TRiP

99 0 0
                                    

Trip???? Masaya kung ikaw ang gagawa. Nakakabadtrip o nakakainis kung sayo gagawin.




Pero, tanong? How would you feel??? if mapagtripan ka ng mga nilalang na hindi naman nakikita ng mga ordinaryong mata.




Naganap ito sa trabaho ko minsan. Pero question?? Gaano kadalas ang minsan???? Twice a week???



Siguro hindi na kayo bago sa ganitong eksena. Yun bang may mga bagay na nawawala lalo na pag kailangan mo. Minsan nga nakakainis na.




Nung una akala ko nag uulyanin lang ako.
Kase nga may gamit ako na ipapatong sa isang lugar tapos diko na mahahanap. Lalabas nalamang iyong gamit na iyon kapag hindi na hinahanap at hindi na kinakailangan.




Hanggang sa pati na din mga kitchen staff madalas mag ulyanin kuno. Nahawa ba saakin??? Nag tatrabaho kase ako sa isang resto.




Hanggang sa isang araw. Nag karoon kame ng bagong katrabaho. Nag apply syang dish washer. Nung una medjo tahimik sya pero makalipas lang ng ilang araw lumabas din ang pagiging kalog nya. One time nag kabiruan kame tungkol sa multo. At sa di inaasahang pag kakataon nag sabe sya na may third eye sya.




Naikwento nya din sa amin na may makulit daw kaming batang lalaki na kasama sa resto. Mas madalas daw yung tumambay sa kitchen. At madalas daw mag laro. Hobby nung makulit na bata yung manguha at mag ta-tatago ng mga bagay bagay.





Minsan nga may pang yayaring hinahanap ng cook namin yung mga ginayat na luya at sibuyas na ipinatong nya daw sa lamesa gawi sa lababo. May order noon na pinapa-rush. Hinalughok nga namin halos lahat ng sulok ng kusina. Pero wala talaga.
So no choice. Gayat uli. Mabuti ngat may malapit na palengke saamin. Naubusan na kase kami noon ng stock na sibuyas. At ayun! After maluto ang order, at makalipas ng kalahating oras. Huala! Ayun lumabas ang hinahanap na sibuyas at luya. Nakapatong sa lamesa katabi ng lababo.




Pasensya na kung hindi scary yung shinare ko. Hihi Ang creepy lang kase. Saka minsan may naririnig din kaming mahinang halakhak ng isang batang lalaki sa kitchen.

#Lulu

Ang Mga Kwento Ng Kababalaghan (True Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon