Horror house

551 1 1
                                    

Ako nga pala si jun jun hindi tunay na pangalan ..
Ang pangyayaring ito ay noong 2013 pa naganap, isang pangyayari na nakakapagpatayo padin ng mga balahibo ko tuwing naaalala ko kahit ilang taon na ang nag daan,
Naganap ito noon sa isang baranggay sa ikalawang distrito ng quezon city..







Sa isang isang baranggay naisipan kong rumaket kasama ang ibang mga kaklase ko sa kolehiyo .. Tutal dahil sa mag no-november naman napagdesisyunan naming arkilahin ang dalawang bahay na mag kadikit para gawing horror house.. Tutal hindi pa naman ayos yung ginagawang bahay .. Kaya okay na okay gawing horror house .. Bakuran nalang ng mga dahon ng niyog yung bahay .. Sabay i-set up nalang yung bahay ..







Jun??? Doon ka nalang sa pangalawa pumwesto .. Apat kayo nila myles, tintin, at hison .. Wika saaken ni marjorie .. Ang pinaka leader namin .. Pumayag naman kami ..
Mag wawhite lady si myles, aswang naman yung dalawa .. At ako??? Malay ko ba kung anong tawag sa costume ko basta parang style zombie na nakatago sa gilid ng bukas na pinto .. Saka manghahawak ako ng paa ng mga papasok .. Yung iba naming mga kasamahan .. Ayun? Dalawa na assign sa entrance, apat sa unang palapag ng bahay, apat sa pangalawang palapag ng unang bahay .. Sabay dalawa sa baba ng hagdan pababa sa likod ng unang bahay padiretcho sa pangalawang bahay, tapos apat kami sa pangalawang bahay .. Tatlo naman sa palabas ng horror house .. May mga tig iisang tourguide kada isang grupong papasok .. Sa isang grupo anim na tao lang ... Sampung piso lang isang ticket







October 31 .. Alasquatro trenta na ng hapon, inaayos na namin ang horror house .. Nag dadagdag kami ng dekorasyon sa kwarto
Habang nag pupukpok ako ng pako sa pader .. Sasabitan lang namin ng lalagyan ng kandila ... Sila naman busy na sa pag aayos ng mga costume nila mamaya .. Seven pm kasi ang umpisa ..







Matapos kong mag pukpok ay naupo muna ako sa lapag saka itinabi sa tabi ko yung martilyo .. Jun?? Ano okay na??? Tapos kana ba??? Tanong sakin ni hison .. Oo tapos na bakit??? Mabilis na sagot ko kay hison .. Pahiram daw sabi ni kiko .. May mamartilyuhin lang daw sya ..wika ni hison ..
Pag kasabi ni hison ay kinapa ko na yung martilyong tinabi ko sa tabi ko .. Nang tignan ko na ee napatayo nalang ako .. Asaan yung martilyo???? Andito ko lang nilapag yun ahhh ... Hinanap hanap ko yung martilyo .. Pero wala .. Anak ng tokwa! Andito ko lang nilagay yun ahh bakit nawawala??
Pre??? Anu na??? Naiinip na tanong ni hison .. Wait lang pre .. Nawawala ee ... Napakamot naman si hison ng ulo saka tinulungan nako mag hanap .. Tin??? Sigaw ko .. Wala kabang napansing martilyo dito???? Pahabol ko ..
Wala!!! Diba gamit gamit mo kanina????? Wika ni tintin .. Oo nga naman .. Gamit mo kanina yun ahh .. Wika naman ni myles
Napakamot nalang ako ng ulo .. Nako!! Napaka hirap talaga ang tumanda , nagiging makalimutin na .. Tumulong naman na sila mag hanap .. Pre!! Heto na yung martilyo .. Salamat huh??? Biglang pasok ni kiko ..
Ayun naman pala ee .. Nakay kiko na pala nag hanap pa tuloy tayo ng wala .. Mataray na wika ni myles ..
Natawa naman si kiko .. ee pano ?? Kung saan saan nyo iniiwan yung martilyo ..
Huh?? Ano daw ??? Ewan ko ba .. Pero bigla nalang akong nag taka ee kasi ang pagkakatanda ko talaga katabi ko lang yung martilyo ee .. Pare?? Saan mo nakuha yung martilyo??? Nagtataka kong tanong kay kiko
Dyan sa labas .. Sa may harap ng pintuan .. Sabay biglang alis ni kiko ..
Napaisip naman ako .. Papaanong napunta yung martilyo sa labas??? Ee tinabi ko nga sakin yun kanina .. Tsss .. Mung ewan lang.. Hayaan muna nga..







At hanggang sa lumipas na ang mga oras .. Kahit na nagtataka ee binaliwala ko nalang ..
Mga pasadong alasdose na ng gabi .. Feel na feel ko naman ang pananakot .. Enjoy! Nag sabi saamin si marjorie na may huling dalawang batch pa ang papasok ..pag tapos non ay uwian na!
Maya maya .. Bigla nalang akong nakaramdam ng panlalamig ng biglang may dumaang nakaputing babae sa harapan ko .. Nag punta syang palabas ng pinto . si myles yun ahh?? Adik??! Saan pupunta yon. Tumayo naman agad ako saka sumigaw .. Myles??!! Saan ka pupunta??!! Dirediretcho lang sya at hindi lumilingon .. Hooooy!!! Myles???! Bingi ka???!!! Sigaw ko .. Hala??? Bingibingihan??? Nag simula naman agad akong lumakad .. Pasaway yun ahh .. Napahinto naman ako sa pag lalakd ng biglang may umakbay saakin .. Kaya napatingin ako kung sino yung umakbay saakin .. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko .







hoy??! Bakit kaba sigaw ng sigaw?? Bkit mo ko tinatawag??? Parang nakaramdam naman ako ng biglang pag kafreeze ng katawan .. Sabay nagtayuan ang mga balahibo ko Te.. Tek.. Tekka??? Hindi ba .. Ba.. Ba.. Ika..kaw.. Yung baba. Ba..eng lu.. Ma..bas . ngayon ngayon .. Lalang??? Nauutal na tanong ko kay myles .. Oh?? Bakit muka kang nakakita ng multo??? Saka lumabas?? Haler?? Bakit naman ako lalabas??? ee kung lumbas ako dapat hindi mo ko nakakausap ngayun .. Adik ka??? Saka may huling dalawang grupo pa ang papasok diba???? Sabay roll eyes nya ..







Nakaramdam na ako ng kilabot .. Kung hindi si myles yung nakita kong nakaputing babae??? ee sino yun??? Imposible naman kasamahan namin yun .. ee si myles lang ang nag costume ng white lady saamen...
Matapos manakot sa mga huling pumasok .. Napagpasyahan naming mag food trip muna bago umuwi .. At yung mga nakita ko kanina?? Iniisantabi ko na muna .. Wala akong kwenentuhan kahit isa sa mga kasamahan ko .. Napapaisip pa nga din ako ee baka guniguni lang ..







Kinabukasan .. November 1 akala ko okay na .. As in okay na okay na yung araw at gabi ko .. Pero hindi pala
Mga pasadong alas diez ng gabi ... Habang nag aantay ng mga matatakot.. Bigla nalang lumamig yung paligid .. Nakaramdam ako bigla ng takot ... Hindi ko alam kung bakit .. Pero parang gusto ko na yatang umalis sa gilid ng pintuang kinatatayuan ko ..
Lalakad sana ako papunta kung saan naka pwesto si kaso paglingon ko nanlaki ang mga mata ko sa takot at pagkabigla ... Napaupo nalang ako sa lapag ... Isang babaeng nakaputi ang bumungad sa mukha ko .. Nakakatakot ang mga mata nyang nanlilisik .. Gusto kong sumigaw .. Pero bigla nalang akong nawalan ng boses .. Kayat napapikit nalang ako at nanalangin ..
Dios ko po,tulungan nyo po ako .. Kung bangungot man ito .. Gisingin nyo po ako ... Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko .. Wala na sya????
Lord??? Marami pong salamat..
Pagtayo ko ay bigla nalang akong nakarinig ng sigaw ..






ahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!! Napatakbo nalang ako papunta kung saan nang gagaling yung sigaw ...
Pag punta ko .. Si myles agad ang naabutan kong umiiyak at nanginginig sa takot habang yakap sya ni tintin ... Napapalibutan naman sya ng iba naming mga kasamahan ..






Akala ko nung una'y ako lang yung pinapakitaan ng white lady ayun pala .. Pati rin si myles .. Nagpakita din sa kanya yung babae ..
Kaya kinabukasan muli kaming bumalik sa horror house .. Nag tirik kami ng kandila at nag alay ng dasal .. Ang sabi nga nila Baka daw na gambala namin sya ..
Matapos nga naming mag alay ng dasal nag silabasan muna kami at nung bumalik kami lumipat na yung kandila sa ibang parte ng bahay ..
Nakaramdam kaming lahat ng takot sa pangyayaring yun .. Kaya simula noon hanggang ngayon pag naaalala ko yung mga pangyayaring yon .. Nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan .. Minsan nga iniisip ko baka andyan pag nagtatayuan ang mga balahibo ko baka andyan sya sa tabi ko ..









At kung tumayo man yung balahibo mo nang mabasa mo ito .. Mag tago kana .. Baka andyan na sya

Ang Mga Kwento Ng Kababalaghan (True Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon