Hapon na nung makauwi ako pero di pa nga ako nakakapasok ng gate nang makita ko si nicole at ang mama nya na matiyagang naghihintay sakin.
Sumilay ang ngiti sa labi ng mama nya nang makita ako samantalang simangot naman ang pinakitang expression ni nicole sakin.
Lumapit ako sakanila nang nakakunot ang noo "Anung ginagawa nyo dito?" Kunot noong tanong ko.
"Gusto ka lang naming kamustahin at ang bahay nang ASAWA ko" Sagot ni Neri...Nanay ni nicole at kabit nang tatay ko.
Nakakawalang galang ang mga ugali nya SUPER DUPER! " Asawa?! sa pagkakaalala ko, Ang mama KO ang tunay na asawa at KERIDA ka lang!" Sagot ko sakanya...Pinagdiinan ko pa kung ano role nya sa buhay namin.
"Bastos ka talagang bata ka!" Inis na singhal nito "Para sabihin ko sayo! Magpapakasal din kami ng papa mo dahil ako NAMAN talaga ang mahal nya hindi KAYO ng nanay mo!" Singhal pa nito.
Ngumisi lang ako "Sa tingin mo ba may pakielam pa ko dyan sa sinasabi mo? sa tingin mo ba masasaktan pako? Well, hindi na! tapos na ko sa stage na yan" Ayoko nang umiyak dahil sa mga katulad nila! Mga walang kwenta! Tsk! "Kaya kung pwede lang umalis na kayo...And thank you sa pangangamusta sakin At sa bahay KO!" Sarkastikong sabi ko.
Tatalikod na sana ako nang bigla akong hawakan sa braso ni nicole at Pwersahang iniharap sakanya "Bita--" Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nya kong sampalin.
Mabigat ang kamay nya at malakas ang pagkakasampal sakin kaya siguro pati pagputok ng labi ko ay Damang dama ko.
"Matagal na kong nagtitimpi sayo!" Singhal nya habang dinuduro duro ako....Di ko alam kung anung nangyari sakin pero ang alam ko lang ngayun ay di ako Makagalaw O makakilos man lang "Ikaw! kasalanan mo lahat nang kamalasang nangyari sa buhay ko! Nang dahil sayo malapit nang mawala sakin ang lahat! pati si Steve Inagaw mo!" Dagdag nya pang singhal.
"D-Di ko sya inagaw sayo!" Nanginginig na sabi ko.
Bakit ganito? bakit nanghihina ako? bakit di ako makalaban sakanya "Tama na yan nicole! baka may makakitang press sayo, Makadagdag pa yan sa problema natin!!" Pigil sakanya ng mama nya.
Humigpit lalo ang pagkakahawak nya sa braso ko dahilan para mapa-aray ako "Pasalamat ka may image akong kailangang ayusin" Galit na sabi nito saka ako marahas na tinulak dahilan para mabangga ang kaliwang paa ko sa malaking bato.
"May araw ka rin sakin!" Sabi nito bago sya sumakay sa sasakyan nila at umalis kasama ang mama nya.
"A-Araaay!" Daing ko.
Naluluha akong napatingin sa paa ko, Namamanhid na naman ito....Tiningnan ko ang halos nabubura nang tahi dito, Hindi na ito nakikita sa malayuan dahil humihilom na ito pero kung titingnan mo sa malapitan ay makikita mo kung gaano kalaki ang iniwang pinsala nang aksidenteng naganap sakin pag alis ko nang airport nang mga panahong sinubukan kong habulin si Austin.
Flashback****
Punas ako nang punas nang luha habang nasa byahe ako pabalik sa bahay, Di ko sya nahabol! nakaalis na sya! iniwan na ko ni Austin.
*Sniff* Iniwan na nga ako ni papa pati ba naman sya.
Napatingin ako sa labas ng bintana, Ang sakit sakit! parati ko nalang nararanasan kung paano ang iwan.
Beeeeeeeep! Beeeeeeeeep!
Beeeeeeeeep! Beeeeep!
Bakit ganun masama ba kong tao! *Sniff* Bakit parati nalang akong iniiwan ng mga mahal ko.
Bumalik ang tingin ko sa kalsada pero laking gulat ko nalang ng sunod sunod akong nakarinig ng mga busina....At nang mapatingin ako sa kanan ko ay dun ko lang napansin ang isang malaking truck na papalapit sakin.
Sinubukan kong Iwasan yun pero nang mag iba ako nang direksyon ay sa malaking puno naman bumangga ang kotse ko.
Kahit puno lang yun ay malakas pa rin ang impact na nangyari, Naramdaman ko ang paulit ulit na pagbunggo ng ulo ko sa manibela at kung paano naipit ang paa ko dahil sa Pagkalupit ng kotse ko.
"Austin...." Bakit ganun? bakit paulit ulit kung tinatawag ang pangalan nya pero bakit di nya ko sinasagip? Bakit wala sya ngayun? bakit wala sya kung kailan kailangan ko sya.
Sinubukan kong kumilos pero diko magawa, Ni ulo ko di ko rin kayang galawin....Nakapikit ako pero gising na gising pa rin ang diwa ko kaya damang dama ko bawat sakit pati sakit ng puso ko.
---****---
"Anak? Kamusta na ang pakiramdam mo? may masakit ba sayo?" Isang luhaang mukha ni mama ang una kong nakita pagkagising ko.
"Ma?" Nalulungkot ako dahil umiiyak na naman sya, Parati nalang syang umiiyak...Di ko man lang naisip na pwede syang malungkot sa posibleng kahinatnan ko.
Sinubukan kong kumilos pero tanging mga kamay ko lang ang nagawa kong igalaw "B-Bakit di ako m-makagalaw ma? bakit di ko m-maramdaman ang k-kaliwang binti k-ko?" Nababahalang tanong ko.
Alam naipit ang paa ko, Sana hindi ito malala...."Apekto lang yan ng Anesthesia sayo baby" Sabi nito na nagpakunot ng noo ko.
"A-Anesthesia?" Naoperahan ang kaliwang paa ko? Ibig sabihin pwedeng maapektuhan ang pagsayaw ko.
"May tinahi lang ang mga doktor sa paa mo anak, pero don't worry magiging ayos ka rin" Pag aasure nya.
Napaluha nalang ako at di nalang nagsalita....Napakamalas ko talaga! Masakit na nga puso ko, Naaksidente pa ko.
Anu bang kasalanan ko?
"Llian?......" Napahinto ako sa pag alala nang nakaraan nang biglang may humawak sa magkabilaang braso ko "Anung nangyari sayo?" Nag aalalang tanong nya.
Napahikbi ako, Nakakaawa ba ang kalagayan ko ngayun para mag aalala sya nang ganyan? Ganito baka kahina? walang kwenta! "Ang hina ko" Sobrang hina ko, Ni hindi ko man lang napagtanggol ang sarili ko "W-Wala akong n-nagawa! H-Hinayaan ko l-lang sya na s-saktan ako" Paulit ulit ko nalang hinahayaang saktan nila ako, Parati nalang ako ang natatalo.
Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi ko "Sino?" Tanong nito saka napatingin sa kaliwang paa ko "Namumula ang paa mo, May nararamdaman ka bang masakit?" Nag aalalang tanong nya, Kaunti lang ang nakakaalam na naaksidente ako at isa na sya dun.
"N-Namamanhid na naman b-baka....B-Baka tuluyan na k-kong Malumpo n-nito" Di ko kaya...Di ko kayang mawala ang isang paa ko, Gaya nang Sinabi nang doktor Ingatan ko daw na hindi ito bumangga sa kahit anung bagay na matigas At di muna dapat daw ito pwersaheng gamitin....Delikado na ang paa ko....Mahina na ito at malapit nang mamatay.
"Hindi ka malulumpo ok?, Dadalhin kita sa ospital" Nag aalalang sabi nya saka ako dahan dahang binuhat papasok sa kotse nya.
Tiningnan ko sya na nakafocus lang sa pagmamaneho, Nag oovertake ito kung may pagkakataon, Medyo mabilis din ang pagmamaneho nya para agad akong maitakbo sa ospital.
Utang ko sakanya ang araw na 'to! Marami na kong ginawa para maingatan 'tong paa ko, Dimo na ako sumali sa cheerdance para di ito mapwersa pero sa isang iglap lang...Pwedeng mawala lahat ng paghihirap ko para maisalba ang paa ko.
"Salamat Angelo....."
BINABASA MO ANG
I Love you MR. SUPERSTAR 💯
Aktuelle LiteraturHi xxbamchuxx thank you very much for the cover photo :) Malalabanan na kaya ni Llianizza Guevarra ang takot na mahalin si Steve franco? Sa muli kayang pagbabalik ng binata ay nakaipon na sya ng lakas ng loob na harapin ang pagmamahal nya rito? Ang...