#Dreamers(SORRY)

3.8K 55 1
                                    

"Inamin nya lang na mahal ka nya, Nagpasagasa kana agad!! Ang O.A mo bebs!" Pairap na komento ni rose ann pagkatapos kong ikwento ang lahat.

"Oo nga bebs!Ang O.A mo!" Pagsang ayon naman ni kyna.

Grabe!kaibigan ko ba talaga ang mga ito?!! "Grabe kayo ha?!! Di ba pwedeng natakot lang!....." Sabi ko sabay buntong hininga "Saka nung mga panahong yun iniisip ko rin kasi  si-----"

"----si Steve franco?" Sabat ni kyna.

Di ako nakasagot, Nagkatitigan muna silang dalawa saka umiling iling "Alam mo beb masyado munang iniisip si Steve, Pati tuloy si jerome nadamay....." Si rose ann.

Hay! Natakot lang naman ako kaya ako tumakbo, Natakot ako na baka masaktan ko sya tulad ng nagawa ko kay Austin! Ayoko lang naman masaktan sya ng husto.

"Di ko naman intensyong saktan si jerome, Natakot lang talaga ako!" Malungkot na wika ko.

Lumapit lalo si kyna sakin saka ako hinawakan sa kabilang kamay "Beb! Baka nakakalimutan mo dahil dyan sa salitang Takot na yan Iniwan ka ni steve!!" Sabi nito na nagpahinto sakin.

Iniwan nya nga ako!

Oo iniwan nya ko! At kasalanan ko yun.

Kasalanan ko!

"Argh!S-Sorry llian....I-I didn't meant to---" Agad ko nang pinutol ang sasabihin nya, Totoo naman kasi!! Iniwan ako ni Austin dahil natakot ako, Natakot ako na mahalin sya......

"---It's ok beb, Totoo naman....." Sabi ko.

"S-Sorry talaga beb!" Ulit nito.

"Ayos lang! Ayos lang talaga!" Sabi ko nalang.

Truth hurts nga diba? At Kailangan ko yung tanggapin dahil yun ang dapat.

Pagkatapos ng usupang iyon ay wala na ulit nagsalita sakanila, Pati ako ay Di na rin nakapagsalita Diko na alam kung anong sasabihin ko.

"Ahhh.....This is awkward guys!" Si rose ann sabay kuha ng remote at sinindihan ang t.v

Yeah! Awkward nga ang sobrang katahimikan, hay! Nakakatawa lang isipin dahil minsan lang itong nangyayari samin lalo na't madaldal silang dalawa kaya di pwede ang salitang tahimik.

Tok! Tok!
Tok! Tok!

Sabay sabay kaming napatingin sa taong nakadungaw sa bahagyang bukas na pinto ng kwarto ko.

"Iistorbohin ko muna kayo ha?...." Sabi nito sabay tingin sakin "May gustong kumausap sayo nak, Papapasukin ko ba?" tanong nya sakin.

Kunot noo namang napatingin sakin ang dalawa "May inaasahan ka bang bisita?" Tanong ni rose ann.

Kumunot din ang noo ko at umiling iling "Bukod sainyo....Wala na" Sagot ko sabay tingin kay mama na naghihintay ng sagot ko "Sige po ma, Papasukin nyo na po...." Nakangiting sabi ko rito.

Tumango naman ito saka lumabas ulit.

Maya maya lang ay nakarinig ulit kami ng katok sa pinto, Napatingin kami dun ng magbukas ito at pumasok ang isang pamilyar na tao.

"H-Hmmm Uuwi na pala kami beb" Si kyna sabay tayo at sinenyasan si rose ann.

Nakuha naman agad ni rose ann ang senyas nito kaya dali dali itong napatingin sa relo nya "Mag-gagabi na pala! Sige beb uwi na kami" Natatarantang paalam nito.

Labag man sa loob ko ay tumango nalang ako at Hinayaan silang makalabas ng tahimik sa kwarto ko.

"Kamusta kana?" Napatingin ako sakanya ng umupo sya sa kama ko.

"Ayos lang" Simpleng sagot ko.

Humiga na ko ulit sa kama ko saka tumalikod mula pwesto nya, Hindi ko maintindihan kung bakit nandito sya!! Obviously hindi ko sya kailangan.

"I'm sorry baby kung wala ako sa tabi mo And I'm sorry dahil di kita nababantayan" Sabi nito, Tsk! Sorry? Basag na basag na ang salitang yan.

"Tapos ka na po ba? Kung oo, Pwede na po kayong lumabas ng kwartong 'to at umalis sa buhay ko!" Madiin na sabi ko.

"Anak, Alam ko namang malaki ang kasalanan ko sainyo ng mama mo,pero sana wag mo naman akong tratuhin ng ganito! Im still your father sweetie....." Madamdaming wika nito.

Lihim nalang akong umirap at nagtalukbong ng kumot, This is nonsense!!! Walang kwenta ang usapang 'to!!

"Paki-lock nalang po ang pinto, Paglabas nyo....." Walang ganang sabi ko.

Wala nang kwenta ang sorry nya!! Dahil lahat ng galit ko di na mabubura ng sorry nya.

The damage has done!

Hindi na sya ang papa ko! Di na sya kabilang sa pamilya ko!! Wala akong kadugong manloloko.

"Please anak mag usap naman tayo ng maayos? Kausapin mo naman ako!" Pakiusap nito.

"Wala na tayong dapat pang pag usapan!! Malinaw na sakin lahat! You fell inlove with another woman! At iniwan mo kami para sakanya!!!" Punong puno ng galit na sigaw ko "I hate you!!! I REALLY REALLY HATE YOU MR. GUEVARRA!!" Madiin na sabi ko.

Kahit kailan di nya na magagawang buhayin ang daddy ko dito sa puso ko!!! My father died exactly when the day he left us!!! When he left us weak and almost dying!

I hate him!!!

I f*cking hate him!!!

Sh*t! This pain!!!

It's killing me!!!



Ilang oras din akong nanatiling nakahiga sa kwarto ko habang nakatalukbong ng kumot.

Tahimik......

Sobrang tahimik ng buong silid mula nang lumabas sya.....Sana di na sya bumalik!!!  Nakakainis dahil nararamdaman ko na naman kung gaano kasakit ang mga alaalang iniwan nya!! Kung gaano kasakit ang pang iwan nya samin!



I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon