Alright! Nasettle na rin ang love story ng apat haha sana natuwa kayo dun hihi and now balik na tayo sa dalawa.
Vote and comment naman dyan.
---***---
kunot noo akong napatingin kela papa at Austin, Parang seryoso ang usapan nila....Ni di nga nila napansin na nakatingin ako sakanila mula sa malayo.
"Llian?" Napatingin ako kay mama nang tawagin nya ang pansin ko.
"May problema ba? Kanina kapa namin tinatanung" Sabi nya.
Napatingin ako kela lola na nagtataka ding nakatingin sakin, Ngumiti ako "Sorry po...Anu po ba yung tinatanong nyo?" Tanong ko rin sakanila.
Sinulyapan ko ulit sandali sila Austin bago ako nakinig sakanila lola "Ahmm tinatanong ka namin apo kung handa na ba ang susuotin mo para bukas, Gusto mo bang magpatahi ng damit?" Tanong ni lola cristy.
Umiling ako "Ayos na po yung mga luma kong dress dyan lola, Ayoko naman pong magpabongga pa nang suot baka lalong mahiya ang mga trabahador na dadalo bukas" Nakangiting sabi ko.
Bukas na pala ang fiesta, At pinlano namin na dito nalang gawin at imbitahan nalang lahat ng tao na dumalo dito.
"Kung sabagay mas maganda nga yun, At isa pa mas maganda ka sa simpleng kasuotan apo" Nakangiting sabi naman ni lola aneth.
Natawa ako at nagkamot ng ulo sa hiya "Lola naman, binobola nyo pa ako eh" nahihiyang reklamo ko.
Tumawa sila "Manang mana ka talaga sa mama mo, Di ugaling magbuhat ng bangko di tulad ng iba--" Sabat ni lola cristy sabay tingin sa mag inang kalalabas lang ng mansyon....Nasa garahe kasi kami ngayun habang nasa garden naman sila Austin.
Napatingin kami sa kanila nang lumapit sila sa kinaroroonan namin "Grabe! Nakakaexcite po pala kapag fiesta dito! maraming tao ang pumupunta, ibig sabihin mas marami ang makakakita ng kagandahan ko" Masayang sabi ni nicole habang nakapameywang sa harapan namin.
Napailing nalang ako, Mayabang talaga! "Kayo? di po kayo magpapatahi?" Tanong ng nanay nya.
Nagkatinginan kaming apat, Hindi naman kami bastos para di sila sagutin pero sa ganitong pagkakataon na naiinis pa kami sa kanila, parang ang awkward pang kausapin sila.
"Hindi na naman yun kailangan pa, atsaka Baka lalo pang mahiya ang mga trabahador ng hacienda kung magbibihis pa tayo ng marangya" si mama na ang sumagot.
Napatango naman sila lola, Ngumiti nalang ako ng pilit at sinulyapan ulit sila Austin na nakatingin na pala samin ngayun.
Kumuway ako nang kawayan nya ko, Napatingin naman ako sa katabi nya.......Nakangiti ito pero may iba sa mga tingin nya.
"Mukhang seryoso ang usapan nila ah?" Nabaling ulit ang atensyon ko kela nicole na nakiupo na rin pala sa tabi namin ngayun.
Tinaasan ko sya ng kilay "Paki mo ba?" mahinang sabi ko.
Sinamaan ako nito ng tingin "I have my rights! Papa ko yang kausap ng EX ko na inagaw mo" Singhal nya.
Napatingin naman sila mama samin na punong puno ng pagtataka....Kung titingnan mo kasi kami ay parang di kami nag uusap, kaya nung mapalakas ang boses ni nicole ay talagang nagtaka sila.
"May problema ba nicole?" Tanong ni lola cristy.
"Wala po lola" nakangiti naman nyang sagot, tsk! Plastic
Napatango nalang sila at nag usap muli tungkol sa preparasyon para sa fiesta bukas.
Masamang tingin naman ang ibinaling ni nicole sakin, nginisian ko lang sya para lalong inisin "Mga ambisyosa nga naman, Ang hilig hilig magbintang at mag assume na wala namang katuturan" bulong ko sakanya.
Sa pagkakaalam ko papa ko ang tinatawag nyang papa ngayun, At akin naman talaga ang sinasabi nyang ex nya....At sa pagkakaalam ko fake lang ang relasyon nila noon.
Lalo akong napangisi ng hindi sya makasagot sa sinabi ko, ayaw nya sigurong mapansin sya nila lola.
"ahem!" Nabaling ang atensyon naming lahat sa paglapit nila Austin "Pwede ko po bang hiramin si llianizza?" Tanong nito.
Ngumiti lang sila mama at tumango "Sige steve,ingatan mo lang yang anak ko" nakangising sabi ni mama.
"I will tita" sagot naman ng loko.
Napailing nalang ako habang inaabot ang inaalok nyang kamay, Nakakatunaw talaga ang ngiti ng lalaking to "Sige po lola's at mama" pagpapaalam ko.
"Tara?" Yaya nito sakin.
Nagtaka ako "San ba tayo pupunta?" Takang tanong ko habang hinihila nya ko papunta sa kotse nya.
"Sa bayan, susunduin natin sila jerome" nakangiting sabi nito.
"Talaga?" Excited na tanong ko.
Pinagbuksan nya ko ng pinto "Yes sweetheart, sakay na" Sabi pa nito.
Napa-yess ako sa sobrang saya kaya agad na kong pumasok sa loob ng kotse nya.
Di na ko makapaghintay, sobra ko silang namiss grabe! Namiss ko na yung kaingayan nila beb at kakulitan nila anthony, mike at jerome.
"You look so excited" nakangiting sabi nya habang nagmamaneho, Nasa bayan na kami at kitang kita na namin ang sentro ng lugar kung saan namin sila aantayin.
"Namimiss ko na kasi talaga sila" nakangiting sagot ko, saka ko sya Matamang tiningnan baka makalimutan ko pang itanong 'to "Austin....kanina? Anung pinag usapan nyo?" Tanong ko.
napapansin ko na rin ang madalas nilang pag uusap ng sarilinan, parang may pinagkukwentuhan sila na dapat sila langa ang nakakaalam.
Bumuntong hininga muna sya bago sumagot "w-wala naman" simpleng sagot nito.
Huminto na ang sasakyan namin sa mismong sentro pero wala pa ang mga hinihintay namin doon "Llianizza?" Halos pabulong na sabi nya, May pagdadalawang isip din sa mukha nya na dugtungan ang iba nya pang sasabihin.
Hinawakan ko sya sa kamay "Ayos lang, spill it! Gusto kong marinig kung ano man yang gusto mong sabihin"
"T-Tungkol kay att. M-Martinez at sa a-annulment paper" Napahinto sya nang hilain ko ang kamay ko mula sa kamay nya.
"Pinakiusapan ka ba nya?"
"No, I just want to know"
Napabuntong hininga ako "Babalik nalang daw si ninong kung kailan pipirmahan ng ama ko ang annulment papers...." Umalis na kasi si ninong kinabukasan ng aminin nyang gusto nya si mama, tingin ko nararamdaman nya rin na magulo pa ang buhay namin.
"Panu kung di yun matuloy?"
"Anung ibig mong sabihin?"
"I mean, panu kung magkabalikan ang mama at papa mo?"
"That's impossible!" Nagiwas ako ng tingin "Hindi yun papayagan ng magina" halos maging tuko na nga ang nanay ng nicole na yun sa kakasunod at kakabantay sa tatay ko.
Nakakatuwa dahil kung makaasta sila akala mo sila ang totoong pamilya.
We waited for almost 10 minutes bago sila dumating, Akala ko nga matutuyuan na ko ng laway eh, di na kasi sya nagsalita pagkatapos nun.
BINABASA MO ANG
I Love you MR. SUPERSTAR 💯
General FictionHi xxbamchuxx thank you very much for the cover photo :) Malalabanan na kaya ni Llianizza Guevarra ang takot na mahalin si Steve franco? Sa muli kayang pagbabalik ng binata ay nakaipon na sya ng lakas ng loob na harapin ang pagmamahal nya rito? Ang...