Comfort Room

1.3K 3 0
                                    


Ako nga pala si Janice, Hindi tunay na pangalan
Sa isang pribadong estabishemento nag tatrabaho bilang isang janitress dala ng hirap ng buhay sinubukan ko itong trabaho na ito. Dahil sa minimum naman ang sahod pabor na ito saaken .. Atleast kahit papaano makakatulong ako sa aking mga magulang
Sa cr ng babae at lalaki ako na assign sa ground floor at sa second floor




Nung mga naunang taon okay naman ang pag tatrabaho ko, masaya dahil dumami ang mga kaibigan, at nakakainis dahil minsan Hindi maiiwasang may mga taong balahura gumamit ng cr.
Yun bang may basurahan naman pero yung mga tissue at mga napkin bang Ginamit nila kung Saan saan lang iniiwan.. At sa lalaki naman kalat lakat yung ihi, diko alam kung Hindi ba shumushoot yung Ihi nila sa kubeta .. O.. Sadyang kinakalat nila yung mga ihi nila ..
Kadalasan ng mga gumagawa nyan mga ganyang kababuyan yun pang may mga mataas na pinag aralan ..
Porket may taga linis .. Dapat ng mag kalat????
Pero sa ilang taong pag tatrabaho nasanay nadin ako sa ganyang paulit ulit na Gawain ..
Pero nabago ang lahat ng isang araw ..




Hayyyy ... Nakakaboring naman .. Makapag sound trip nga muna habang nag mamop .. Sinimulan Kong mag linis sa loob hanggang sa labas .. Pasadong mag aalasais na .. Kanina pa nag uwian ang mga nag oopisina .. Mga ilan ilan nalang ang tao..






Pinunasan ko ang salamin sa cr .. Maya Maya .. May lumapit saking babae .. Habang nakatingin sa salamin .. Inaayos nya ang kanyang mukha .. Nag pulbos, nag lagay ng make up at nang kung ano ano pa .. Miss?? Buti Hindi ka natatakot dito sa cr .. Mag isa ka nalang gabi na saka iilan na lang ang tao .. Wika ng babae




Nginitian ko naman sya at nag patuloy sa pag lilinis .. Hindi naman po ako natatakot .. Sanay na po ako dito sa cr ng second floor sagot ko sa babae ..
Ahhh . kung sa tutuusin .. Buti walang nag paparamdam sayo dito??? Yung dati kasing pinalitan mo dito .. Nakakaramdam daw sya ng kakaiba dito .. Madalas kasi sya saakin mag kwento na may nag paparamdam daw dito sa cr na to wika nung babae.. Saka nya ko tinitigan .. Sabay ngiti ..





Ngumisi lamang ako. Maam.. Nako.. Hindi po totoo yan mga katamisip lamang po iyan .. Ilang taon napo ako dito mag tatatlo na po .. Pero wala po akong nararamdamang kakaiba .. Wika ko sa babae
Nginitian nya naman ako, oh? Pano??? Mauna na ko .. Saka sya lumabas ng cr





Lakas trip?? Manakot ba naman??? Nag patuloy padin ako sa pag lilinis .. Pag katapos Kong mag linis ay bumaba nako ng ground floor para doon naman mag linis .. Binalewa ko nalamang yung mga sinabe nung babae baka nagbibiro lang












Kinabukasan ... Mga alas kwatro na ng hapon .. Linggo kaya walang gaanong tao ..
Pag pasok ko sa cr .. May naabutan akong babaeng nag huhugas ng kamay ..
Ughmm .. Tunog galing sa cubicle .. Kailangan pag dumumi umungol pa ng malakas lakas .. Mahinang wika ng babae .. Natawa naman ako sa sinabi ng babae .. Sya yung babaeng nakausap ko kagabe .. Siguro ang laki ng tubol nya .. Bulong sakin ng babae .. Natawa naman ako at nag umpisa na kaming mag kwentuhan






Habang nag kwekwentuhan napatingin ako sa lapag sakto sa cubicle na may dumudumi .. Nag reflect yung kulay ng damit ng nasa loob sa tiles na makintab .. Kulay black na bestida yung suot nya.. Maya Maya .. Narinig ko yung tunog ng tubig .. Dahil sa nag flash na yung tao sa loob ..






Palabas na sya .. Natatawang pabulong na wika nung babae .. Natawa naman ako .. Nag kekwentuhan kami sa loob ng cr ngunit lumipas na ang sampung minuto wala pading lumalabas na tao .. Nakakapagtaka..





Tinignan ko yung tiles na harap ng cubicle .. Pero wala nng repleksyon ng paa at laylayan ng bistida .. Maam??? Napansin nyo bang lumabas na yung babae kanina??? Tanong ko sa babae ..




Hindi .. Kanina ko panga inaabangan gusto ko kasing makita itsura nya .. Bulong sakin nung babae ..
Pero maam?? Sure kang walang lumabas?? ee kasi mukhang walang tao.. Tiganan nyo ho .. Sabay turo sa tiles .. Walang replekson ng paa ng tao ..




Nakaramdam naman ako ng pananayo ang balahibo .. Parang lumakas lalo yung aircon???
Hala! Oo nga .. Bakit ganun?? Kung may lumabas na dapat makikita naten gun dahil dadaan sya sa pinto .. Wika ng babae..





Napagpasyahan ko naman itong buksan .. Ngunit nagulat ako sa nasilayan ko pag bukas ng cubicle .. Walang tao!
Pero??? Papaano??? Hindi namin sya nakitang lumabas .. At kung Hindi man naming napansing lumabas sa cubicle ... tutunog yung pinto pag binuksan nya yun palabas .. Pero wala kaming narinig ..





Nag katinginan naman kami nung babae saka tumakbo na palabas ng cr .. Sobrang natakot ako noong araw na yun.. Pero makalipas ng isang linggo .. Dedma nalang sakin yung cr .. Kinalimutan ko nalamang ang mga nangyari ... Pero akala ko tapos na ang lahat pero muli nanamang may nag paramdam saaken ..




Gabi na nung mga panahon na yun .. Nag lilinis ako sa loob ng cr ng lalaki ng makarinig ako ng hikbi sabay iyak na nang gagaling sa katabing cr .. Cr ng babae ... Dinedma ko nalamang ang narinig ko at nag patuloy sa paglilinis .. Hanggang sa na curious na ako .. Nag lakad ako papunta sa kabilang cr para makita kung sino yung babaeng umiiyak pag pasok ko ng cr wala namang tao .. Bukas lahat ng pinto ng cubicle ..
Bigla nalamang ako kinilabutan .. Lalabas na sana ako ng cr ng bigla nalamang nalock yung pinto ..
Kahit anong bukas koy ayaw bumukas ..




Maya Maya nakarinig nanaman ako ng hikbi .. Hindi na ako lumingon sa likoran ko't nag focus sa pinto
Ayaw padin bumukas .. Naiyak na ako sa takot at Hindi na ako makasigaw ... Dios ko po .. Tulungan nyo po ako napasabi ko nalang sa isip ko




Laking pasasalamat ko nalamang ng biglang bumukas ang pinto at pumasok yung kaibigan Kong lady guard..
Oh??! Anong nang yari sayo ???? Nag papanic nyang sabi .. Hindi nako nakapag salita pa .. Niyakap ko nalamang sya at umiyak ..




Simula ng nang yari ang pangyayaring yon .. Kinabukasan nag resign nako sa trabaho at Hindi na muli pang bumalik dahil sa takot
















Ang Mga Kwento Ng Kababalaghan (True Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon