"Swerte ka pala at malas ako dahil di ko napigilan ang sarili ko na mahalin ka""Swerte ka pala at malas ako dahil di ko napigilan ang sarili ko na mahalin ka"
"Swerte ka pala at malas ako dahil di ko napigilan ang sarili ko na mahalin ka"
Paulit ulit yun tumatakbo sa isip ko, Nalilito ako! Naguguluhan ako! Diko alam kung matutuwa ba ko dahil nadistract ako kahit papaano ni ador O lalo ko lang dinagdagan ang mga problema ko.
Napatingin ulit ako sa kinaroroonan nila beb at jerome, Nag uusap pa rin sila hanggang ngayun.....Tungkol kaya saan yun? Tungkol kaya sakin?
Napadako naman ang tingin ko kay ador na nakasandal ngayun sa puno at nakatulala lang.......Totoo ba lahat ng sinabi nya? Sana joke lang lahat ng yun.
Napabuntong hininga na naman ako, Pang ilang buntong hininga na ba ang nagagawa ko? Ganito talaga siguro kapag punong puno kana ng problema, Ni hindi ko na nga napapansin 'tong ganda ng lugar.
"Beb?" Napatingin ako kela beb ng lapitan nila ako.
"Bakit?" Takang tanong ko, Parang kanina lang nasa malayo sila at nakikipag usap kay jerome....Diko man lang napansin na papalapit na pala sila sakin.
Umupo sila sa harap ko "Diba may ilog dito sa malapit?" Nakangiting tanong ni rose ann.
Tumango tango ako "Oo...bakit?"
"Sabi ko na nga ba eh!" ngiting sagot nya "Tara! Ligo tayo doon" Excited na anyaya nito.
Napakunot ako ng noo "Bawal tayong lumayo dito, Gusto mo bang matulog sa labas ng tent mamaya" Sermon ko.
Napasimangot naman sila "Sayang naman beb...Minsan lang naman eh" Pagmamaktol ni kyna.
"Next time nalang" Kung may next time pa! Haist! Di na ko babalik dito........Kasalanan to ng Austin na yun.
"Sige na nga" Nakasimangot na pagsuko nila.
Bumuntong hininga nalang ako saka tumingin sa taas....Ang linis ng langit, Ang ganda at mukhang tahimik.
Sana dun nalang ako nakatira...Siguro wala akong sakit na mararanasan.
---***---
JEROME'S POV
(Dahil in real life sya ang love ni llian, Pagbibigyan ko muna sya xD)Napasulyap ulit ako sakanya saka bumuntong hininga...Ilang araw na ba syang ganyan? Ilang araw na ba syang nakatulala na parang pasan pasan nya ang buong mundo? Ang hirap! Ang hirap hirap makita na nasasaktan ang taong mahal na mahal mo at ang sakit isipin na di mo sya kayang tulungan to heal the pain.
Bat di nalang kasi ako? Bakit kailangan nya pang mahalin ang lalaking yun! Kaya ko naman syang mahalin ng higit pa....Kaya ko syang alagaan at protektahan.
Kung ako nalang sana....Sana di sya nasasaktang ng ganito, Hindi sana nahihirapan ang babaeng buong buhay kong minamahal.
"Ang sakit makitang ganyan sya" Napatingin ako sakanya.
Bat nandito 'to? Akala ko ba naiinis 'to sakin? *Sigh* Siguro dahil parehas kami ng nararamdaman.
Nasasaktan din sya.....Tulad ko.
"Ang malas natin dahil di tayo mahal ng babaeng gusto natin!" Malungkot na sabi nito habang nakatingin kay llian na nakatulala na naman ngayun...Kahit yung dalawa di kayang pagaanin ang nararamdaman nya Si steve lang ata ang makakagawa nun "Kahit pala anung pagmamahal ang ibigay mo ay di pa rin sapat para mapansin ka nya....May iba na kasi Siguro" Hindi siguro ador...Meron talaga Si Steve franco The superstar.
Napatingin ako sa langit...Ang ganda kasingganda nya "Kahit papaano swerte pa rin tayo dahil sya ang pinili ng puso natin, Masaktan man tayo ngayun...Sigurado ako na may darating pang iba sa tamang panahon" Napangiti ako ng mapakla.......F*cksh*t! Unang pag ibig sawi na agad, Sana sa pangalawa pang lifetime na "Pero Si llian...Magiging maayos din sya, Ngingiti din yan kapag naayos na lahat ng gulo sa buhay nya" Sana ayusin nga ito ni Austin.
"Sana nga...." Mahinang sabi nito sa tabi ko "By the way....Di pa nga pala tayo pormal na nagkakilala" Napatingin ulit ako sakanya ng maglahad sya ng kamay "I'm Ador dizon...." Pagpapakilala nito.
Tinanggap ko naman ang kanay nya "Jerome tubig is my name" Pagpapakilala ko rin.
Nagtanguan nalang kami, Ganyan siguro ang mga taong may parehong nararamdaman....Kahit simpleng tanguan nagkakaintindihan.
--****---
STEVE AUSTIN FRANCO POV
"Lapitan mo na" Sabi sakin ni manager.
Ngumiti ako "Gusto ko spesyal ang pagpapakita ko sakanya" Marami na kong utang sakanya at babayaran ko na yun.
"Matitiis mo ba na makita ang kalagayan nya ngayun? Mukhang malungkot na malungkot sya"
Napabuntong hininga ako "Kanina pa ko nagtitiis manager" Actually kahapon pa, mula kasi nang bumalik ako dito sinusubaybayan kona sya.
"Nakakamangha ang pagmamahal mo sakanya, Handa mong iwan lahat para lang makasama sya" Para sakanya gagawin ko lahat ganun ko sya kamahal "Pero tulad nga nang sinabi ko Face the consequence Steve franco....." Sabi nito.
Tumango lang ako, Matagal ko nang hinihintay ang panahong 'to....Kung saan nasisiguro ko nang mahal nya rin ako.
Ang tagal kong nagtiis at nangulila sakanya, Akala ko kasi makakalimutan ko sya sa paglayo ko.
"Handa na po ang tent na tutulugan nyo?" Sabay kaming napatingin sa isang bodyguard na sinama ni manager.
Nagpatayo ako nang tent malapit sa mga tent nila llian, Gusto ko na malapit lang ako sakanya hababg naghahanda pa ko sa muling paghaharap namin.
"Sigurado ka bang iiwan ka namin mag isa dito?" Medyo nag aalalang tanong ni manager.
"Oo naman..." Sagot ko "Kaya ko na naman ang sarili ko manager...." dagdag ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito "Alright. Take care lover boy" Pang aasar nito sabay tapik sa balikat ko "Bye"
Tumango lang ako at nanatiling nakatitig kay llianizza....Nag iiwas ako nang tingin sa tuwing napapansin ko ang pagtulo ng mga luha, Baka kasi diko mapigilan ang sarili ko at mapalapit ako sakanya ng di pa oras.
Diko na sila pinansin nang magpaalam muli sila, masyado akong abala sa kakatitig kay llianizza, natatakot kasi ako na baka mawala sya sa paningin.
BINABASA MO ANG
I Love you MR. SUPERSTAR 💯
Aktuelle LiteraturHi xxbamchuxx thank you very much for the cover photo :) Malalabanan na kaya ni Llianizza Guevarra ang takot na mahalin si Steve franco? Sa muli kayang pagbabalik ng binata ay nakaipon na sya ng lakas ng loob na harapin ang pagmamahal nya rito? Ang...