Puno ng mangga

428 0 0
                                    

  Hi! Ako nga po pala si camille, Bakasyon ito noong naganap ito.. Umuwi kasi ako noon sa probinsya sa dahil bumisita kami sa bahay ng nanay ng mommy ko,
Kasama ko lang noon ay ang dalawang kuya ko. Si kuya cedrick at kuya criztophere ... Hindi sumama noon si mommy at si daddy naman ay sinamahan lamang kaming mag punta doon at umuwi rin agad . busy kasi sila sa trabaho ..




Pag uwi namen sinalubong agad kami ni nanay tess, nanay kasi ang nakasanayan kong tawag kay lola at tatay naman kay lolo .. Patay na noon si lolo .. Ang tanging kasama nalang ni nanay noon sa bahay ay si tito enrique .. Wala pa syang asawa noon..




Pag uwi ko nakasanayan ko nang tumambay sa malaking alagang punong mangga ni tatay.. Nakatanim kasi ito sa harap ng bahay ..  Kasagsagang mag aalasais na noon ng tumambay ako duon may upuan kasing ginawa doon sila tatay dati .. Kausap ko noon sa phone ang bf ko at kasagsagang nagtatawanan kami at nag aasaran.. ee ikaw nga amoy tabako! Haha .. Nag taka ako non bigla dahil nakaamoy din ako ng tabako .. Yun bang parang may naninigarilyo.. Huy hon! Paano mo nalaman na amoy tabako ako haha.. Nangangamoy tabako kasi dito wika ko sa boyfriend ko sabay tawa..




Ewan ko nga ee .. Naamoy ko lang .. Pero wala naman akong kasamang nag tatabako hahaha .. Nasa may kwarto na kaya ako ng mag isa .. Napaisip din ako .. Wala naman akong kasama dito sa labas pero bakit amoy tabako??? Nag tingin tingin ako sa palagid ngunit wala naman akong nakita,




Maya maya ay tinawag nako ni nanay .. Dahil mag hahapunan na raw .. Iba talaga rito sa probinsya .. 7palang ng gabi hapunan na agad.. Habang kumakaen ee biglang nag salita si tito criz? Cedrick? At lalo kana camille .. Maganda ka pa namang bata ka.. Ay panget pala sabay nag tawanan sila .. Napabusangot naman tuloy ako .. Joke lang, kayo?? Huwag na kayong masyadong tumambay dyan sa may puno gawi maliwanag?? Wika ni tito .. Oo nga lalo kana camille, wika naman ni nanay..
Nung nag tanong naman kami ng bakit .. Hindi na kami sinagot nila nanay.. Pagkatapos namin mag hapunan nag pahinga lang kami ng kalahating oras saka natulog,




.. Sa kasarapan ng tulog, nagising ako dahil sa naiihi ako .. Bago ako tumayo tinignan ko muna ang oras .. 3:31 am .. Tumungo ako ng cr at umihi .. Habang umiihi nakaamoy nanaman ako ng amoy tabako.. Medjo nag tayuan nga ang balahibo ko nun .. Kaya nag madali akong umihi .. Matapos kong umihi napatingin ako sa may pader ng cr .. Alam nyo naman siguro pag cr diba? Yung may haloblocks na may design na butas butas yung inilalagay nila sa pader ng cr hindi ba ... Gets?? Napatingin ako duon .. At nagulat ako dahil may mga matang kulay pula ang nakita ko doong nakasilip .. Napasigaw ako noon sa takot at napakaripas ng takbo..




Nagising naman sila kuya at tito, naikwento ko sa kanila ang mga nakita ko .. Sinabihan naman ako ni tito na huwag matakot .. Mag dasal nalang daw muna ako bago tulog ulit..
Kinabukasan .. Hindi na ako makatayo dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko ... Tuwing umaga sinat sinat lang pero pag pagabi na ay tumataas ang lagnat ko..
Nung tumagal ito ng dalawang araw .. Nag pasya na si nanay na dalhin na ako sa kapit bahay nilang albularyo..



Alam nyo naman na siguro ang ginagawa ng albularyo.. Yung nag sisindi ng kandila tapos ipinapapapatak sa maliit na batya na may tubig? Matapos noon ay doon namin nalaman sa albularyo na napusuan ako ng isang kapre na nakatira isang malaking puno saamin
May inuutos sa mga kapatid ko noon ang albularyo.. Hindi ko nayun pa pinakinggan dahil nga sa sobrang sama ng pakiramdam ko ... Pero kinabukasan nawala na yung lagnat ko,



Nag stay pa kami doon ng 1 1/2 week .. At kinalimutan ko nalang yung nangyare .. Pero kahit isang beses hindi na ako lumapit pa sa punong yun... Hindi nadin namn aakin nag pakita ang kapreng yun .. Ni amoy tabako hindi na ako nakaaamoy pag nagbabakasyon kami roon

Ang Mga Kwento Ng Kababalaghan (True Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon