Bata

635 2 0
                                    

Naranasan nyo nabang makakita ng hindi nakikita ng iba??? Oh??? Baka naman nakakakita kayo ng mga hindi nakikita ng mga ordinaryong mga mata???






Nang yari itong pangyayaring ito noong nakaraang taon lang .. Mga buwan yata ng april or may ..
Hindi ko lang matandaan kung anong buwan..






Maaga akong nagising noon .. Mga alas tress palang ng madaling araw ... Maaga akong gumising noon para sumama sa biyahe ni papa .. Isang jeepney driver lang kasi ang aking ama .. Dala ng hirap ng buhay minsan sumasama ako sa biyahe tuwing walang panggastos sa bahay..
Tuwing makadalawang biyahe na si papa kinukuha ko na yung pera para iuwi sa bahay upang may panggastos na kami ..
Minsan dalawang daan yung nauuwi ko minsan tatlong daan kung swerte minsan limang daan







Minsan alasais ng umaga .. Pauwi nako galing sa biyahe .. Cubao - vito cruz kasi ang ruta ng biyahe ni papa .. Pag dating kong cubao sumakay ako ng jeep pa fairview ..
Nasa harapan ako ng jeep nakaupo .. Sa front seat katabi si manong driver at sa kanan ko naman isang babae na kolehiyala ..
Diko nga maiwasang hindi mapatingin sa dalaga ... Napakaganda nya kasi .. Tisay makinis, sexy at matangkad
Naging biyaheng langit tuloy yung biyahe ko .. Hehe






Pag daan namin sa isang kalsada . huwag na natin banggitin kung saang lugar yon
Himbis na nakawnakawan ng tingin yung dalaga .. Tumingin nalang ako sa mga nadadaanan ng jeep na sinasakyan ko .. Mahirap na .. Baka mamaya isipin pa ng dalagang katabi ko na manyakis ako .. Napakahirap na talaga ..
Sa pag titingin tingin ko sa bawat daanan nadadaanan ko .. May tumawid bigla na isang bata ..
nang tumawid sya nakaharap sya saamin at walang emosyon ang mga mukha ... Isang batang lalaki na mukhang 9 to 10 years old .. Tisoy saka may itsura yung bata .. Naka - jersey short sya saka white t'shirt ... Tumawid sya ng napakaalanganin .. Napahawak nga ko sa hita ko dahil sa sobrang pagkabigla .. Kitang kita ko muntik na syang masagasaan nang jeep na sinasakyan ko .. Mabuti na nga lang ay hindi sya naabot .. Kaya nakahinga naman na ko ng malalim ..
Kaso pag tawid ng bata bigla na itong nawala na parang bula..







Kinilibutan ako bigla .. Saka tumingin ako kay manong driver at sa katabi ko para silang walang nakitang dumaan ..
Manong???? Hindi nyo po ba nakita yung batang lalaki na dumaan???? Nagtatakang tanong ko ..
Huh??? Dumaan??? Wala ahh .. Sagot ng driver ..
Pero kuya??? Meron po talaga .. Muntikan nyo na nga po syang masagasaan.. Wika ko .. Natawa nalang yung driver saakin .. Napatingin naman ako sa katabi ko ..
Miss??? May nakita kang batang tumawid diba??? Meron diba??? .. Bigla akong tinitigan ng babae .. Isang titig ng pagtataka .. Kuya?? Wala pong tumawid .. Baka namamalik mata ka lang ..
Kumain kanaba boy??? Nakatulog kaba ng maayos?? Baka nag hahalucinate kalang .. Wika ng driver ..





Nanahimik nalang ako at hindi kumibo .. Mukhang napagkamalan pa akong baliw oh adik ..
Dun nadin ako napaisip .. Namalik mata lang ba talaga ako??? Oh?? Sadyang ako lang ang nakakita sa batang tumawid??

Ang Mga Kwento Ng Kababalaghan (True Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon