She's back

6 0 0
                                    

Ang dali lang lumipas ng oras.

Uwian na naman.
Shempre chinika ko sa kanila yung lahat lahat kina Vea, Chay, Micah, and Karen.

And yes mas kinilig pa sila sakin.
Haha.
Bukas na nga pala yung Welcome Party hindi pa kami nakakabili ng isusuot namin.
Di bale sabi naman ni Vea sabay kaming bibili.

"Hey are you okay?" Sabi ni Andrew.

Nandito kami sa Mall, sa Ice Cream store.
Treat niya ulet.

"Ah, oo naman. May iniisip lang ako."

Sabay kain ng Ice Cream.

"Ano naman iniisip mo?"

"Wala pa kasi akong isusuot para bukas."

"Ganon ba? Edi bibili tayo ngayon, tara!" Yaya niya sakin.

Gosh bibili ako ng two piece kasama siya? No way! Nakakahiya kaya.

"Ha? Ah eh. Okay lang sabay naman kami bibili nila Karen. Tsaka jahe naman yun sayo, nakakahiya kaya."

"Bahala ka, mauubos na yun. Marami pa naman ang bumibili ngayon. Sige ka." Pakonsensiya niyang sabi.

Kasi naman eh. Pinipilit pa ako.
Alam niya kasing hindi ako makakatanggi.
Tsaka nandito naman na kami. Bahala na kakapalan ko nalang mukha ko.

"Sige na nga." Parang nahihiya kong sabi.

"Sus wag kanang mahiya. Alam ko naman na kahit anong suotin mo bagay sayo." Tapos kumindat pa siya.

"Alam mo pa cute ka mashado!"

Kinikilig na talaga ako! Sige Itago mo pa ang feelings mo Liezel.

"Gusto mo naman." Patawa niyang sabi.

"Alam mo asar ka." Patawa kong sabi sabay hampas sa kaniya sa balikat.

"Palagi ka nalang nanghahampas. Sadista ka talaga. Pero okay lang, Labs naman kita." Kumindat siya ulit.

Hinampas ko siya ulet.
Tumawa nama siya.

Yung puso ko! Nasa sahig na.
Hahahaha.

"Tara na." Sabi niya sabay hila ng kamay ko.

Pumunta kami sa swim wear section.
Ang daming magaganda pero hindi ako makapili alangan naman tanungin ko Andrew, ano naman alam niya dito. Sabi ko naman kasi na dapat sila Vea nalang ang sinama ko para may suggestion sila kung ano mas bagay sakin.

"Oh ito Liezel bagay to sayo"

Hawak hawak niya yung pang scuba na damit.

"Ano yan?" Patawa kong sabi.

"I thought you're smart." Biro niya sakin.

Natawa lang ako sa kaniya.

"No, I mean bakit yan? Two piece yung outfit ng girls, remember?"

"Mas okay nga to eh. Para hindi ka mabastos." Then he smiled.

Tumawa lang ako sa kaniya at tumawa din siya.

Habang nagtatawanan kami may kung sinong tumawag kay Andrew.

"Andrew!" Sigaw ng babae.

Actually, maganda siya silang dalawa ng kasama niya. Tapos ang sexy din, pero sino siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Supladong tanong ni Andrew sa babae.

"Andrew dear, hindi mo ba ko na miss?" Tapos lumapit pa siya kay Andrew, hinipo pa niya yung pisngi ng Andrew ko!

The Moment When ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon