CHAPTER 31

36 4 2
                                    

Ngayon na ang takdang panahon para makuha namin si Ariana at mommy ko. Nandito kami sa isang malaking kwarto na ginaganap ang pag paplano. Lahat andito, lahat ay seryoso. Wala kang makikitang may nagkwekwentuhan lahat ay abala sa kanikanilang mga sandata lahat naghahanda na. Ang mga kasama ko naman andito sa tabi ko handa narin. Si Rap, Jimin, at V nag-iinsayo na sa kanikanilang mga kapangyarihan. Si Jung andito sa harap ko seryosong nakatingin sa tatlo o sabihin na nating kay Rap lang siya nakatingin.

Andito narin si Nathalie nag-iinsayo narin sa kapangyarihan niya. Pinatawad ko na siya sa ginawa niya nung nasa mall kami.

"Tapos kanang nag insayo Jung?" Tanong ko sa kanya.

"Pinaghandaan ko na to Dave... May importante pa jan ang dapat kong manmanan."

"Ang wierd mo talaga kahit kailan Jung simula nung dumating ka dito, ang seryoso mo." Hindi na siya nagsalita pa.

Author's pov

Ang hindi alam ng mga kasapi ni Dave alam pala ng mga kalaban ang plano nilang pagsalakay.

"Master, papunta na sila dito."

"Sige ilabas niyo na ang mga alas natin at huwag na huwag niyong pakialaman. NAINTINDIHAN NIYO!"

"OPO MASTER"

"GOOD! HA HA HA HA HA "

Tumawa ng tumawa ang hari nila na parang wala ng bukas.

Ang hindi alam ni Dave alam pala ng kalaban ang plano nila. Di nila alam na may traydor pala sa kanila.

DAVE POV

Sasalakay na kaming lahat. Gabi na ngayon sinadya namin to dahil kong saka sakling ayaw kong may madamay na mga tao. Wala dapat na masaktan pa ng iba na inosente kaya gagawin ko ang lahat na makakaya para mag tagumpay kami.

Palabas na sana kami. Nang may nakita kaming paparating sa himpapawid ang mga pakpak nila kakaiba.

Yung lalaki yung pakpak niya parang dalawang pinag combine kulay itim ito na may kaunting puti.

Nung sa babae naman kulay puti lahat.

At sa tingin ko hindi sila kalaban. Marami silang kasama mga malalaking katawan. At sa tingin ko ang lalakas nilang lahat wala akong masabi.

Nung nasa harap na sila. Nabigla ako, dahil ang mga kasamahan ko nasiyukuan ang lahat at ako nalang ang natirang nakatayo.

Nabigla ako sa sinabi ni Jung.

"Nagagalak akong nakarating kayo mahal na hari at reyna nasa harap niya na ang inyong ANAK SI DAVE."

ANAK? Ibaig sa bihin ba nito sila ang totoo kong mga magulang.

"Anak.....Dave.." Sabi ng reyna sa akin. Bigla siyang tumakbo sa akin at niyakap niya ako. At sa puntong to may nararamdaman akong kakaiba sa kaloob-looban ko para bang lukso ng dugo.

Niyakap ko din siya ng mahigpit. Hindi ako makapagsalita. Para akong nawalan ng boses.

"Son....maligaya akong makita kang muli patawad at wala kami sa tabi mo noon."

"Walang ano man sa akin yun mahal na hari..... Nagagalak akong nakita ko narin kayo matagal ko na itong pinapangarap at ngayon natupad na."

"Sasama kami sa inyo anak lalaban din kami para sayo. Gusto ko ng wasakan ang kasamaan niya ...ang hindi natin alam marami na palang pinatay at dinukot na mga tao para maging hukbo niya....marami na ang nawalan ng buhay na hindi natin alam patago siya kong kumilos."

Hindi ko alam yun marami na pala ang nadamay simula palang kung ganon kailangan na talaga naming sumalakay...

"Kung ganon mahal na reyna tayo na sayang ang oras.....MGA KASAMA TAYO NA!!! SULONG.. !!"

Sigaw ko hudyat na kailangan na namin lumisan nangunguna kami ngayon papunta sa kaharian ng kalaban para kaming mga ibon sa himpapawid......madaming madami kami nadagdagan kami dahil sa kasamahan ng hari't reyna.

Andyan na kami Ariana andyan na kami.. Mama ililigtas na kita hintayin niyo kami.

Abangan...

Angel Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon