#Dreamers (FIELD TRIP)

2.1K 35 1
                                    

Tahimik lang ako mula nang makasakay ako dito sa bus na Inarkela ng school para sa field trip namin.

Yung ibang kabatch ko may ginagawang iba, Samantalang ako tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana.

Lalo ko kasing naramdaman ang sakit nang makumpirma ko na magkasama nga sila ni nicole at Austin, Nasa states sila pareho! Habang ako nandito, nag iisa at umaasang may kahulugan ang halik na pinagsaluhan namin nung huling araw na magkasama kami.

Nakakainis! Kasi parati nalang akong iniiwan!!

"Llian?" Napatingin ako kay jerome na kakaupo lang sa tabi ko "Magready na daw, malapit na daw tayo sa bundok" Sabi nito na tila nais pang dugtungan ang sinasabi nya.

Tumango lang ako at sinuot ang di kalakihang shoulder bag na dala ko "Salamat...." sabi ko sabay baling ulit sa labas ng bintana.

Haay....Wala pa kong lakas ng loob para makausap ang ibang tao, Ayokong sumabog sa harap nila.

"Students be ready bababa na tayo pagkatapos ng ilang minuto" Anunsyo ng teacher namin.

Napabuntong hininga ulit ako,Kung pwede lang dina sana ako sumama dito.....Mas gugustuhin ko pang matulog nalang sa bahay kesa naman sumama sa field trip na 'to, Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

"Llian paki assist nalang sila mamaya tutal alam mo naman kung saan ang gitna ng bundok" Pukaw ni maam kezi sakin.

Ngumiti lang ako ng pilit saka tumango.

Bundok ng Gubaton (Gagawang bundok) Nakuha ang pangalan nito sa salitang GUBAT kapag kasi nakaabot ka nang gitna, para itong gubat ng mga puno't halaman.

Maganda ang bundok na yun, Bawat parte nun ay may makikita kang aral.......Sa bundok na yun kami parating pumupunta ni Austin, Kaya halos nakabisado ko na rin ang daan papunta doon.

Napatingin ako kay jerome nang marinig ko ang pagbuntong hininga nya "Ganun lang ba ako kawalang kwenta para sayo? Pakiramdam ko kasi binabalewala mo nalang ako" Sabi nito nang hindi nakatingin sakin.

Hindi ko intensyong iparamdam yun sakanya, Wala lang talaga akong lakas ng loob para magsabi sakanya....Parati nya nalang ako sinasalo sa mga problema ko.

Napabuntong hininga nalang din ako saka ko ibinalik ang tingin ko sa labas ng bintana "Mahalaga ka sakin jerome, alam mo yan...Kaya lang--" Diko na natuloy ang sinasabi ko.

Diko talaga kaya.....Pakiramdam ko ang hina hina ko.

"Ayos lang kung di mo ko kayang pagkatiwalaan.....Naiintindihan ko naman" Sabi nito saka na sya tumayo at lumabas ng bus.

Nandito na pala kami, Diko man lang napansin.....Haaaay! Ang hirap hirap kasing magsabi sayo jerome, Ayoko nang pahirapan ka pa :(

"Beb baba na!" Tawag pansin ni kyna.

Napatingin ako sakanila na nasa pintuan ng bus "Sige! Susunod nalang ako" Sabi ko.

Tumango lang sila saka na rin bumaba ng bus.

Pati sa mga kaibigan ko, nahihirapan akong magsabi.

Bumaba na rin ako ng bus saka ako lumapit sa kinatatayuan nila beb....Kasama nila si ador.

"Hi llian" masayang bati nito.

"Hi" tipid kong sagot.......Ilang araw na ba ako kinukulit ng lalaking 'to? Bawat oras kasi inaasar nya ko maski sa txt puro pambubwisit ang tinitxt nya.

"Nakasimangot ka ata ngayun?" Ngiting tanong nito.

Umirap naman ako saka na ko nanguna sa paglalakad paakyat ng bundok.

"Hey! Ang ganda ganda ng lugar na pupuntahan natin tapos nakasimangot ka dyan" Sabi ulit nito habang sinasabayan ako sa paglalakad.

"Shut.Up!" singhal ko sakanya.

Bwisit! Napatingin ako kela beb ng mapansin kong seryoso ang mga itong nakikipag usap kay jerome, Haay! Tungkol ba yun sakin?

"Di mo na ata nakakasama sila kyna at yung mayabang na basketball player?" Ayan naman sya sa mayabang thingy!

Sinamaan ko sya ng tingin "I.Said.Shut.Up!" Madiing singhal ko ulit.

Ngumisi sya saka nya inilagay ang dalawang kamay nya sa mga bulsa nya "Ang hirap siguro nun noh?...." Sumulyap sya sandali sakin "Yung taong minahal mo nang matagal na panahon binabalewala ka lang..." sabi nya na nagpahinto sakin.

"Andito na ba tayo?"

"Ang bilis naman"

"Beb bat ka huminto? Nandito na ba tayo?" Takang tanong nila.

Napatingin ako sakanila sa likod, Napahinto rin pala sila.

*sigh* pati ba naman sya guguluhin ang utak ko.

"Wag kang magsalita na parang naramdaman mo na yun Ador! Dahil sa pagkakaalam ko hindi ka marunong magmahal!" Wala sa sariling singhal ko sakanya.

"Ganun pala ang tingin mo sakin?  Alam mo bang matagal na 'kong nagmamahal sa isang babaeng ni minsan di ako pinansin!" May hinanakit na sabi nito.

Aaminin ko nakaramdam ako ng guilty...Di ko dapat yun sinabi sakanya, Di ko dapat sya hinusgahan.

"I-Im sorry nabigla lang ako..." Sincere na sabi ko nang hindi makatingin ng diretso sakanya....Di ko kayang tingnan ang Sakit sa mga mata nya "D-Di dapat kita hinusgahan" Mali ako...Mali talaga ako! Puro nalang ako mali! Pati 'tong buhay ko maling mali!

Napayuko sya "I-It's ok...." No! It's not ok! I know it's not....."But you know what llian kahit mukha na 'kong tanga sa kakahabol sakanya, I still love her" Love? Nag eexist pa ba yun?

Napabuntong hininga ako "Napaka swerte pala nang babaeng yun" Sana ganun din si Austin...Sana di nya ko iniwan.

Ang gulo gulo ng buhay ko....Anu bang kasalanan ko at parang pinaparusahan ako ng diyos?! Bakit ba paulit ulit ko nalang nararamdaman kung paano ang iwan at talikuran.

Natahimik ito ng ilang minuto bago ulit nagsalita na lalong nagpagulo ng sitwasyon ko at lalong nagdagdag sa mga poproblemahin ko.

"Swerte ka pala at malas ako dahil di ko napigilan ang sarili ko na mahalin ka"

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon