Chapter 13

13 2 2
                                    


Jice POV

Naglalakad ako ngayon sa gym sa may locker room. Hinahanap ko kasi Kysler pero hindi ko nakita. Saan kaya yun? Magche-cheer sana ako sa kanya eh kahit ayaw niya magche-cheer pa rin ako. Yan ang nagagawa sa matamis na pagmamahal. Naglakad lakad pa ako hanggang sa may narinig akong boses ng babae.

"Stop your game now!" Hala galit siya. Sino kaya ang kausap niya? Lumapit ako sa nag-uusap para marinig ko pa.

"I told you I'm not playing." Boses yun ni Kysler ha! Hala! Sino ang kausap niya? Nagseselos ako eh!

"Then what are you still doing with that girl whose obsession of you won't fade?! Alam mo naman na we're getting married pero wala ka pa ring ginawa sa babae na yun. Ano ba ha?! Do you like her?!" Sino kayang pinag-aawayan nila? At anong ikakasal na sila? No!! My Kysler my loves! Hindi pwede! Lumabas ako sa pinagtataguan ko at nakita ko si Kysler at isa sa mga sikat sa school namin. No! Hindi pwede silang ikasal!

"Why would I like someone who is so clingy and so annoying?! She's nothing to me! She's just a trash who didn't know where to place herself! Alexes Jice Canonigo is nothing to me!!" Nagulat ako ng husto sa sinabi niya. I bit my lower lip nung naramdaman ko ang sikip at hapdi ng puso ko. A-Ano ako sa k-k-kanya? Clingy? A-Annoying? T-Trash? Nothing at all? Bakit ang sakit? Para yata akong pinatay.

"Then stop letting her do like she owns you! I'm your fiancée for goodness sake!" Lalong sumikip yung dibdib ko. Wala na ba talagang pag-asa? Ganito lang ba ang kahahantungan ng paghihirap at pagsasakripisyo ko? Durog na durog na yung puso ko at this moment at hindi ko alam ang gagawin ko to stop the pain. I noticed the girl saw me when she was about to walked away. But eventually continued walking. Nung humarap si Kysler sa akin yun na yung time na bumuhos yung luha ko. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na.

"Kysler..." I called him and he just stared at me.

"Sorry." At umalis siya. Hindi mo ba alam na magkaiba ang meaning 'sorry' at 'I'm sorry'?!

"Kysler! Sandali! Kysler sandali lang please!" Sinundan ko siya kahit masakit, kahit nalulunod na ako. So walang epekto yung pinaggagawa ko for the past 3 years? Yung hirap na ginawa ko para sa kanya, wala lang? Yung time na sinugal ko para makasama lang siya, yung ilang oras kong paghihintay para makita lang siya kahit saglit lang wala na ba yung silbi? Ang sakit...sobrang sakit kasi kahit anong gawin ko wala pa rin. Do I need to sacrifice another year or more to finally change him? To let him fall for me too? I can't see myself without him and I can't see myself happy with him. What should I do? It's really painful.

Nung nakarating ako sa tapat ng Royal Room ay sinara na niya agad yung pinto. Ano bang kulang sa akin na hindi mo kayang mahalin? Ano bang mali sa akin na ayaw mo?

"Jice? Anong gawa mo dito?" I heard Baryl kaya pinunasan ko yung mata ko.

"Hinahanap ko kasi si Kysler kanina ko pa hindi nakita. Nakita mo ba siya?" I asked her smilingly even I know where he is. Just a few meters away but a billion lights years from my heart.

"Hindi ko nakita. Baka nandon sa gym, diba may laro naman siya ngayon sa basketball?" Nakita ko siya. Sinaktan na naman niya ako. Una, kinuha niya ang puso ko tapos dinurog, tinadyakan, pinaglaruan at binutasan.

"Oo nga pala no? Sige punta na ako Baryl! Thank you so much! Mwuah!" I said and ran away. I don't want her to worry about what's happening to me. Ang sakit lang eh. Ayoko siya madamay kasi mahal niya ang best friend ng mahal ko. She's my friend and I don't want her to sacrifice something for me exchange of her own happiness. Hindi ako selfish. Bigla naman ako nahinto kasi may humawak sa akin.

In Love with the Ice RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon