CHAPTER 14

67 7 0
                                    

Andito na ako sa harap ng bahay ni Sir.Marck ...matagal ko na siyang kakilala actually siya kasi yung tumulong sa akin noong nawala ako sa village namin kaya naman para ko na siyang tatay kong ituring ko kung hindi dahil sa kanya siguro hindi ako makakabalik sa bahay nun.

Paglakipas ng segundo Biglang bumukas ang gate ng bahay ni Sir.Marck ...hindi na ako nagulat nun sanay na kasi ako ....sabi kasi sa akin ni Sir.Marck ganyan talaga daw yan kapag may taong darating...nakaka curious man pero hindi na ako nagtanong pa...sa yaman ba naman ni Sir.Marck hindi na ako mabibigla pa.

" oh iha! Kamusta napadalaw ka?"

Bigla ko siyang yinakap agad at umiyak na parang batang nagsusumbong.

" Sir.Marck ..huhuhu ang sakit po hi..hindi nila ako tunay na anak ..huhuhh ang sakit po"

Humigpit din ang pagyakap sa akin ni Sir.Marck ....para nga akong nahimasmasan sa yakap niya eh...para akong safe kapag siya ang kasama ko ...parang yakap ng isang tatay.

" sige iha ...anak .ilabas mo lang yan andito lang ako palagi ....masaya ako dahil ako ang pinagsabihan mo niyan.."

" hindi ko po alam Si--"

" tatay...tatay ang itawag mo sa akin Ariana hindi kana iba sa akin para na kitang anak ...alam mo namang nagiisa lang ako sa buhayvat ikaw lang ang itinuring kong pamilya dito kaya naman tatay nalang itawag mo sa akin"

" sige po Si--..hmm ta..tatay ..salamat po hindi ko po kasi alam kong saan ako pupunta ....atsaka para narin sa akin para narin ko po kayong totoong tatay magaan po kasi ang loob ko sa inyo kahit noong una palang tayong nagkita tatay.."

Parang naging masaya ang mukha ni Sir.Marck noong tinawag ko siyang tatay o di kayat namalik mata lang ako?

" iha anak ..pwede kang mag stay dito kung gusto mo ..baka hindi mo pa gustong umuwi" tanong sa akin ni tatay

" kung ok lang po sa inyo ...hindi ko pa kasi sila kayang harapin sa ngayon ...pero baka po nakakaisturbo po ako sa inyo?"

" nako anak welcome ka dito palagi alam mo yan"

" salamat po tatay " at yumakap ako sa kanya ng mahigpit

"Sana po ikaw nalmg ang totoo kong ama" bulong ko at sana hindi niya narinig nakakahiya kasi

" iha ihatid na kita sa magiging kwarto mo ..halika sa taas"

Pagakyat namin hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa buong bahay ni tatay kahit na nakita ko nato dati hindi ko parin maiwasang mamangha talaga ang ganda ng design parang makaluma actually para siyang palasyo ang laki talaga eh

" ito na pala amg maging kwarto mo Ariana anak"

Nabigla naman ako kay tatay buti nalang nakabawi din ako agad...

Pagpasok namin sa kwarto

" wow! Tay ito talaga ang kawarto ko?..seryoso po?! Ang ganda ..."

Mas malaki pa nga sa kwarto koto eh ..ang ganda ...kulay red yung kadalasang makikita mo dito ..yung kurtina, yung bed, yung mga unan...basta ang ganda ...kung hindi kopo nasasabi sa inyo paborito kopo talaga ang kulay pula kaya nagustuhan ko talaga ang kwartong to.

" nagustuhan mo ba Ariana"

" syempre naman po tay ..ang ganda po pero...hmm teka po tatay ..bakit po kayo nagkaroon ng ganitong kwarto diba po wala kayong anak?"

" ang totoo niyan Ariana may anak ako "

" talaga po...asan po siya ngayon ...siguro ang ganda niya ano...ang gwapo niyo po kasi"

" nawala siya Ariana kinuha kasi siya sa akin noon ...mahabang kwento..... Pero soon malalaman mo rin"

Parang nakikita ko sa mga mata niya ang galit..para ding nagkakulay din ang mga mata niya na kulay itim

" ahh ganon po ba ilang taon napo ba siya?"

Hinawakan niya ako sa aking mukha

" magkasing idad kayo anak "

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ...dahil siguro to sa stress at pagud.

" ta..talaga po "

" sige matulog kana ..para naman makapag pahinga ka..alam kong pagod ka ngayon ...kung may gusto ka tawagan mo lang ako nanjan lang ako sa kabilang kwarto good night anak"

Bago umalis si tatay hinalikan niya ako sa noo
Umupo ako sa kama at hindi maalis sa puso't isip ko ang nangyari kaya tumulo agad ang mga luha kong kanina ko pa gustong ilabas..at sa pag pikit ko nakatulog nadin ako agad.

Abangan...

Please vote and comment po ^_^
Thank you po

Jannabel26

Angel Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon