Tragedy

13 0 0
                                    

"Saan na yung sundo mo?" Tanong niya sakin habang hawak-hawak niya parin yung kamay ko.

"Ah on the way na daw si Manong. Umuwi kana gabi na." Sabi ko.

Sinabi ko nalang na on the way na si Manong para umuwi na siya. Ang awkward na kaya.

"Sige I'll call you later." Sabi niya at binitawan niya yung kamay ko at lumakad na siya palayo.

Ako naman back to reality. Tatawagan ko na sana si Leo para magpasundo sa kaniya kaya lang na lowbat ako. Naiwan ko rin sa room ko yung power bank.

Nag hintay nalang ako ng Taxi.

Nako sana makauwi ako ng maayos at kumpleto pa yung katawan ko.

Nung magpapara na sana ako sa Taxi may lumabas na Lalake sa Taxi at may bitbit na patalim.

No way.

Sabi ko na nga bang may masamang mangyayari sakin eh.

Tumakbo kaagad ako ng tumakbo mabuti nalang nag sneakers ako.

Hindi nako lumingon sa likod ko basta tumakbo lang ako ng tumakbo.

Napaiyak nalang ako habang tumatakbo ako.

"Sakay!"

Nagulat ako sa sasakyang humarang sakin.

Sumakay agad ako sa loob.

Napayuko lang ako at umiyak ako ng umiyak.

"Dapat kasi hindi kita iniwang mag-isa eh." Galit niyang sabi.

Nagulat ako kung sino ang nagsalita si Andrew pala.

Napayakap nalang ako sa kaniya at pinark niya sa gilid yung kotse niya.

Niyakap niya rin ako ng mahigpitvat hinimas himas niya yung likod ko.

"Tahan na. Kasalanan ko to eh! Dapat hindi kita iniwanan don. Ang tanga ko!" Sigaw niyang sabi.

Bumitaw ako sa pagkakayakap naming dalawa.

"Shh walang may kasalanan okay? Aksidente lahat ang nangyari." Sabi ko.

"Unang kita pa nga lang naten two times kanang umiyak." Sabi niya habang pinapahiran niya yung luha ko.

"Ihahatid na kita." Sabi niya.

Hindi nako umangal sa kaniya. Mas mabuti ng magpahatid ako aa kaniya baka may mangyari pang masama saken.

"Saan ba kasi yung sundo mo? Sabi mo on the way na?" inis niyang tanong.

"Sinabi ko lang yun para umuwi kana. Masama yung pakiramdam ng driver ko kaya hindi ko na pinasundo sakin. Mag Tataxi lang talaga sana ako." mahina kong sabi.

"Eh ba't hindi mo agad sinabi sakin edi sana hindi na nangyari to." Sabi niya.

"Pwede ba? Kung papagalitan mo lang ako pababain mo nalang ako!" Sigaw ko.

Tumahimik yung buong paligid, nakakabingi.

"Sorry, nabigla lang ako." Sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Tama ka naman eh. Dapat hindi na kita pinagalitan. Sorry. Oh nandito na tayo." Sabi niya.

Lumabas nako ng Kotse niya.
Hindi nako nakapagpasalamat sa kaniya.

Pumasok na agad ako sa bahay.

Pagpasok ko lahat sila nakatingin sa kin.

I mean really lahat talaga sila kahit mga katulong namin.

The Moment When ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon