#Dreamers (EPILOGUE)

4.1K 48 1
                                    

1 years past.......

Isang taon na nga pala. Isang taon na nga pala ang nkakalipas pero parang kahapon lang yun nangyari.

Naghilom na rin bawat sugat ng kahapon, ngayun maayos na kaming lahat. Masaya na kami ulit kahit dina kami buo dahil sa pagkawala ni jerome.

fourth year highschool na kami  ilang buwan nalang ang hihintayin. Magkakasama pa rin kami nila beb, nadadagdagan nga lang ngayun at mas dumami.

Si Austin, anthony, mike at nicole ay nanatili pa rin sa showbiz. Binalak nga nilang umalis para di kami magulo ni beb ng mga reporters pero tumanggi kaming tatlo, nakikita kasi namin sa bawat gig nila ang kasiyahang nadudulot nun sakanila kaya kahit mahirap ay hinayaan na namin sila na ituloy ang nagpapasaya sakanila may limitasyon nga lang.

Si angelo naman at ang lolo nya ay lalong naging masaya sa pagdating ng masungit pero masayahing si nicole na kasalukuyang nagaaral magluto ng lugaw para kay lolo at angelo xD.

Sila beb naman ay matiwasay nang namumuhay kasama sila mike at anthony hehe di joke. Di pa sila nagsasama baka ipapatay pa sila ng mga parents nila joke ulit yun, tawa kayo hahaha (awkward) xD.

Ang mga parents naman namin ni austin ay ayos na ayos talaga, gusto na nga kaming ipakasal ni austin kung di lang daw bawal hahaxD.

Sila lola naman ayun feeling bagets sa hacienda haha maganda daw kasi sila tulad ko kaya dapat ipinagmamalaki hihi (yabang) nakaahon na rin pala ang mga magsasaka sa unos na dumating noong nasunog ang tubuhan, marami kasing nadamay dun. Kasama na ang inosenteng si manong guard na matagal ko na ring napatawad.

Ang mga parents naman ni jerome ay nasa states ngayun, nakapagmove on na sila. Sa katunayan nga nun ay inampon na nila si nicole. oo ganun sila kabuti, minahal nila si nicole sa kabila nang lahat. Masaya ako para sakanila, sigurado ako na pati si jerome ay masaya na rin.

Maraming nangyari sa loob ng isang taon. Lahat ng yun ay masaya. Lahat ng yun ay halos ikakasaya ng lahat.



























Isang malakas na hangin ang sumalubong sakin, pagkababa ko nang kotse.

Napangiti ako at tumingala sa kalangitan. Nararamdaman ko na naman ang presensya ni jerome na nasa tabi ko at binabantayan ako.

Naglakad ako patungo sa puntod nya at ibinaba doon ang bulaklak na alam kong gustong gusto nya.

"Kamusta kana? andami palang nangyari nitong nakaraang isang taon noh? Halos di ko na napansin na tumatakbo pa pala ang oras"

Tumingala ulit ako saka pinagmasdan ang medyo makulimling kalangitan

"Miss na kita, alam mo ba yun? Haha syempre oo.....Ang saya saya mo siguro dyan noh? Ako kasi masaya na din dito, tingnan mo oh? dina ko umiiyak! Dapat maging proud ka sakin" ngingiting sabi ko.

Napapikit ako nang dumaan na naman ang isang malakas ng hangin. Alam ko kahit wala na sya, alam kong masaya na sya sa nangyayari sakin ngayun.

"Alam mo ba jerome, may isang bagay ka pang di alam, diko na sinabi kasi ayoko nang masaktan kapa pero ngayung alam ko namang ayos kana kaya sige sasabihin ko na sayo" nagmulat ako nang mata saka tumingin sa lapida nya "muntik na kitang mahalin, oo totoo yun pero magaling yung pinsan mo eh. Balikan ba naman ako kung kailan kasalukuyan na kong nahuhulog sa bitag mo"natawa ako nang manumbalik ulit ang mga alaalang yun, noong alam kong nag iiba na ang tingin ko kay jerome, noong inamin nyang mahal nya ko. Gusto ko na sya nun diko lang tinanggap dahil nalilito pa ko. Akala ko ay pwede ko na syang tanggapin pero sadyang magaling talaga si austin akalain mo ba namang bumalik kung kailan ko na napagdesisyonang tanggapin si jerome "Secret lang natin yun ok? Baka kasi magselos ang pinsan mo' nakangiting sabi ko.

Matagal akong nanatili roon, hanggang sa dumating na si austin upang sunduin ako, nakatuxedo pa ito nang lumapit sya sa kinaroroonan ko. Napangiti ako, napakagwapo ng anghel na papalapit sa kinaroroonan ko. alam kong galing pa ito sa photoshoot dahil ngayun nakaschedule ang shoot nya para sa company ni papa sya kasi ang napiling model kasama sila mike,anthony at nicole.

"Ang tagal mo naman?" Nagpanggap akong naiirita pero kabaliktaran ang nangyari dahil lumabas yun na parang nanlalambing.

"Sorry po....Ayaw kasi akong paalisin ng bakla nyong photographer" tila nagsusumbong sabi nito.

Natawa ako saka ko sya bahagyang kinurot sa pisngi "Kawawa naman ang baby ko, mukhang pinagnanasahan ng photographer namin" natatawang sabi ko.

Ngumuso sya "Nakakairita nga eh! Paalisin mo na nga yun! Dapat ikaw lang ang malagkit na tumingin sakin" naiinis pero seryosong sabi nya.

Binatukan ko sya "ang manyak mo"

"Grabe ka! Sayo lang naman" sabi nya habang hinihimas himas ang ulo nyang binatukan ko.

"Tumigil ka austin, baka multuhin ka nitong si jerome sige ka" pagbabanta ko.

Natahimik naman sya, haha ang gwapo gwapo duwag naman haha sana nga dalawin sya ni jerome.

Ilang sandali pa kaming nanatili doon, kinausap ang puntod ni jerome at dinasalan bago namin napagpasyahang umalis na at pumunta sa hotel ni anthony para dumalo sa kaarawan ng daddy nya.

Naging malapit na ang mga magulang naming lahat sa amin, katulad ng pagiging malapit namin sa isat isa.

Siguro ganito talaga ang bunga ng mga malulungkot na alaala at karanasan na pinagdaanan naming lahat.

Masaya at kumpleto pa rin kami kahit wala na si jerome, alam kong yun ang gusto ni jerome.alam kong wala syang ibang hinangad kundi ang maging masaya ako....kaming lahat.

Lahat ng gusto nya ay naaayon na sa mga nangyayari ngayun.

Wala na ang sakit na naramdaman naming lahat pero yung mga masasayang alaala namin ay nandito sa puso ko...naming lahat.

Thanks for the life and love jerome, you will always be here....in our heart forever

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon