Panaginip

146 1 1
                                    

Simpleng story lamang ito na aking ibabahagi.
Naganap ito mga april 2017 i can't remember the exact date but napakacreepy lang kase at na cu-curious ako sa panaginip kong yun.

So? Heto na. Sa panaginip ko. Nasa isang lugar nakaupo at may bitbit daw ako na kakanin. Diko alam kung bakit sa pnaginip ko naging tendero ako ng kakanin.

Habang nag aalok daw ako ng paninda ko sa panaginip. May biglang babaeng lumitaw. Hanggang balikat yung straight nyang buhok, slim yung katawan, maputi, at nakasuot sya ng puting dress.

Nakayuko sya habang tinatawag yung pangalan ko ng malumanay.
Hindi ko mabosesan kung sino sya. Kaya lumapit ako sa kanya ng dahan dahan. Pero laking gulat ko noong humarap yung babae. Wala itong mukha. Napatakbo ako sa takot. Tumakbo lang ako ng tumakbo nung nakalayo na ako huminto ako saka lumingon sa likuran. Laking pasasalamat ko nung di nya ako na sundan. Pero pagharap ko. akmang lalakad na palayo. Nakita ko sya ng harapan. Sa takot ko gusto kong sumigaw pero kahit anung sigaw ko walang lumalabas na boses ko sa aking bibig.
Lumapit sya saakin at niyakap ako ng mahigpit. Nakaramdam nalamang ako ng kapayapaan,

Pag yakap nya. Nagising nalamang ako sa panaginip ko na pawis at hingal na hingal.



  Pasensya na po kung oa yung story. Inatake lang po ng kuryosidad. Baka po kasi may nais iparating yung panaginip na yun. Satingin nyo??

Ang Mga Kwento Ng Kababalaghan (True Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon