Yes

17 0 0
                                    

Para ng mga wild mga tao dito.
Pero ang sasaya ng mga mukha nila.
At kami narin ng Gfs ko.

"Ang saya!" Sigaw ni Vea.

Sumigaw naman kami sabay talon at sayaw sa music.

Habang sumasayaw kami may biglang humila sakin.

Nagulat ako kasi pagtingin ko kung sino ang humila sakin si Andrew pala.

Bigla niya kong piniringan.
Biglang tumahimik ang kapaligiran.
Kinakabahan na ko. Pero kinikilig din at the same time.

"Hoy Andrew! Ano to? Tanggalin mo nga yung panyo sa mata ko." Sabi ko habang pinipilit tanggalin yung blind fold.

"Shh, huwag makulit Miss sungit." Sabi ni Andrew sabay hawak sa bewang ko para alalayan ako sa paglalakad.

Hindi nako nagreklamo pa, wala naman kasi akong magagawa.

Maya-maya nagsalita si Andrew.

"Okay you can remove your blind fold now." Sabi ni Andrew.

Tinanggal ko agad yung nakatakip sa mga mata ko.

Pagtanggal ko ng blind fold para akong iiyak sa nakikita ko ngayon.

Napakaraming sparks fly sa paligid, mga maliliit na kandila na naka heart shape at nakatayo kami sa gitna nito.
Tapos may mga patay sindi na mga maliliit na ilaw na nakapalibot sa puno.

"Ano to?" Naluluha luha kong sabi.

Ngumiti lang siya at biglang lumuhod ang isa niyang tuhod.

Hindi ko na talagang napigilan sarili ko at napaiyak na talaga ako sa saya.

"Kahit na palagi mo kong sinusungitan, hinahampas sa braso, palagi kang high blood, na parang araw-araw may dalaw ka." Sabi niya sabay tawa ng mahina.

"Pero kahit na ganyan ka, ang lakas ng tama ko sa'yo, ano bang ginawa mo sakin ha?"

Ngumiti lang ako sa sinabi niya, para akong tangang nakatunganga sa kaniya. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.

At may kung anong remote siyang pinislit at nagulat ako kasi umilaw bigla ang mga maliliit na ilaw sa likuran niya at naka form na Please say Yes ❤.

Napahawak nalang ako sa mga bibig ko sa saya.

"Miss Sungit ng buhay ko, Miss super na mahal na mahal ko. Liezel McGrier, will you be my girlfriend?"

Grabe wala na, umiiyak na talaga ako sa kilig at sa saya. I think it's the right time para sagutin ko siya. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya kaya hindi ako magsisisi kung sasagutin ko na siya.

"Yes, Andrew. Ang darkshadow ng buhay ko, I will be your girlfriend." Sabi ko habang nakayuko sa kaniya.

Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Kitang kita sa mga mukha niya ang saya.
Napatalon siya at napasuntok siya sa hangin habang sumisigaw.

At bigla siyang sumigaw na.

"NOW!"

Nagtaka ako sa sinigaw niya.
Pero nung sinigaw niya yung Now biglang nagka fireworks.

Literal akong napanganga sa mga nagaganap ngayon.

Nagkatinginan kaming dalawa, pinulupot niya yung mga kamay niya sa bewang ko.

Para ng sasabog ang puso ko sa kilig.

Ngumiti lang ako sa kaniya at yumuko.

Pero pinatingin niya parin ako sa mga mata niya.

The Moment When ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon