CHAPTER 29

46 7 3
                                    

Jin pov

Galit siya sakin... Pero hindi ako papayag na mawala pa siya sa piling namin. Bata palang gusto ko na sitang makita. Sabi ni master may anak siyang babae na kaidad ko lang so na excite ako akala ko kasi si Nathalie lang yung babaeng natira na ka idad lang namin. Pero iba ito ana siya ng Pinuno namin simula noon hinintay ko na talaga ang araw nato na makita namin siya. At andito na siya puder namin kailangan lang talaga namin siyang makumbunsi na kami ang kakampi niya at mga talunan na iyon hindi ako papayag na mapunta siya sa walang kwentang Dave nayon hindi sila karapatdapat sa isat isa dahil ako lang ang pwede ako lang wala ng iba.

May plano ako ngayon at sisiguraduhin kong si Ariana mismo ang lalapit sa amin at kakampi sa amin at sisiguraduhin ko yun.

Papunta akong kusina ngayon gagawa ako ng makakain ni Ariana alam kong ayaw niya kong makita pero dapat di na ako paligoy ligoy pa dapat ko ng makuha ang loob niya nakukulangan na kami ng oras nito.

Pagkatapos kong magluto ng pagkain dinala ko na ito sa kwarto niya. Kumatok ako ng tatlong bisis.

"Ariana may dala akong pagkain para sayo papasok nako ha"

Pagpasok ko sa kwarto niya nakita ko siyang nakatalukbong ng kumot niya.

"Ariana kumain kana nilito koto para sayo.."

"Wala akong gana..alisin mo yan jan baka masayang lang yan dito"

Cold niyang sabi sa na nakatalukbong parin.

"Pero kailangan moto ilang araw kanang di kumakain baka magkasakit ka niyan."

Bigla siyang bumangon sa pagkatalukbong niya. At tumingin sa akin.

"SINABI KONG HINDI KO KAILANGAN YAN DIBA! ANG GUSTO KO MGA MAGULANG KO .....pero wala narin sila h-hindi na n-nila ako k-kailangan kaya mabuti ng MAMATAY NALANG AKO! PATAYIN NIYO NALANG AKO kay DAVE IBALIK NIYO NALANG AKO SA KANYA pakiusap. huhuhu."

Umiyak siya di ko kayang makita siya na ganito. Hindi ko na siya natiis kaya niyakap ko siya at pinakalma.

"Sshhhh....tama na Ariana alam kong masakit na mawalan ng magulang pero andito kami totoo mong pamilya hindi mo naman sila kauri diba kung babalik mapapahamak lang sila."

"Ayaw ko na dito plss... Nagmamakaawa ako sayo Jin pakiusap ilayo mo ko dito ilabas mo na ako dito pakiusap.."

Nakita ko siya tumingala sa akin kasalukuyan kasing naka upo kami sa kama niya na kayakap ang isat isa mataas kasi ako kumpara sa kanya kaya nakatingala siya sakin.

Tiningnan ko yung mata niya nakikita ko dito ang sakit at pangungulila. Masakit sa akin na makita siya na ganito kailangan ko na tong gawin.

"Sige Ariana aalis tayo ngayon puntahan natin ang mga kung saan mo gusto . pero bago yan kumain ka muna para may lakas ka."

"T-talaga i-ilalabas mo ko dito." Tumango ako pagkatapos kong kunin ang pagkain binigay ko yun sa kanya.

"Kumain ka muna maghanda ka narin kasi aalis tayo agad pagkatapos mo diyan."

Tumayo ako at lumapit sa kanya pinunasan ko yung laha niya at hinalikan sa noo at lumabas sa kwarto niya.

Malapit na Ariana kunti nalang.

Abangan...

Sorry sa mga wrong grammar. ^__^

Angel Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon