Enchanted

12 0 0
                                    

Pinigilan ako ni Chay sa pag wa-walk out.

"Sigurado kang aalis ka? May Chocolate ice cream kami dito." Sabi ni Vea na parang inaakit niya ko.

Napatigil naman ako sa paglalakad sa narinig ko.

Pero hindi! Hoy Liezel ang pride mo!

"I can buy an Ice cream for myself." Matary kong sabi habang nakatalikod sa kanila.

Sige tama yan Liezel pigilan mo yung sarili mo.

"You sure you don't want this oh so cold and oh so yummy chocolate Ice cream?" Sabi naman ni Karen.

"Nakakainis kayo!? Alam niyo yung weakness ko! basta wag niyo ng uulitin ha mamatay ako sa nerbyos sa ginagawa niyo eh." Sabi ko habang papalapit sa kanila.

"I know you, ice cream lang makakapaglambot sayo." Patawanh sabi ni Chay.

"Okay, okay." Sabi ko habang kumakain ng ice cream.

Argh ang sarap!

Maya maya naubos na yung Ice cream.

"Okay guys let's start. Polishing nalang naman eh. Memorize na naman natin yung steps and lines natin." sabi ni Micah.

Tumayo kami agad at nag practice na.

Grabe pang performance level na yung ginawa namin.

Pagkatapos naming magpractice umupo muna kami sa sahig. Pagtingin ko sa relos ko 8PM palang. Dati kasi 9PM kami siguro nakatapos mag practice.

Well tamang tama may oras pakong maghintay ng Taxi.

"Groupie tayo guys!" Sigaw ni Vea.

"oh sige sige." Sabi naming lahat.

"1-2-3 cheese!"

Pagtingin namin sa picture ang gaganda parin nila kahit pawis pawis na.

"Hoy Liezel saan yung hustisya at ikaw lang yung maganda dito?!" pabirong sigaw ni Karen.

Tumawa lang ako.

Sus pahumble pa sila oh.
Eh mas maganda pa kaya sila.

Maya-maya biglang pumatay yung ilaw.

"AHHHHHH!!!"

Sabay kaming sumigaw at lumabas sa dance room.

Omg brownout yata kaya ang dilim dilim ng paligid.

Naghawakan lang kami ng kamay at hinintay naming mag on yung generator.

Nasa harap kami ng elevator at hinihintay namin bumukas yung generator para makapasok na kami ng elevator.

Maya-maya nag on na lahat ng ilaw at bumukas yung elevator.

"Ahhhhhhhh!!!!" Sabay sabay kami ulet sumigaw.

May tao kasi sa loob ng elevator!!

"Mga iha janitor ako dito. Na stock ako sa elevator kasi nag brownout. Umuwi na nga kayo." Sabi ni manong janitor habang oalabas ng elevator.

"OMG! sorry manong. Bye!" Sabi ko habang pumasok na kaming lahat sa elevator.

Nung pagsirado ng elevator lahat kami napatahimik at maya-maya nagkatitigan kaming lima.

At sabay kaming tumawa sa lahat ng nangyari.

Para kaming mga baliw.

Pero ang saya talaga.

The Moment When ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon