Caring Mom

19 0 0
                                    

Ilang minuto nalang makakauwi nadin ako. Para bang ilang taon akong hindi nakauwi sa 'min at sobrang excited kong makauwi.

Na miss ko lang siguro magpahinga sa bahay at walang stress na nararamdaman.

"Ma'am Liezel nandito na tayo." Sabi ni Manong Boyet habang pina park niya yung Van namin.

Nag smile lang ako kay Manong.

Pinagbuksan ulet ako ni Manong ng pinto.
Nag pa thank you agad ako kay Manong.

Tumakbo kaagad ako papasok sa bahay.

At napahinto ako sa nakita ko.

Naabutan kong nag kakape sila Mom and Kuya.

Oooh bago to ah.

"Hey! You're drinking coffee with out me?" kunwaring malungkot kong sabi habang kinros ko ang dalawang braso ko.

Nagulat sila nung nakita nila ako.

"Parang hindi niyo naman akong gustong makasama, aakyat nalang ako." Malungkot kong sabi habang nakatalikod sa kanila.

Hoy, pigilan niyo naman ako!

Habang naglalakad akong palayo pinigilan ako ni Leo.

"Hey Ugly! Bumalik ka nga dito, ang OA mo mashado." Sigaw ni Kuya.

Nako, mabuti nalang pinigilan ako ni Leo, kundi pahiya ako.

"No, it's okay. Parang nakakaistorbo ako sa inyo ni Mom eh. Punta nalang ako sa room ko." Nagtampo tampuhan ako.

Nakatalikod parin ako sa kanila.

"Hey, baby! Wag kanang magtampo diyan, halika na dito." Sigaw ni Mom.

"Okay if you say so." sinabi ko yon na parang napipilitan lang ako.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Leo.

Pinatong yung siko ko sa mesa at pinatong ko yung baba ko sa kamay ko.

"Sus, wag kanang magtampo papangit ka lalo nyan." Patawang sabi ni Leo habang ginulo niya ang buhok ko.

"Hay nako, kung panget ako panget ka rin. Kambal kaya tayo. Tss" pangatwiran ko habang inayos ko yung buhok ko.

Natigilan kaming dalawa ni Leo nung narinig naming tumatawa ng mahina si Mom.

Sabay kaming tumingin ni Leo kay Mom.
Nahalata siguro ni Mom yung mga mata namin na parang nag tatanong kung ba't siya tumatawa. Kaya nagsalita lang siya kaagad.

"Nako, you guys grow up so fast! Namiss ko yung ganitong bonding naten." Sabi ni Mom habang napaluha pa siya ng slight.

"Mom!" Sabay naming sinigaw ni Leo na parang na ko-kornyhan kami ni Leo.

Pero I admit. Namiss ko rin yung ganitong set-up namin.

Dati rati kasi every night kaming nagkukwentuhan. Nagkakamustahan.

Pero nung umalis na si Dad papuntang Abroad, madalang pa sa minsan kami nagkukuwentuhan.

Kasi gabi narin si Mom umuuwi galing sa Coffe Shop.

"So baby how's your day?" Tanong ni Mom habang humihigop ng kape.

Pina alala naman ulet ni Mom yung malungkot kong araw kaninang umaga.

Nakahalata siguro si Leo na natulala ako sa tanong ni Mom, kaya bigla siyang sumabat.

"Hey what happened?" Concerned na tanong ni Leo.

The Moment When ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon