Chapter 24

37 6 0
                                    

Dave pov

Kailangan kong magpalakas para makuha ko si Ariana hindi ako papayag na isama nila si Ariana sa laban ayokong mapahamak siya.

Ding dong

Binuksan ko ang pinto nakita ko si Nathalie sa labas.

"Anong kailangan mo" cold kong sabi sa kanya hindi ko parin kasi makalimutan yung mga ginawa niya kay Ariana.

" Dave pwede ba tayong magusap saglit lang naman eh" sabi niya sa akin.

" sige pasok" ako lang naman ngayon dito kasi yung mga kasama ko pumunta sa lugar nila para maghanap ng mga kasama para sa laban na magaganap laban sa mga kalaban. At si mama Kriselda naman hindi ko muna siya pinauwi dito sa pilipinas at baka madamay pa siya.

Pinaupo ko siya sa sofa namin

" anong paguusapan natin."

" Dave gusto ko sanang magsorry sayo at kay Ariana sa lahat ng mga ginawa ko sa inyo sorry talaga sana mapatawad niyo ako." Umiyak narin siya para namang siyang sincere. At para naman talaga siyang nagsasabi ng totoo.

"Ou pinapatawad na kita kahit ganon ang ginawa mo kay Ariana may puso panaman ako marunong din naman akong magpatawad."

"Salamat Dave" nabigla ako kasi niyakap niya ako bigla .

"Sorry Dave pero asan si Ariana akala ko kasama mo siya. Hihingi sana ako ng tawad sa kanya ng personal." Hindi niya siguro na halata na nabigla ako.

" wala siya dito Nathalie kinuha siya ng mga kalaban totoo din na ama niya ang pinuno ng kalaban." Nalungkot din ako bigla na ang ama ng mahal ko ay isa pala sa kaaway ko

"Ano..tatay ni Ariana ang pinuno...ahh ang pinuno nila?" Parang takot niyang sabi.

"Oo Nathalie..."

"Magtulungan tayo Dave alam ko naman simula palang kung sino ka talaga kaya nga ako nagalit kay Ariana noon eh alam mo naman siguro kung ano ako diba? Pero huwag kang magalala kakampi mo ako hindi ako kalaban tulungan kitang mabawi si Ariana pambawi narin sa mga ginawa ko sa kanya." Para siya na excite sa mga sinasabi niya.

" salamat Nathalie sigurado akong matutuwa si Ariana nito."

Pagkatapos naming magusap hinatid ko na siya sa labas ng bahay.

"Sige Dave uwi na ako punta nalang ako bukas dito."

" sige Nathalie ipakilala nadin kita sa mga kasamahan ko dito."

"Salamat talaga Dave" niyakap niya ako bigla ni Nathalie

"Kahit ito lang Dave nagpapasalamat talaga ako Thank you." Niyakap ko nalang siya pabalik.

Akala ko talaga masama siyang Demonyo hindi pala atsaka oo pure Demon talaga si Nathalie may lakas din siya tulad ko pero mas malakas pa ako sa kanya.

Someone pov

"Mabuti at nakuha mo na ang loob niya" sabi ng pinuno nila.

"Ako pa eh sa uto uto eh pero ok lang gwapo naman siya atsaka gusto ko siya no. Ayaw ko siyang mapunt kay Ariana."

" mabuti eh ikaw kamusta naman ang pagiging pagkakaibigan mo sa kanya"

"Ok lang naman ang saya nga eh hindi niya kasi alam na kalaban pala ako atsaka hui!! Jin alam mo bang narinig kayo ni Dave na naguusap noong nakaraang araw. Ang tanga niyo naman."

"Anong sabi mo patayin kita jan eh".

" tama na yan alam malapit na talaga kataposan ng Dave nayan pero bago yan uunahin na muna natin ang nanaynanayan niya hahaha."

"Eh sa pagkakaalam ko nasa ibang bansa yung nanay niya eh."

" edi mabuti para mas madali yung plano natin."

"Eh pero master anong plano mo kay Ariana?"

"Syempre maging kalaban siya ng taong mahal niya."

" ayos para naman mapasaakin narin si Dave" sabi ni Nathalie

"Basta gawin niyo lang ang mga trabaho niyo ng maayos at matatalo nadin natin sila."

Ang mga kasama nila doon sa kwarto ay hindi lang sila bastabasta. Sila ang isa sa mga mahuhusay na mga kasamahan ng mga kalaban na hindi agad matatalo.

Abangan...

Please vote ang comment po.
Thank you.

Jannabel26

Angel Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon