ” fuck those condition of yours.
“Papakawalan ko ang mommy mo.. So akin na si Eyanna?” Hell NO! “Gago! Hinding-hindi siya magiging sa'yo.”
Tumawa uli siya at sinabi, “Sige. Gusto mo bang mapahamak siya? Ano? Sagot na. Madali lang naman akong kausap..” He's leaving me no choice! Pucha. “Fine! Pero babantayan ko pa din siya. Pero kapag oras na sinaktan mo siya, malalagot ka sa'kin, gago!”
Then he told me nga about the plan.. Sa isang araw na 'yung ball. Ibig sabihin, isang araw nalang bago ko gawin ang plano ko.
At 'yun ay 'yung saktan siya para mapunta siya kay Eugene.
***
Okaaaay! Sorry for the horrendous delay. Pasensya na talaga guys. Nawalan ako ng time! Pero I'm trying my best to adjust. Matatapos na pala 'tong ABKP. :) At 'yung ending niya? Ay naku. Pero lalagyan ko siya ng part 2! Hehehe. So yeah. That's all for today. Don't forget to vote, comment and shaaaare! Dejk.
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Playboy
RomanceMay forever talaga. Hanggang 'bestfriend' lang talaga ako. Tinatry ko namang tanggapin yung fact na hanggang dun nalang ang status namin pero ang hirap! Ang hirap umasa! Ang hirap magpaka-tanga! Ang hirap maging bestfriend niya! °•°•°•°•°•°•°•°•°•°•...