Yabag part2

255 0 0
                                    

Anong mararamdaman mo kung malaman mong hindi lang kayo ng nanay mo, ng tatay mo, ng mga kapatid mo ang nakatira sa isang malaking bahay na pinatirahan sa inyo












Ang kwentong ito ay naganap noong taong 2013
Sa isang malaking bahay na pinatitirahan saamin,
4th year high school ako noon ng lumipat kami sa isang malaking bahay .. Nag rerenta lang kasi kami ng bahay .. At naaktuhan namang ilang buwan ng bakante ang bhay ng kapit bahay naming si ate nieves..
At dahil nga sa bakante na ng ilang buwan ang bahay .. At nasa batanggas na nakatira sila ate nieves..
Pinaupahan nalang nila saamin ng halagang dalawang libo per month yung bahay .. At dahil dun tuwang tuwa sila mama .. Dahil sa ngayon . saan kapaba makakakita ng paupahang bahay na halagang dalawang libong piso?? .. Kung meron man panigurado kwarto lang yun at kung hindi nasa binabahang pwesto nakatirik yung bahay ..






alas dose palang ng madaling araw ng nag simula kaming mag lipat bahay .. Halos ako nga lang yung nag buhat ng nag buhat ng mga gamit ..
Unang pasok ko sa bahay .. Parang may kakaiba na akong nararamdaman .. Hindi ko lang yun pinapansin







Matapos naming mag lipat ng mga gamit .. Pasadong alastress na ng madaling araw .. Walang ilaw noon sa 2nd floor dahil pundido at sira pa ang mga wirings sa taas ..
Nung una .. Halos sinusuri kong maigi ang bahay .. Parang may kakaiba kasi talaga ee .. Maya maya ay bigla na lamang nag patay sindi patay sindi yung ilaw .. Hindi ko nalang yun pinansin .. Feel na feel ko kasi yung kantang pinapakinggan ko .. Nakakarelate ee .. Sakin ka nalang .. By jay vincent de guzman .. A.K.A. hambog ng Sagpro krew,







Matapos magpatay sindi patay sindi ng ilaw sa sala .. Tila naman na pundi ito kaya .. Binuksan nalang ni mama yung ilaw sa cr at hinayaang nakatiwangwang yung pinto para may kaonting ilaw na pumapasok sa sala .. Wala kasing ilaw sa kusina .. At isa sa mga napansin ko sa bahay na yon ay .. Wala man lang itong pader pader na humaharang sa bawat parte ng bahay .. Dibisyon ba ang tawag don??? Miski sa 2nd floor ee wala ... Wala ngang kwarto kwarto sa bahay na yon ..
Makalipas ang ilang minuto .. Namatay matay din yung ilaw sa cr .. Hanggang sa napundi ..
Kaya ang binuksang ilaw naman ay yung ilaw sa labas .. Ngunit kTulad ng ibang ilaw namatay patay sindi rin ito nung una ..sabay napundi .. Nung una ang pumasok sa isip ko ay baka grounded lang ang mga wirings sa bahay nayon ..






Halos lahat sila matapos mag lipat bahay ay natulog except saakin .. Ewan ko ba .. Pero may nararamdaman talaga akong kakaiba sa bahay na yon .. Yun bang parang may nag mamasid sa inyo???
Kinaumagahan .. Ee nag ayos na kami ng aming mga gamit .. Halos lumipas nga yung mga oras .. Pero hindi ako mapakali sa bahay na iyon .. Tanging ang naging pwesto ko lang sa bahay na yon ay sa terris, kung hindi sa sofa at sa may upuan sa harapan ng bahay ..
Napagana naman na lahat ng ilaw .. Akala ko mga pundido na .. Hindi pa pala sadyang mga grounded lang talaga siguro yung mga wirings sa bahay na yun
Kinagabihan .. Halos hindi ako makatulog ng maayos . hindi ko alam kung bakit pero parang may nararamdaman akong kakaibang inerhiya sa bahay na yon .. Pero binaliwala ko nalang iyon .. Kasi inisip ko nalang na baka namamahay pako sa bahay na yun kaya naninibago pako at hindi pa sanay matulog doon .. Halos alasdose na nga ako ng gabi natutulog .. Tapos tuwing alas tress ng madaling araw ... Nagigising na lamang ako sa hindi malamang dahilan... Tapos hindi naako makakatulog .. Pang umaga pa naman ang pasok ko noon sa eskwela







Habang lumilipas ang mga araw .. Halos naging daily routin ko na yung matulog ng alasdose at magising ng alastress ng madaling araw .. Matutuwa na sana ako kung ganun lang .. Pero hindi .. Dahil halos naging araw araw na din akong nakakaramdam ng parang may nag lalakad sa taas ng second floor kahit wala namang tao .. Nakakarinig kasi ako ng mga yabag sa 2nd floor .. Wala itong pinipiling oras .. Dahil minsan kahit umaga basta walang tao sa 2nd floor oh?? Hapon .. May naglalakad lakad sa taas kahit na wala namang tao ..







Ang Mga Kwento Ng Kababalaghan (True Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon