Welcome Party

11 0 0
                                    

"Ugly! Nandito na yung isang pangit na susundo sa'yo!" Sigaw ni Leo sa labas ng room ko.

Hay ayan na naman yung kakambal kong magaling.

"Hay naku! Inggit ka lang eh!"

Tumayo ako at tiningnan ko ang OOTN ko sa harap ng salamin.

Medyo nahihiya pako magsuot ng bikini attire ko kaya sinapawan ko muna ng pink sando at black shorts and nag mandals ako.

Bigla nalang ako napa lundag sa gulat ng pumasok bigla si Leo.

"Ang tagal mo kasi!" Sabi ni Leo papalapit sakin.

"Bakit ba?"

Umupo ako sa kama ko at tiningnan siya.

"Wala. Sige na bumaba ka na naghihintay na sayo yung pangit mong manliligaw." Suplado niyang sabi.

Sus nagseselos kalang talaga Leo. Hahaha.

"Okay I-lock mo lang yung room ko kung lalabas kana." Sabi ko sabay labas sa room ko.

Sus nakakamiss talaga tong kambal ko.

Pagbaba ko natanaw ko agad si Andrew.
Parang tutulo na ang laway ko sa kakatitig sa kaniya.

Naka white sando siya then naka blue summer shorts.

First time ko nakita sa personal yung biceps niya grabe ang sarap yakap yakapin yung muscles niya.

Ini-imagine ko na yung 6 pack niya.

"Hoy, yung laway mo." Pabirong sabi ni Andrew.

Bigla kong nahuli ang sarili kong nakatunganga sa harap niya.

Ano kaba naman Liezel!
Nakakahiya ka!

"Laway ka diyan." Mataray kong sabi.

Para hindi niya nako tuksuhin.

"Okay lang yan, pwede mo namang hawakan." Pacute niyang sabi sabay tingin sa braso niya.

Shemay!!
Namumula na talaga yung mga pisngi ko.

"Hoy! Hindi pa ba kayo aalis?!" Pasigaw na sabi ni Leo.

Hay salamat, medyo nawala ang tensyon ko nung dumating si Leo.

"Ano kaba naman bayaw chill kalang." Sabi ni Andrew habang ngumingiti.

Para ng lalabas ang usok sa butas ng ilong ni Leo sa inis.

Para nakong matatawa sa reaksyon ni Leo kaya sumabat nako baka ano pang magawa ni Leo.

"Okay okay aalis na kami. Bye twinny!" Sabay hila sa kamay ni Andrew.

Nang makalabas kami ng bahay pumasok kami agad sa kotse niya.

Nung nagmamaneho na siya bigla siyang tumawa ng mahina.

"What's funny?" Tanong ko habang naka taas ang isa kong kilay.

"Hinila mo kasi ako, naisip ko na gusto mo talaga akong masolo." Patawa niyang sabi.

Wow! Hangin ha!

Hinampas ko ang braso niya pero parang hindi siya nasaktan, malamang ang laki kaya ng braso niya.

Maya-maya nakarating na kami sa Resort.

Pagpasok namin sa Resort may taong bumati sa kaniya.

"Good Evening sir Andrew." Bati ng lalaking nasa counter area.

"Kilala ka niya?" Tanong ko.

Ngumiti lang si Andrew sakin.

"Sila po ang may-ari ng resort na to." Pangiting sabi ng lalake.

The Moment When ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon