CHAPTER 25

47 5 0
                                    

Dave pov

Andito kami lahat ngayon sa bahay  ko kasama ng lahat nayun si Nathalie. Kasama na siya ngayon sa grupo namin, malakas siya at kaya niya kaming matulungan sa lahat ng laban namin.

" anong plano natin ngayon? Kompleto na tayo oh, marami narin tayong mga kasamahan na handa na sa laban" biglang sabi ni Rap Mon.

"Tumahimik ka nga jan Rap, hindi dapat tayo padalos dalos, dapat may plano tayo. Pano kung matalo tayo?. Pano kung maraming mamamatay na kasamahan natin?!. Kunti lang tayo alam mo yan mag isip ka nga!." Pagalit na sabi ni ni Jung kay Rap.

"Tama si Jung di dapat tayo padalos dalos dapat natin tung planohin ng mabuti. Alam naman nating marami tayong kalaban at kunti lang tayo" sabi ko sa kani

Isa isa naman silang nagtanguan sa akin.

"Eh ano bang plano natin?" Tanong Nathalie

Kasama na ngayon si Nathalie sa amin pina kilala ko na siya kanina sa mga kasamahan ko.

Tutol si Jung sa pagsama ko kay Nathalie sa grupo..may masamang kutob siyang kalaban si Nathalie.

Yan ang tingin ko kay Nathalie nung una pero siguro mali talaga ako mabait naman siya at malakas at alam kung matutulungan niya kami.

At kung kalaban man si Nathalie di ako magdadalawang isip na patayin siya.

"So ito ang plano .
.
.
.
.

......"

Natapos ng ilang minuto natapos ko naring mapahayag ang mga plano ko.

"Ok ang plano mo Dave..pero bago yun pano si Ariana?" Biglang sabi ni Jung na kanina pa tahimik na nakikinig.

" kailangan mo na natin siyang maligtas bago tayo sumulong ayaw kung mapahamak siya... Kayo na bahala sa mga kalaban ako na kay Ariana."

"Sasama ako sayo Dave sa pagligtas kay Ariana remember babawi pa ako sa kanya diba?"

"Sige salamat Nathalie"

"Wala ano man yun hehehe badta ikaw!." Biglang may sumilay na ngiti sa labi ni Nathalie .masaya siguro.

Maliligtas din kita Ariana hintayin mo ko.

******

Ariana pov

Kanina pa ako dito paikot ikot sa kwarto naghahanap ako na pwedeng labasan.

Ayaw ko na dito ayaw ko sa kanila mga masasama sila. Hindi ko ma isip na pamilya ko pala ay isang kalaban. Parang nasa movie lang. Kawawang nilalang na hindi alam na isa pala siyang Angel at Demon. Akala ko madali pero hindi pala ang sakit, masakit sa puso at isip nalilito na ako.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si tatay Mark.

"Bakit ka nandito umalis ka!"
Bigla akong sumigaw at tinuro siya para umalis.

"Bakit anak papaalisin mo ako sa sarili kong pamamahay?"

"Kung ayaw ako nalang paalisin mo nalang ako dito ayaw ko na mga masasama kayo.!"

"Simulat sapul masama kana Ariana sa umpisa nagnanalaytay sayo ang dugo ko na ama mo kung masama ako masama karin dahil anak kita!"

Hindi hindi totoo yan. Kahit anong sabihin niya hindi ako naniniwala dahil hindi basihan ng dugo kung mabait ka kundi yung nagawa mo yung ugali mo. Simula bata naging mabait naman ako. Hindi ako masama.

"Hindi totoo yan. Pakiusap ibalik mo nalang ako kina mommy at daddy kay Dave." Di ko na napigilang umiyak napahagulgul na ako at napaluhod sa harap niya.

"Gusto mo bang makita kung nagaalala sila sayo ha Ariana. Wala na silang pakialam sayo hindi ka nila mahal para kanang wala sa kanila kinalimutan ka na nila"

" anong ibig mong sabihin"

"Halika sumama ka sa akin"

Abangan...

Hala  ano kaya ang ipapakita kay Ariana? Maging kalaban kaya nila si Ariana? Pano si Dave nito.?

Please vote and comment po
Thank you

Jannabel26

Angel Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon