CHAPTER 30

38 5 1
                                    

Andito kami sa kotse ko sabi niya sa akin gusto niyang mamasyal sa mall tamang tama dahil gusto ko siyang dalhin doon.

"Jin matagal mo na bang kasama si t-tatay Mark?" Bigla niyang tanong sa akin. Tinignan ko siya, nakatingin pala siya sa labas. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Daddy mo Ariana iba ang tatay sa Daddy ....oo matagal ko na siyang kasama bata palang ako kinupkop na niya ako..... bago pa namatay ang mga kapamilya ko siya na ang tinuring ko isa sa mga mahal ko sa buhay..... Bakit mo pala natanong?"

Tinignan ko siya ulit, nabigla ako ng kunti nakatingin na pala siya sa akin, nakita ko sa mga mata niya na parang walang kabuhay buhay.

"Wala ka na palang magulang sorry di ko sinasadya."

"Ok lang naman Ariana matagal ko ng gustong kalimutan ang nakaraan at magsimulang muli kasama kayo na kauri ko."

Hindi Ariana kahit kailan di nawawala sa isip ko ang sakit na dinanas ko noon kahit kailan hindi ko kinalimutan ang pamilyang nagmahal sa akin ng totoo. Kaya gagawin ko ang lahat makahiganti lang ako.

Pagdating namin sa mall kumain muna kami bago namasyal. Nakita ko sa mukha ni Ariana ang pagkamiss dito sa labas matagal tagal narin siyang di lumalabas sa kwarto niya.

"Saan mo gusto Ariana gusto mo bang mamili ng damit mo?"

"Wag na Jin gusto ko lang namang lumabas makalanghap ng sariwang hangin pagod na akong magmukmuk."

Alam ko Ariana pagod kana.

Naglakad lakad lang kami dito sa mall tingin tingin sa mga shop dito.

"D- dave....."

Tinignan ko si Ariana para siyang naka kita ng multo sa itsura niya ngayon. Namumutla siya at nanginginig

"Ariana bakit anong nangyari sayo namumutla ka."

"D-dave ...bakit...*sob* ."

Lumingon ako sa likod ko nakita ko si Dave may kahalikang babae. Kahit nakatalikod ito alam kong si Dave yun. Kasama si Nathalie na ngayoy naghahalikan sa hallway ng mall. Nakapatong ang kamay ni Nathalie sa balikat ni Dave. Ang kamay naman ni Dave nakahawak sa baywang ni Nathalie na parang niyayakap ito.

Nilingon ko ulit si Ariana nakita ko siyang nanginginig sa galit at lungkot, nasasaktan siya kitang kita ko yun.

"Ariana umalis na tayo dito." Hihilahin ko sana siya. Nabigla ako dahil bigla siyang nahimatay.

"ARIANA!".

Buti at nasalo ko siya agad. Binuhat ko siya at tumakbo ako sa malapit na hospital dito sa malapit sa mall.

Nasasaktan ako dahil alam kong mahal na mahal niya ang lakaking yun. Masakit dahil hindi sa akin yun.

Andito ako sa tabi niya, hawak hawak ang isang kamay niya.

Ariana sana ako nalang sana ako nalang ang mahal mo. Ano ba ang meron siya na wala ako?. kaya naman kitang mahalin higit pa sa buhay ko. Sana Ariana ako nalang.

Hinalikan ko ang kamay niya.

*****

Dave pov

Hindi ako makagalaw sa pagkabigla ko. Bigla akong hinalikan ni Nathalie sa labi. Para akong naging tuod sa kinakatayuan ko.

"ARIANA!"
Sh*t Ariana. Bigla kong tinulak si Nathalie.

Tumingin ako sa likod ko may nakita akong lalaking tumatakbo may kargakargang babae parang si Ariana.

Hahabulin kona sana yung lalaki ng may biglang humawak sa kamay ko. Pagtingin ko doon nakita kong hinawakan iyon ni Nathalie.

"Dave sorry ....hindi ko...sinasadya...may.."

"Bitawan mo ko Nathalie mamaya kana magpaliwanag.. Kailangan ko munang habulin yung lalaking yun para kasing kasama niya si Ariana." Seryoso kong saad sa kanya.

Hinabol ko ang lalaki hanggang sa labas ng mall pero di ko na nakita yung lalaki.

NAKAKAINIS! SI ARIANA BA TALAGA YUN baka nakita niya kami ni Nathalie ng ganon. Sana HINDI.

Napaupo nalang ako dito sa labas ng mall.

"Grrr! B*lsh*t!!" Napasabunot nalang ako sa bahok ko.

"D-dave..."

Hindi ko pinansin si Nathalie alam kong siya yan dahil sa prisyensiya niya.

"Dave s-sorry di ko sinasadya ...may nakasunod kasi sa atin kanina y-yung stalker ko ....yun lang kasi ang paraan ko p-pasensiya na ....Dave sorry"

Tinignan ko siya ng seryoso di ko alam kong ano na ba ang kulay ng mga mata ko ngayon basta ang alam ko galit na galit na ako.

Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso niya.

"YUN LANG! YUN LANG BA ANG BINIGAY MONG PALIWANAG SAKIN...DEMONYO KA DIBA?! BAKIT DI MONALANG SIYA TAKOTIN MAGALING KA NAMAN DOON DIBA!!"

"D-dave...nasasaktan ako...tsaka baka kasi malaman niya yung mga lahi natin a-alam mo namang w-walang naniniwala sa atin diba hindi nila alam na ....na totoo tayo....D-dave pasensya na.. Sorry talaga."

Binitawan ko siya. Tsk! Pinairal ko nanaman ang galit ko.

"Umalis ka na...."
Tumakbo palayo si Nathalie na may takot sa kanyang mga mata
Abangan..

Angel Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon