Condo unit

322 0 0
                                    

Ang kwentong ito ay ibinahagi saakin ng isang kaibigan... Itago nalang natin sya sa pangalang Efren, isa syang security guard sa isang condo unit ... Na-assign syang robing ..





Habang nakaduty... Isang gabi , Habang nag checheck bawat palapag ng mga tower. Napansin kong may bukas na pinto sa isang bakanteng condo unit .. Kaya napa isip ako kung bakit bukas yon.. Kaya niradyo ko ito .. Saka pumasok para icheck yung loob .. Bukas yung mga ilaw.. Medjo nakaramdam ako noon ng takot pero hinayaan ko nalang .. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng condo pero dun wala ng ilaw kaya nag bukas na ako ng flashlight..
Maya maya nakarinig ako ng halakhak ng isang bata kaya hinanap ko kung saan ito nag mumula.
Pag ilaw ko sa may hagdanan nahagip ng ilaw ng flashlight ang isang batang mukhang mga nasa limang taong gulang isang batang lalaki .. Tumakbo ito pababa kaya napasigaw ako ng huyy!! Bata anong ginagawa mo rito!!! Tumakbo narin ako pababa .. Ngunit hindi ko na ito nahabol ...



Sumunod na gabi .. Nag lalakad ako papalapit sa condo ng makita ko nanamang bukas ang pinto ng bakanteng condo at namamatay patay sindi yung mga ilaw ... Muli ko ulit itong sinilip at hindi nga ako nag kamali .. Yung batang makulit nanaman ang nag lalaro ng ilaw sa loob ng unit .. Kaya hinabol ko ulit to para mahuli at maireport kung kaninong anak yung batang makulit .. Kuya??? Habulin mo ako!!! Sigaw nung bata
Nang macocorner ko na yung bata sa pader .. Laking takot ko nalang ng makita ko ng dalawa kong mga mata na tumagos ito sa pader .. Kaya napatakbo nalang ako palabas ng unit na yun..





Simula ng gabing iyon .. Nakipag palit nalang ako ng pwesto sa kasamahan kong naka-assign sa lobby ng tower na yun.
Napag alaman ko rin na yung dating nakatira sa condo unit na yun ay may anak na namatay dahil sa sakit na cancer

Ang Mga Kwento Ng Kababalaghan (True Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon