CHAPTER FIVE

103 7 2
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas pero ganon parin ang trato sa akin ni Dave

Iniiwasan, hindi pinapansin, parang wala siyang kinikilalang ibang tao....kahit na sa school ilap siya sa mga tao..at masakit iyon para sa akin :(

Alam ko namang hindi siya ganoong tao dahil noong unang tungtung niya dito sa school pinansin niya kami tinuring din niya kami na kanyang tunay na kaibigan kahit na bago palang kami magkakilala..

Alam ko naman sa aking sariling wala akong karapatan na magalit at maghimasok sa kanyang buhay ngunit noong nakaraang araw ay palagi ko na siyang sinusundan kahit saan siya magpunta pero sa ganoong bagay ay palagi nalang siyang nawawala bigla sa aking paningin kundi kaya ay ililigaw niya ako .......pero salamat sa panginoon at naka uwi pa ako ng ligtas at buo

Siguroy alam niya na sinusundan ko siya kayat nagawa niya iyon ..

At dahil nga sa palagi kung ginagawa ang sundan si Dave kaya ito ako ngayon na nakasunod sa kanyat at sinusundan siya..

 

Ang daang tinatahak namin ngayon ay papunta sa kanilang bahay ( bakit ko alam )

Dahil nakapunta na ako dito noong sinusundan siya na hindi niya namamalayan .

Ngunit nang tiningnan ko kung saan siya nakatayo kanina ay bigla nalang itong nawala.

" ngek asan nayon?" Kaya naman lumingon lingon ako sa aking kaliwat kanan pero wala akong makitang tao pwera nalang sa akin dahil nakatayo pa ako dito

" bakit palagi mo akong sinusundan ?!"

" ai kabayong buntis!! ..ano bayan manong wag naman po kay- " napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Dave sa aking likuran

" D..av..e !!! (Sabay turo sa kanya ) hmm sorry ano kasi ahh --"

" ang tigas naman ng kukuti mo! Ang sabi ko layuan mo na ako!!..naintindihan mo ba yun nilalagay mo lang yung buhay mo sa panganib eh.."

" eh gusto ko lang naman malaman kung bakit mo kami iniiwasan...may nagawa ba ako...kami ng mga kaibigan ko sayo ...kung meron pa-" hindi ko nanaman natapos ang pagsasalita ko ng nagsalita siya ulit.

" hindi mo kasi ako maintindihan Arianna pinoprotektahan ko kayo ng kaibigan mo dahil hin- "

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang may sumugod sa amin na parang malalaking ibon o isang paniki hindi ko alam kung anong nilalang ito subalit itoy nakakatakot.

" shhitt!! Ito nanga yung kinakatakutan ko eh madadamay pa kayo sa gulo ko.." Sabay hila sa akin at tumakbo kami ng mabilis

" huh? Ba.k.it Dave anong nilalang sila ? Bakit ang laki naman niyang ibon? May ganyan na ba dito sa pilipinas? Atsaka Nakakatakot din yung itsura huh?"

" wala akong oras para sa ganyan mong tanong Ariana..ang isipin mo ngayon ay makatakas dito"

Pakatapos niyang sabihin iyon ay hindi na ako sumagot pa at sinunod ko nalang ang sinabi niya kaya ng may makita kaming iskinita hindi kami nag dalawang isip na nagtago doon..

Nang silipin ko sana kung nandoon paba ang mga nilalang nayon ng bigla niya akong hinila at niyakap ng kanyang mga matitipunong mga bisig.

" huwag kang gagalaw anjan pa sila "  bulong niya sa akin

Hindi ako makapagsalita dahil sa lakas na tibok ng aking puso at tulad din sa kanya malakas din ito nararamdaman ko dahil nakayakap siya sa akin.

Pagkalipas ng oras nayun bigla siyang kumalas na siya sa pagyayakap niya sa akin ..

Abangan po niyo bukas...

Thanks po

Please vote and comment..^_^ thanks po .

Angel Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon