Practice Day 2

10 0 0
                                    

"Grabe talaga sense of smell mo. Tsktsk." Sabi ko habang umiling iling pa yung ulo ko habang kumukuha ng ulam.

Tumawa lang si Leo.

"Eh namiss kong kumain ng Adobo eh." Sabi niya habang kumakain.

Grabe ang takaw ng kambal ko. Pero parehong pareho kami, hindi tumataba.

Kumain lang kami ng kumain. Wala kaming pake kung mabulunan kami oh ano.

Ang sarap kasi eh.

"Parang na miss niuo talaga yung Adobo ah." Sabi ni Nanny habang nakangiti.

Sabay naman kaming napatingin ni Leo kay Nanny at pareho pa kaming may kutsara ang bibig.

Nagkatinginan kami at sabay kaming napatawa.

"Hayaan niyo lulutuan ko pa kayo ng mga lutong-bahay." Sabi ni Nanny.

"Sounds exciting Nanny! Hindi nako makapaghintay." Excited kong sabi.

Hindi ko namalayan na pangatlong pinggan ko na to.

Omg. Parang hindi nako makatayo sa sobra kong busog.

"Hey tumayo kana nga and go to your room." Utos ni Leo.

Aba inuutusan niya ba ko?!

"What's with you ba? Anong pake mo kung ayoko pang pumunta sa room ko. Ikaw kayang maunang tumayo diyan." Mataray kong sabi.

Hindi na siya nagsalita.

Pareho kaming tahimik sa Dining table.

Nahalata kong hinihimas himas niya rin yung tiyan niya.

Haha parang pareho kami ng problema ah.

Bahala na basta nabusog talaga kami.

Nakaramdam ako ng antok kaya pinilit ko yung sarili kong tumayo.

Pagtayo ko, tumayo narin si Leo.

Sabay kaming pumunta sa mga room namin.

Hindi kami nagkikibuan.

Alam ko na na inaantok din si Leo kaya hindi ko nalanh siya pinansin.

Pagbukas ko ng pinto ko.

Parang nanlaki yung mata ko pagkakita ko ng kama.

Tumalon ako sa kama ko at natulog.

Niyakap ko yung Stuffed toy ko na Sponge bob.

I feel safe basta yakap yakap ko to.

Nung malalim na yung tulog ko bigla akong nagising sa gulat nung nag ring yung phone ko.

Inunat ko yung kamay ko at inabot yung phone sa side table ko.

Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag sinagot ko agad habang nakapikit ako.

"Hello?" Antok kong sabi habang nakapikit.

"It's me, I've been wondering if after all these years you'd like to meet?" Pakanta niyang sabi.

Aba loko pala to eh.

Pinagtitripan niya bako?!

Pasalamat siya inaantok ako kung hindi kanina ko pa siya nasigawan.

Hindi ako kumibo sa kinanta niya. Alam ko kasi nagbibiro lang siya. Nanatiling nakapikit yung mata ko at nasa tenga ko parin yung phone.

"Ang ingay mo palang humilik." Sabi niya.

Biglang dumilat yung mga mata ko sa sinabi niya.

The Moment When ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon