Open up

12 0 0
                                    

"Mom! I'm home!" Sigaw ko galing entrance ng bahay namin.

Inihatid nako ng hubby ko galing Welcome Party.
Pinauwi ko na siya agad kasi 2:00AM na.

"Oh anak? Parang ngayon kalang sumigaw na nakauwi kana, dati rati derecho ka agad sa kwarto mo." Puyat na sabi ni Mom habang bumababa ng hagdan.

Lumapit agad ako sa dulo ng hangdan para ma chika ko sa kaniya ang lahat ng nangyari.

"Mom! I have something to tell kasi." Atat kong sabi.

"Ipagpabukas mo nalang yan nak, madaling araw na. Matulog kana." Pangaral ni Mom.

"Mom, hindi ko na talaga pwedeng itago to sa sarili ko, Mom may sasabihin ako sayo." Sabi ko.

"Oh My Gosh Liezel! Don't tell me na ...--" Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Mom kasi nagsalita agad ako.

"Yes Mom, sasabihin ko naman talaga sa'yo kaya lang ...--" Hindi rin ako pinatapos ni Mom magsalita kasi sumabat agad siya.

"Kasi ano?! Kumerengkeng ka agad?! Ano nalang sasabihin ng Dad mo pag nalaman niyang buntis ka?! Paano nalang mga pangarap mo ha?! Wala ka talag ...--" Galit na sabi ni Mom pero pinutol ko yung pagsasalita niya kasi dinepensahan ko agad sarili ko.

Ano ba tong pinagsasabi ng Mom ko?! Naguguluhan ako.

"Mom! I'm not pregnant! Saan mo ba yang lupalop nalaman. Mom naman eh!" Pasigaw kong sabi.

"Eh kasi ang seryoso mo masyado! Ano nga ba talaga yun?" Tanong ni Mom

"Me and Andrew are official." Papikit kong sabi.

Napadilat nalang ako ng napatili si Mom.

"Oh my gosh! Dalaga kana talaga anak!" Sigaw ni Mom habang niyayakap ako.

"So how did he asked you?" Kilig na tanong ni Mom.

Sinabi ko sa kaniya lahat ng nangyari.
Ayun mas kinikilig pa kesa sakin.
Hay yung Mom ko talaga napaka young at heart.

"Mom huminahon ka nga." Sabi ko kay Mom.

"Okay, sige sige just tell me." Sabi ni Mom.

Umupo kami muna sa sofa sa sala.

"Kasi nga po diba kanina Welcome Party, bigla ba naman ako hinablot at nilagyan ng blind fold tapos inalalayan niya ko papunta don sa lugar na kami lang dalawa. Grabe Mom, nagpa fireworks po talaga siya. Hanggang ngayon kinikilig parin ako!" Sabi ko with actions.

At yun hinampas hampas ako ni Mom na parang magka edad lang kami.

"Don't tell me hindi kayo nag kiss?" Sabi ni Mom habang nag cross ang dalawa niyang braso.

Napahinto ako sa tanong ni Mom. Ano sasabihin ko?
Sasabihin ko na ba sa kaniya ang totoo? Ah bahala na, I know pinagdaanan niya rin to dati.

"Actually Mom, yes. He's my first kiss." Sabi kong nakapikit para ready ako kung pagagalitan niya ko.

Mas mabuti ng open ako kay Mom, ayokong magsinungaling sa kaniya.

"Really?! So ano? masarap ba sa feeling?" Patawang sabi ni Mom.

Bigla akong nagulat sa sinabi ni Mom. Really Mom? Hindi ka galit sakin? Unbelievable.

"Mom! Hindi mo ba ko pagagalitan? Oh something? Grabe ka talaga Mom." Sabi ko.

"Hay nako, pinagdaanan ko rin kaya yan. Kaya sige na anong feeling?" Pagpipilit ng Mom ko.

"Hay nako. Hmm totoo po pala talaga yung butterflies in the stomach no?" Kilig kong sabi.

"Ay ang landi!" Pabirong sabi ni Mom.

Tumawa lang kaming dalawa ni Mom hanggang nagsalita siya.

"Basta, know your limitations ha. Pag-aaral parin ang mas importante." Pangaral ni Mom.

"Yes Mom, I know my limitations. Trust me." Sabi kong nakangiti.

Niyakap ako ni Mom at niyakap ko na rin siya.

Pagtingin ko sa wall clock 3:00AM na.
Grabe isang oras din kami nag chika ng Mom ko.

Pinatulog nako ni Mom kasi madaling araw na. Mabuti nalang Sabado bukas.

Humiga nako sa kama ko kahit sa paghiga ko siya lang ang nasa isip ko.

Shemay! Ba't ba kasi ang gwapo mo Andrew!

Matutulog na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ko.

Parang kilala ko na 'to kung sino 'to ha.

"Alam ko gising kapa, papasok nako."

Pagbukas ng pinto pumasok agad si Leo.

Bumangon agad ako at umupo sa kama ko.

"May kailangan kabang sabihin sakin?" Tanong ni Leo.

"Ha? Eh diba dapat ako ang nagtatanong nyan." Sabi ko

"Kayo naba?" Derechong tanong ni Leo.

Ay Oo nga pala! Nag promise nga pala ako sa kaniya na siya ang unang makakaalam kung sasagutin ko na si Andrew.
Nako! Liezel patay ka ngayon.

"Ahm, yes. Kami na, teka how did you know?" Sabi ko.

"Kailangan talaga sa iba ko pa malaman no? Diba sinabi ko sayo na ako ang unang taong makakaalam nito?" Seryosong sabi ni Leo.

Yan na nga bang sinasabi ko eh.
Goodluck Liezel.

"Ano kasi Leo, hay sige na nga. Oo na nakalimutan ko na. Sorry talaga Leo." Sabi ko.

Umupo si Leo sa tabi ko.

"Mabuti naman at sinabi mo ang totoo. Akala ko magsisinungaling ka na naman." Pangiting sabi ni Leo.

"Totoo ba'to? hindi ka galit? Omg Leo! Thank you!" Masaya kong sabi habang niyayakap siya pagilid.

"Wala na naman akong magagawa kaya apology accepted." Sabi ni Leo sabay gulo ng buhok ko.

Parang na miss ko 'to ha.

Ngumiti lang ako sa kaniya at ginulo niya ulit ang buhok ko.

"Alam mo, ginagawa mo kong parating bata." Pabiro kong sabi.


"Eh bata ka naman talaga eh. Ay teka may boyfriend kana pala." Lungkot lungkotang sabi ni Leo.

"Sus! Huwag ka na kasing magselos kasi iba naman kayong dalawa ni Andrew." Sabi ko.

"Whatever, basta pangit ka parin." Patawang sabi ni Leo.

"Ah ugly pala ha!" Sabi ko sabay kiliti ng leeg niya.

"Tama na! tama na!" Sigaw ni Leo habang tumatawa.

Tinigil ko na ang pagkikiliti sa kaniya kasi alam ko na para na siyang maiihi sa katatawa.
May konsensya panaman ako eh.
Hindi tulad niya na grabe kung makakiliti sakin. Hintayin pa niya na iiyak ako bago niya tigilan ang pagkiliti sakin.

I miss this kind of bonding with him.
"Sige na matulog kana diyan, huwag mo ng i-check yung phone mo baka mag text pa yun si Andrew at hindi kana makatulog sa kilig." Sabi ni Leo sabay tayo.

Pagtayo niya tumayo din ako at binack hug ko siya, at bumulong ng "I love you twinny".

As usual nandidiri na naman si Leo kaya bumitaw nako at tumawa lang sa kaniya.

Hay nako ang kambal ko napaka OA pagdating sa boyfriend ko.

Hay makatulog na nga magsasama pa kami ng hubby ko sa panaginip ko ngayon.

The Moment When ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon