#Dreamers (ANGRY)

1.5K 21 0
                                    

Pangatlong araw ko na dito sa ospital nang dumalaw ang lalaking hanggang ngayun ay kinamumuhian ko pa rin.

"Anung ginagawa mo dito?!" Walang ganang tanong ko.

Naibaba na ang kaliwang paa ko kaya nakakaupo na ko, Si Austin nalang ang kasama ko dito dahil nagsiuwian muna ang ilan at baka mamaya pa ang balik nila.

"Kanina ko lang nalaman na nandito ka sa ospital" Nag aalalang sabi nito saka tiningnan ang paa ko "Anung nangyari sayo?" Nag aalala pa ring tanong nito.

Edi itanong mo sa kerida mo at sa anak nya! P*nyeta kung pwede ko lang sabihin yun....Nag iwas nalang ako nang tingin, Nakakasakit nang loob ang pagdating nya dito! Ni hindi man lang nya alam na ginawa ito sakin ng mga taong ipinalit nya samin ni mama.

"Anung nangyari sakanya Steve?" Baling nya kay Austin nang di ako sumagot.

"Ayoko pong magsalita tito" Sagot din ni Austin.

Lumapit naman ito sakin "Anak anung nangyari sayo?" Pagpupumilit nito.

Tiningnan ko sya ng punong puno ng galit....Di nya ba nahahalata na ayaw ko sakanya "Anu bang ginagawa mo dito?! Kung yan lang rin naman ang itatanong mo sakin, Umalis ka nalang! Pwede PO ba?!" Galit na singhal ko.

"Llianizza?!" Napatingin ako kay Austin, Pinapatigil ako nito gamit ang mga mata nya....Pero di yun sapat para hindi ako maging bastos sa taong nasa harap ko.

Mula pagkabata nasanay na kong parating may ama sa tabi ko, Ni hindi ko na nga napapansin si mama noon dahil sa sobrang lapit ko sakanya....Kaya sobrang nasaktan ako nang iwan nya kami! Nang iwan nya ko.

Bumuntong hininga ako at pilit pinapakalma ang sarili ko....His not worth it! "Pagod na ko, Gusto ko munang matulog" Sabi ko nalang.

Diko na sila hinintay na makasagot at agad na kong humiga sa kama ko saka tumalikod mula sa gawi nila.

Maaga pa at hindi pa ko inaantok, Palusot ko lang yun para makaiwas ako sa kanya, Ayoko syang makausap Ni makita man lang.

3 hours past.....

Halos di ko na mabilang ang buntong hiningang ginawa ko, Ilang oras na ba akong ganito, pakiramdam ko nawalan na ko nang lakas para humarap ulit...Siguro dahil di pa ko sigurado kung nakaalis na ba sya.

"Where's llian?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

Agad akong napaharap at pakiramdam ko bumalik lahat ng lakas at sigla ko ng makita ko sya ulit.....Namiss ko sya "Mama!" Nakangiting tawag ko sakanya.

Nagliwanag ang mukha nito ng tingnan ako "Llian..." Agad syang lumapit sakin saka ako niyakap at hinalik halikan sa noo.

Natawa ako nang hinalik halikan nya rin ako sa pisngi at ilong "Namiss kita anak" Sabi nito.

Napapikit ako saka ngumiti "Namiss din kita ma" Miss na miss! Super miss na miss.

Hinawakan nya ko sa pisngi saka tiningnan sa mata "Pinag alala mo na naman ako llian..." Seryosong sabi nito.

"Sorry ma....Sorry talaga" Sabi ko saka ko sya niyakap ng mahigpit.

Alam kong di pa dapat sya uuwi dito pero dahil nga sa nangyari sakin, Ito sya ngayun....Naabala ko ang bakasyon nya.

"Ahem!" Napahiwalay ako kay mama nang may marinig akong tumikhim.

"Nandito ka pa!" Inis na sabi ko.

"Hmm lalabas po muna ako" Sabi ni Austin nang matahimik kami ng ilang minuto.

Di ako sumagot, Tiningnan ko lang sya at nginitian....Alam kong alam nya kong anung nangyayari ngayun, At yung pakiramdam na malapit sakin ang lalaking kinamumuhian ko! It's killing me.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon