Dad's arrival

17 0 1
                                    

"Basta hindi muna tayo magsasama ngayon, kundi patay ako kay Dad nito." Sabi ko sa phone.

"Oo na 100 times mo na yan nasabi sakin." Sabi ni Andrew sa kabilang linya.

"Oh sige very good, I love you so much hubby! Hope you understand!"

Hindi ko na hinintay yung sagot ni Andrew binaba ko na agad yung phone ko.
Nandito na kami ngayon sa airport with Mom and Leo.

Kitang kita talaga sa mga mukha nila ang kasabikang makita si Dad.
Ako rin naman eh pero may kaba pa ko ng very slight.

Nilalaro ko nalang yung kamay ko para mabawasan ng konti yung kaba ko.

"Just be normal" Sabi ni Leo

Nagulat ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko siya na parang nagtataka ako sa sinabi niya.

"Mahahalata ka sa ginagawa mo ngayon." Dagdag pa niya.

"Kinakabahan lang talaga ako hindi ko talaga mapigilan eh." Sabi ko.

Magsasalita na sana si Leo ng biglang sumigaw si Mom.

"Hon! we miss you so much!" Sabi ni Mom sabay yakap kay Dad.

Gosh this is it! Kaya mo yan Liezel. Best actress ka naman eh kaya, kaya mo yan, push lang!

"My beautiful children!" Sigaw ni Dad sabay yakap samin isa isa ni Leo.

"We miss you Dad" Sabi ni Leo sabay tap ng shoulders ni Dad.

"You grow up so fast son! Magka height na tayo mamaya." Sabi ni dad sabay tawa.

Teka marunong siya mag tagalog?

"Woah, wait you can understand and speak our dialect?" Sabay naming sabi ni Leo tapos nagtinginan kami.

"Oh my twins" Sabi ni Dad sabay tawa.

"Your Mom taught me how to speak in Tagalog."

"So how's my daughter?" Sabi ni Dad sabay akbay sakin.

Ah sht ang awkward naman ng tanong ni Dad.

"Ahm, I'm okay Dad." Sabi ko sabay tawa ng plastik.

Tinitigan ako ni Leo na parang matatawa siya at parang aasarin niya ko kasi obvious na obvious ang kaba ko. Hindi lang ako tumitingin kay Dad para hindi niya mahalata.

Umuwi kami agad para makapagpahinga si Dad dahil pagod siya sa biyahe.

Ako naman pumasok agad ako sa room ko para makahinga ako ng maayos kasi parang mahihimatay ako kanina sa kaba.

* Phone's vibrating ..

From: Evil Twin

I wanna see your face right now, pero hindi nalang baka mahimatay ako sa katatawa.

Kinuha ko ang unan ko tsaka sumigaw ako.
"Ahhhhhhhh!!! Curse you! Leo!!"

Wala talagang ibang mapagtripan si Leo kundi ako.

Makakaganti din ako sa'yo soon. And naniniwala ako sa karma, maghintay kalang kakambal.

* Phone's ringing ..

"Hoy Leo! Kung wala kang magawa huwag mo ako ..." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng biglang sumapaw siya.

"Wifey, chill. Si Andrew 'to. Ano bang nangyari?"

Patay si Andrew pala. Kasalanan mo to Leo! Nakakainis kana!

"Kasi si Leo inaasar yung mukha ko ng makita ko si Dad."

"Gusto ko ring makita." Patawang sabi ni Andrew.

Ah ganon ha magkakampi sila ni Leo.

"So kayo pala ni Leo ang magkakampi? Sorry! Hindi ako na inform eh. Bye!" Mataray kong sabi.

"Oh Wifey! Huwag kanang magalit, ikaw naman eh beast mode kaagad. Siguro miss mo lang ako eh." Pacute niyang sabi.

Hindi ko napigilan ang ngiti ko habang sinabi niya yon. 1 week na pala kaming hindi nagkikita, sinasanay ko lang kasi sarili ko na hindi siya makita ng matagal para masanay ako kung dumating na si Dad. Infairness, na miss ko talaga yung mokong nato.

"Oh Wifey? Mamaya kana kiligin diyan, namumula na yung posngi mo." Patawa niya ulet na sabi.

"Pano mo alam?! What? Ahm I mean Paano mo .." Hindi pako nakapagtapos ng sinasabi ko sumagot agad siya.

"Oh see, tama ako na namumula kana, ikaw na mismo ang naglaglag sa sarili mo Wifey! Hahaha Okay lang yan sanay nakong kinikilig ka basta ako kasama mo. Okay lang yan alam ko namang mahirap talagang pigilan ang kilig kung ganito kagwapo boyfriend mo, I understand." Seryoso niya sabi.

Napatawa ako ng malakas sa sinabi niya.

"Nag jojoke kaba? Kasi Nakakatawa eh! Ang kapal naman! Daig pa ang Bagyong Yolanda sa kahanginan mo ha!" Patawa kong sabi.

"Oh ayan napatawa na kita, My duty is done for now. Bye Wifey ko! Huwag kanang ma stress diyan. Andito lang ako palagi. I love you Liezel! See you soon."

Anong ibig sabihin niya sa SEE YOU SOON?!

"Wait, what do you me .." Hindi pako nakapagtapos binabaan niya agad ako.

Langyang lalakeng to, kikiligin na sana ako eh pero may SEE YOU SOON pa talaga?! No! It can't be! Patay ako nito kay Dad. Sigurado kakalbuhin ako nun kung sakaling malaman niya ang totoo!

"Maam Liezel! Aalis daw po kayong lahat, maghanda na daw po kayo." Sabi ni Yaya Juve sa labas ng pinto ko.

"Ah sige! Susunod nalang ako!" Sigaw ko.

Saan naman kaya kami pupunta? Dapat magpahinga muna si Dad before kami gagala no. Ano yun? Recharge na agad si Dad after a 30 minute nap? Unbelievable!

Taguan na naman to mamaya.
Push lang Liezel. Kaya mo yan! (sana)

Bumaba nako para makaalis na kami. Ako nalang kasi ang hinihintay nila.

"Kahit kailan talaga ang kupad kupad mong kumilos." Sabi ni Leo sakin.

"Sorry naman PO kasi hindi PO ako na inform na aalis PO pala tayo ngayon." Mataray kong sabi.

"Hoy mahiya kayo sa Dad niyo, ngayon na nga lang tayo makokompleto mag-aaway pa kayo." Pangaral ni Mom.

"Okay enough, I came back to see my beautiful family na nagmamahalan hindi nag-aaway kaya magbati na kayong dalawa."  Pa slang na sabi ni Dad.

Grabe hindi parin ako sanay na nagtatagalog si Dad.

"Okay Dad, I'm sorry." Sabay naming sabi ni Leo.

Lumabas kami ng bahay at pinagbuksan kami ni Manong Boyet ng sasakyan.

Tahimik lang buong biyahe, hindi ko parin alam kung saan kami pupunta. How I wish sa peaceful na lugar na kami lang ang tao.

"Where are we going Dad?" Tanong ni Leo.

"Sa rest house natin sa Tagaytay." Pangiting sabi ni Dad.

Sa wakas! matahimik na lugar para sakin. Excited nako!
Gusto ko ng magmuni muni sa beach house namin.

I wanna walk in a shore alone.
Yung parang feel na feel ko na ang paglalakad tapos ang ganda ng ihip ng hangin tapos parang gumagawa ako ng music video.

Haha Kaloka! Ano ano na ang naiisip ko. Mabuti pang umiglip muna ako ng konti total malayo layo pa ang biyahe namin.

Tagaytay here we come!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Moment When ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon