"Boyfriend mo ba yun llian? Mukhang nag away kayo ah? Dahil ba sakin?"
Nagising lang ako sa pagkakatulala ng marinig kong magtanong si lolo, Nakalimutan kong andito pala sya! Nakakahiya dahil andami nyang narinig.
Pilit akong ngumiti "Hindi po lolo, Wala po kayong kasalanan sa nangyari ngayun" Kasalanan ko! Mula noon hanggang ngayun kasalanan ko! Tanga ko kasi eh, Sinaktan ko sya.
"Mahal mo ba sya?" Biglang tanong nya.
Napabuntong hininga ako "Mahal na mahal po lolo" Pero......May mahal na syang iba ngayun.
"Kung ganun, Bat dimo sabihin sakanya?" Aniya.
Umiling iling ako "Mahirap po lolo" Haay! Napakahirap gawin yun lalo na ngayun, Natatakot na naman kasi akong masaktan!! Ayokong dumating ang araw na ireject nya ko pag sinabi ko yun sakanya, Baka diko kayanin.
"Walang mahirap sa pagmamahal iha" Sabi nya na nagpangiti sakin ng bahagya.
"Salamat po lolo pero di muna sa ngayun" May tamang panahon para doon "Hmmm Samahan nyo na lang po muna ako sa kusina para magluto lolo, Para di naman kayo mainip dito" Nakangiting paglilihis ko sa usapan.
Tumango lang ito at dina nagsalita, Tama! may tamang panahon para doon! May tamang panahon nga ba? Tsk! Nakakatawa dahil para akong tangang naghihintay sa impossibleng nang mangyari, Impossible nang masabi ko sakanya na mahal ko sya
:( pero sana mabigyan ako ng chance.
Inalalayan ko si lolo papunta sa kusina ayoko kasi itong iwan mag isa dahil baka mainip lang ito, pero Sa totoo lang di naman talaga ako magaling magluto tulad ni Austin pero kahit papanu naman nakakain ang mga potaheng alam kong lutuin, Di nga lang kasing sarap ng luto nya.
Sumulyap muna ako sa oras para malaman ko kung sapat pa ba ang oras ko para magluto kahit isang potahe lang.
At kung sinuswerte ka nga naman, May isang oras pa pala bago magdinner time....Hmmm anu kayang masarap iluto?Adobo?Pritong isda? anu kaya...
Nakangiti akong humarap kay lolo na kasalukuyang naka kunot ang noong nakatingin sakin.
"Anu pong gusto nyong ulam lo?" Medyo natatawang tanong ko, Yung expression kasi ng mukha nya parang nagsasabi na Anu bang iniisip ng batang 'to at bigla nalang ngumingiti at natutulala "Lo? wala po akong iniisip, Anu po bang gusto nyong ulam?" Sabi ko ulit.
Napaisip naman sya "Hmm masarap kumain ng Caldereta ngayun" Nakangiting sabi nya na unti unting nagtatanggal ng ngiti ko.
Caldereta?Yun ang paborito nya, at Yun ang potaheng una kong pinag aralan para sakanya.
"Hmm nice choice lolo" wala sa sariling sabi ko.
Tahimik lang akong nagluluto habang nakamasid lang si lolo saakin, Nahihiya nga ako sakanya kapag bigla akong napapasigaw dahil sa nasusugatan ko nang kutsilyo ang kamay ko O kaya napapaso ako.
Hindi naman kasi talaga ako ang nagluluto, Si mama kasi ang parating gumagawa nun para saakin.
*Fastforward*
"Gusto nyo po bang matulog muna lo?" Tanong ko.
Umiling ito "Hindi na, Hihintayin ko nalang si angelo" Sagot nito.
Tumango nalang ako at tinuloy ang paghuhugas ko nang pinagkainan namin, Di namin kasabay maghapunan si Austin :( Dina kasi ito lumabas ng kwarto nya pagkatapos nang usapang yun.
Gusto ko syang katukin sa kwarto nya at yayaing kumain kaya lang naisip ko, Gusto nya kaya akong kausapin sa mga oras na ito? Natatakot kasi ako na baka galit sya ngayun.
"Llian?" Tawag ni lolo dahilan para mapatingin ako sakanya.
"Bakit po?" Pinatay ko na ang gripo saka tinapos ang ginagawa ko.
Nagpunas muna ako ng kamay bago ako umupo sa tabi nya "Kapag nawala na 'ko sana wag mong pababayaan si angelo" sabi nya.
Napakunot ako ng noo "Wag po kayong magsalita ng ganyan lo, Ang lakas lakas nyo pa kaya" Nakangiting sabi ko.
Naging malapit na rin sakin si lolo kaya sobrang malulungkot ako kung iiwan nya na nga kami.
Ngumiti lang sya saka tumayo "Hindi ko hawak ang buhay ko llian apo" Sabi nito.
Aalalayan ko sana sya ng pigilan nya ko, Nagkibit balikat nalang ako saka sya sinundan sa sala.
"Lo gusto nyo po ba ng cake O ice cream?" Tanong ko sakanya.
"Ice cream nalang iha" Nakangiting sabi nito.
Tumango naman ako saka ko sya kinuhanan ng ice cream, Tulad ng ibang bata, Mahilig din ito sa Ice cream o kahit anung matatamis.
Napatingin ako sa oras, 6:47 na pala.........Haaay! Bakit kaya di pa bumababa si Austin? Dipa ba sya nagugutom?
Bumalik na ko kay lolo saka ko ibinigay sakanya ang ice cream nya, Nakakatuwa dahil nanunuod na naman sya ng Spongebob....haha para talaga syang bata.
"Kailan pala ang balik ng mama mo?" Tanong ni lolo habang nakafocus ang mga mata sa T.V.
Napakibit balikat ako "Ewan ko nga po eh, Nung tumawag po kasi sya kagabi sabi nya baka matatagalan pa sya sa pagbalik dito" Yun ang alam ko....Anu kayang ginagawa nila mama ngayun? Baka nagboboy hunting na yun haha
"Mukhang mabait yung lalaki kanina ah"
Sumimangot ako "Kahit sinungitan nya po kayo? Mabait pa rin ba sya lo?" Tanong ko.
Bahagya itong natawa "Nagseselos lang yun apo, Kaya siguro nagkakaganun sya" Sabi nya.
"Di po yun nagseselos lo, May gf na po yun" Giit ko naman.
Kahit gusto kong maniwalang nagseselos sya, Mahirap pa rin dahil baka sumobra ako sa pag aasume.
"Halata sakanya kanina nang banggatin ko ang pangalan ni angelo"
Diretso lang ang tingin ko sa T.V, Hmmm? Oo nga eh, mula nang marinig nya ang pangalan ni angelo bigla nalang nag init ang ulo nya.
Problema kaya nun? Nga pala gusto ko lang Iclarify na hindi ang pakikipag usap ko kay lolo ang ikinagagalit nya, Dahil lang yun siguro sa nangyari kanina about sa kape and milk.
Tama! Baka yun nga ang dahilan, impossible naman kasing magselos sya diba? Ang hirap paniwalaan nun, pakiramdam ko nga ako nalang ang nagmamahal saaming dalawa.
"Naku! Lo :) impossible po talagang magselos yun"
Pero :( diba? Inamin nya nga kanina? Pangalawang beses na nga nya ata sinabi yun eh!
Kaya lang Impossible talaga eh!
Haist! Bwisiiiiiit! Ang sakit sa ulo ng love.
BINABASA MO ANG
I Love you MR. SUPERSTAR 💯
Ficción GeneralHi xxbamchuxx thank you very much for the cover photo :) Malalabanan na kaya ni Llianizza Guevarra ang takot na mahalin si Steve franco? Sa muli kayang pagbabalik ng binata ay nakaipon na sya ng lakas ng loob na harapin ang pagmamahal nya rito? Ang...