CHAPTER 15

65 8 0
                                    

Nagising ako ng maaga kinabukasan ....napagisip isip ko rin na mali ang ginawa ko sa mga magulang ko kahit naman papaano tinuring nila akong tunay na anak minahal na parang kanilang kadugo hindi nila ako itinuring na kakaiba at kahit kailan hindi pa nila ako sinasaktan ...kailangan kong bumalik sa bahay namin at humingi ng tawad sa kanila .

Tumayo na ako sa higaan at nag ayos na rin sa sarili bumaba na rin ako para naman makapag pasalamat ako kay tatay Marck bago ako umuwi .

Pagkababa ko nakita ko na agad si sir Marck sa sala na may dalang jaryo at isang tasa ...nagkakape siguro..

" good morning po tatay Marck"

" good morning din sa iyo Arianna
nakatulog kaba ng maayos iha?"

" opo tay salamat po atsaka uuwi napo ako sa amin napagisipisip ko na mali po ang ginawa ko sa kanila sa mga magulang ko kahit naman po hindi ko sila tunay na kapamilya inaruga parin nila ako na parang tunay na anak at minahal ng sobra sobra hindi ko nga maisip na hindi pala nila ako tunay na anak eh ...atsaka salamat din po salahat lahat inaruga niyo rin po ako na parang tunay mong anak salamat tatay Marck"
Niyakap ko agad si tatay Marck ng mahigpit napaluha narin ako kasi naman hindi ko maisip na maswertr pa rin ako kasi maraming nagmamahal sa akin

" kung yan ang gusto mo anak sige umuwi kana baka naman nagalala na sila ng sobra sayo ...atsaka kumain ka muna bago ka umalis para naman may laman yang sikmura mo ..huwag kanang aangal pa yan ang gusto ko .."

" sige po tatay Marck"

********

Nandito na ako sa harap ng gate namin natatakot akong pumasok baka kasi galit na din sila sa akin baka hindi na nila ako matatanggap pa

Ding dong!!!!!!

Pagbukas ng gate

" naku!! ma'am Arianna ikaw pala ... Buti umuwi napo kayo alam niyo po grabe ang pagalala ni ma'am at sir sa inyo grabe nga ang iyak ni ma'am kagabi eh"

" talaga po mang Emir...nasan po sila ngayon "

" anak! Arianna ikaw bayan?!"

" yan napo pala sila ma'am eh" nakita ko si mom papunta sa akin at niyakap agad ako

" Arianna salamat at bumalik ka huwag mo ng uulitin yun please ..nasasaktan ako eh alam naming masakit ang katotohanang hindi ka namin tunay na anak pero hindi namin iyon inisip ...tinuring ka namin na tunay naming anak hu.hu.hu.hu" umiyak si mommy kaya naman hindi ko narin mapigilang hindi umiyak kaya naman bigla narin akong napahagulgul

" hu.hu.hu mommy daddy sorry din po hindi ko po sinasadyang ganun ang naging trato ko sa inyo patawad po maling mali po talaga ako patawad alam ko naman pong minahal niyo ako nararamdaman ko yun salamat po salamat mommy daddy .huhuhuhu"

" ok lang yun anak basta huwag kana ulit aalis huh? Ikakamatay namin yun ng mommy mo "

" opo dad promise"

Niyakap ko sila pareho alam ko sa sirili kong maswerte talaga ako dahil may pamilya akong minahal pa ako ng ganito

" atsaka daddy mommy sino po ba ang mga tunay kong mga magulang? Alam niyo po ba kung asan sila? "

" anak hindi namin alam kong sino ang mga magulang mo nakita ka nalang namin na nasa labas kana ng bahay namin kawawa ka noon marami kang mga sugat at dugo sa iyong katawan ...hindi naman kami magkaanak ng daddy mo kaya kinupkop ka namin isa kang hulog ng langit sa amin Arianna ikaw ang anghel namin kaya naman hindi namin matatanggap na mawala ka pa sa amin"

" salamat po ng marami mommy daddy huhuhuhu salamat promise po hindi po talaga ako aalis" nagyakapan lang kami ng matagal..hindi ko rin maalis sa isip ko na hindi magalit sa mga totoo kong mga magulang para nila akong itinapon kahit saan ang sakit isipin masakit na masakit T.T

*********

Hindi nila alam na may nag mamasid pala sa kanila sa malayo isang matang puno ng galit at pagmamahal .....pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak at galit dahil sa pamilyang ng kupkup sa kanya na sana siya ang nag aalaga sa anak...

" magpakasaya kayo ngayon tingnan natin....at sa susunod mawawala na kayo hahahaha mapapa sa akin narin ang anak ko siya lang ang makakatulong sa akin"

Goodbye heaven,...hello hell hahahaha

Abangan....

Hai po sa lahat sorry po ang tagal ng update maraming marami po talaga akong ginagawa ngayon lalo ng sa school ...promise po babawi po ako sa inyo

Sana magustuhan niyo ang story ko ngayon

Please vote and comment po please ^___^

Jannabel26

Kung sino po gustong makakita sa akin add niyo lang po ako sa fb
Search niyo lang po ang

Jannabel batiao

Hehehe sa may gusto lang naman po .^____^ salamat

Angel Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon