Hi :)
Matatapos na po ang kwento nila llian at austin, thanks po sa mga nagbasa at sa mga HINDI nagbasa ng story nila hahaha.Vote and comment naman po dyan:)
----****----
Naging maingay ang libing ni jerome dahil sa mga iyakan at hagulgol namin. Halos mawalan nga kami ni tita ng malay nang makita namin ang sunog na katawan ni jerome. Halos di na namin sya makilala nang puntahan namin sya sa morgue ng araw na ibuburol na namin sila.
Kahit sila lola ay inaatake na sa labis na kalungkutan kaya inilayo na namin sila dito. Sumama sila Austin at bebs kela lola para pakalmahin ang mga ito, kami nalang nila papa at mama, parents ni jerome at ibang nakikipaglibing nalang ang naiwan.
Nilapitan ko ang parents ni jerome na magkayakap na umiiyak. Hindi nila matanggap na iniwan sila ng unico iho nila. Nag iisa nilang anak si jerome kaya lubos nalang kung ispoil nila ito noong nabubuhay pa sya pero ngayun, nakikita nalang nila ang anak nila sa kabaong na tila natutulog lang. Masakit yun alam ko, napakabuting kaibigan anak ni jerome kaya mahirap para sa lahat na tanggapin ang nangyaring ito.
Sa maraming pagkakataon naramdaman ko ulit na kasalanan ko lahat ng nangyayaring ito lahat ng kamalasang ito ay kasalanan ko. Wala akong nagawa kundi panooring mamatay ang bestfriend ko habang inililigtas ako.
"Tita....tito...sorry...po" bumuhos lalo ang mga luha ko nang makalapit na ko sakanila. Lumuhod ako sa harapan nila at yumuko.
Ineexpect ko na pagsasalitaan nila ako ng masasakit o di kaya'y sasaktan ako pero hindi. Iba ang ginawa nila, at di ko yun matanggap. Dapat nagagalit sila sakin ngayun pero hindi, imbis na sumbatan nila ako ay isang mahigpit na yakap lang ang binigay nila.
Lalo ako napagulgol sa ginawa nila. Itinayo ako ni tita at pinaupo sa tabi nya, iyak pa rin ako iyak nang haplusin nya ang mukha ko at punasan ang mga luhang walang tigil sa pag agos.
"Wala kang kasalanan llian...." sincere na sabi ni tita.
Umiling iling ako "no..ti..ta..i.kill..him...he..died...because..of..me...he..died...because..he...love...me.."
yun naman ang totoo diba? Minahal nya ko kaya to nangyari sakanya! Niligtas nya ko kaya nasa kabaong sya ngayun imbis na ako.
"No llian...My son died because he want you to stay and live....He loves you more than his life....and that is TRUE LOVE...Im proud of him...I really do" sabi ni tito na lalong na nagpahagulgol sakin.
Hindi man lang nya naranasang magmahal ng iba. Yung mamahalin din sya at mamahalin nya ng higit pa kesa sa pagmamahal nya sakin.
"Masakit man tanggapin pero kailangan llian...gusto naming maging payapa ang kaluluwa ng anak ko" sabi ni tita saka nya ko niyakap ulit at tahimik na umiyak kasabay ko.
Napatingin ako sa nakasarang kabaong nya, sunog sunog ang katawan nya kaya ipinasara nalang namin yon.
jerome,
Thank you:) thank you sa pagmamahal, thank you sa pangalawang buhay...salamat sa pagliligtas sakin, salamat kasi naging parte ka nang buhay ko....mamimiss kita,mamimiss ko ang mga tawa mo, ang mga ngiti mo, ang kakulitan mo at syempre ang pagpunta mo parati sa bahay para ubusin ang laman ng ref namin :) andami kong memories kasama ka, lahat ng yun masaya kaya siguro mahihirapan ako nitong magmove on. Hindi kita makakalimutan, ikaw lang kasi ang pinaka gwapo kong bestfriend. Mahal kita kahit bilang kaibigan lang, naramdaman mo naman yun diba? Yun kasi ang pwede ko lang isukli sa pagmamahal mo.
Jerome tubig...sana kahit wala kana, sana kahit masaya ka na dyan sa langit, sana di mo pa rin ako makalimutan, palagi mo kong babantayan ha? Bantayan mo sana kaming naiwan mo. Di ka namin makakalimutan lalo na ako. Marami na akong utang na di nababayaran saka ko na siguro yun babayaran kapag nagkita na tayo :) salamat ulit jerome...salamat sa lahat, parati kong bibigyan ng importansya ang buhay ko na dinugtungan mo.
Goodbye jerome tubig.
Llianizza guevarra.Hinalikan ko muna ang sobre bago ko ito hinagis sa hukay kasama ng kabaong nya. Sana magustuhan nya ang pabaon na hinanda ko. Kahit medyo gusgusin yun dahil sa mga luha ko ay pinaghirapan ko pa rin yun para sakanya ganun sya sa kaimportante sa kin.
"May you reat in peace jerome" isang mapait na ngiti ang binigay ko bago ako tumalikod at bumalik sa tabi ni austin.
Hanggang ngayun ay naiiyak pa rin ako pero di na tulad ng dati na halos di na ko makahinga, unti unti ko na kasing natatanggap na wala na sya at dina sya babalik pa.
"Dadating ang araw mawawala lahat ng sakit llianizza at mapapalitan lahat ng yun ng ligaya, di na kita iiwan...pangako diko sasayangin ang binigay nyang pagkakataon na makasama pa kita" sabi ni austin.
Napangiti ako. Mabuti ngang kaibigan si jerome. Napakabuti dahil sakanya makakasama ko pa ng matagal si Austin.ang lalaking pinakamamahal ko.
BINABASA MO ANG
I Love you MR. SUPERSTAR 💯
Ficción GeneralHi xxbamchuxx thank you very much for the cover photo :) Malalabanan na kaya ni Llianizza Guevarra ang takot na mahalin si Steve franco? Sa muli kayang pagbabalik ng binata ay nakaipon na sya ng lakas ng loob na harapin ang pagmamahal nya rito? Ang...