CHAPTER 33

38 3 0
                                    

Nakawala si Ariana sakin. Umikot siya. Tinutukan niya ako ng kapangyrihan niyang apoy na ginawang ispada.

"Yan ba ang ikasasaya mo Ariana..ang mapatay mo ko." Tinignan ko siya sa mga mata niya. Nakita kong nalungkot ito nag iba din ng kulay ng kanyang mga mata na kaninang pulang mata niya naging berde ito.

"HUWAG MONG LASUNIN ANG UTAK KO LALAKING HANGAL!" Mas nilapit pa niya sa leeg ko ang ispada niya.

"Ariana di mo ba talaga ako naalala...kahit kunting kakiting diyan sa puso mo wala ka bang ibang nararamdaman para sa akin." Nakita ko siyang nagbago ang expression , para siyang nag-iisip." Ariana...isipin mo pakiusap....isipin mong mabuti lahat ng tungkol sa atin kung saan tayo unang nag kita....ISIPIN MO ARIANA!" nawala ang kanyang ispadang apoy. Napahawak siya ng kanyang ulo. "AAAAHHHHHJ.....TUMAHIMIK KA AAAAGGGGHHHAAAHH!!!! ANG SAKIT AHHHH!!!" Namimilipit na sa sakit si Ariana.

At Dahil sa sigaw ni Ariana lumindol ng malakas lumakas ang ulan , ang lakas din ng kidlat kasama ang kulog, para na itong may bagyo dahil sa lakas ng hangin. At ang hangin na iyon ay lalong lumakas. Pinalibutan na ngayon si Ariana ng isang ipo ipo.

"ARIANA LUMABAN KA HUWAG KANG PADALA SA KAPANGYARIHAN MO KONTROLIN MO ARIANA!!!....LUMABAM KA PAKIUSAP. HUWAG MONG PABAAYAANG MAKUHA KA NIYAN!!!! ARIANA!"

Author's POV

"Mahal si Mark andoon sa loob ng palasyong iyan." Sabi ng Reyna sa hari.

"Salamat aking mahal na reyna tara pasukin na natin para matapos na ito."

Pagkatapos sabihin iyon ng hari nag teleport sila papunta sa loob ng palasyo ng haring si Mark.

Nakita nila itong papasok sana sa isang silid ngunit pinigilan iyon ng hari gamit ang kanyabg kapangyarihang kayang magpagalaw ng bagay.

"WHAT THE F*CK SINO ANG WALANG HIYANG NILALANG NAYON!!" ng lumingon ang haring si Mark, nabigla siya sa kanyang nakita. Ang hari at reyna ng kahariang Mardin ay ang nasa harapan niya di niya inakalang mabubuhay pa ito dahil sa kanilang kasalan.

"P-Papaanong......so ....BUHAY PA PALA KAYO!" Sabi ni Haring Mark at naglalakad papalapit sa dalawang maharlikang ngayoy magkahawak kamay. Di parin nawala sa isip niya ang nangyari kung bakit sila buhay hanggang ngayon. Pero hindi niya ito pinahalata.

"Hindi mo ba nakita o sadyang makitid lang talaga yang utak mo." Nagbago ang expression ni Haring Mark sa sinabi ng Hari ng Mardin.

"LAPASTANGAN....BAKA NAKAKALIMUTAN MO NASA TERRITORY KITA!." Galit na galit na sigaw na si Haring Mark. Biglang nagbago ang mga Aura nila. Galit na galit narin ang hari at reyna ng Mardin.

"TERRITORYO MO!! HAHAHA NAKAKATAWA KA...HINDI MO TO TERRITORYO MARK TERRITORY ITO NG MGA TAO NA KINUHA MO...PATI ANG MGA TAONG WALANG KALABAN LABAN AY KAYA MONG SAKTAN PINAPATAY MO SILA PARA MAGING IYONG MAGING KASAPI....ANG BAGAY SAYO AY SA IMPYERNO!!."

"DAHIL IYON ANG NARARAPAT ARTHUR! AKO DAPAT ANG MAGING HARI AT HINDI IYANG ANAK MONG WALANG KWENTA.....AH OO NGA PALA BAKA NGA SA ORAS NGAYOY PATAY NA ANG ANAK MONG MAHINA. HAHA" may bumalot na itim enerhiya sa buong katawan ng haring Mardin.

"PWES! MARK BAGO MANGYARI YON DADAAN KA MUNA SA AKIN." sinugod ni Arthur si Mark ng suntok pero naka ilag lang ito. May nilabas na litigong kidlat ang reyna hinampas niya ito patungo kay Mark at natamaan ito sa braso. Napadaing si Mark at napaluhod ito sa lupa malalim ang naging sugat nito sanhi ng pagdurugo nito. Ang kanyang sugat ay unti unting naging abo. Ang kanyang braso ay nagkakulay gray na ito dahil sa sugat niyang naging abo.

"ANONG GINAWA MO! WALANG HIYA KANG BABAE KA!! AGGHRRHH" Sinugod niya ang reyna gamit ang kanyang maitim na kapangyarihan bumuo ito ng malaking bolang itim at hinagis sa mahal na reyna.

Nakailag ang mahal na reyna sa unang tira. Pero sa sumunod na tira ay hindi na niya nailagan pa natamaan siya sa kanyang tiyan at sumuka ito ng dugo. Hanngang sa nawalan na ito ng malay. Sinalu ito ng hari.
May tumulong luha sa kanyang mga mata. "Mahal paki-usap gumising ka hindi iyon malakas na tira diba kaya mo iyon kunti nalang yung oras mananalo na tayo mahal gumising ka pakiusap...AAAAAHhhHH!!!!" Kasabay ng sigaw ng hari bigla itong lumindol ng malakas. Ang haring si Mark naman na masaya sa tabi dahil natamaan niya rin sa waka ang reyna ay natigilan ..

"Ariana " ang naibulalas ng dalawaNg hari.

Abangan...

Ilang chapter nalang tapos na sana suportahan niyo parin ito...at sa iba ko pang story salamat po.

Please vote and comment. :)

Angel Demon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon