Security Guard

268 0 0
                                    

Ang kwentong ito ay ibinahagi saakin ni .. Hmmm itago nalang natin sya sa pangalang tonio,






Ito ay naganap noong may 25? or may 26? ng taong 2015, sa quezon city

Ako yung tipo ng tao na hindi naniniwala sa multo .. Dahil kung ako ang tatanungin.. Naniniwala ako sa mga sabi sabi nilang matakot kana sa buhay huwag lang sa patay,
Ni hindi nga ako naniniwala sa mga kaibigan kong nakakita na sila ng multo..
Hanggang sa isang pangyayaring nGanap na naging dahilan ng pag babago ng paniniwala ko ..






Isa akong delivery boy ng isang fast food chain ... Umaga noon, mga pasadong alas nuebe na yata ng umaga nang mag punta ako sa isang mataas na gusali .. Puro mga condo unit . tawagin nalang natin iyong hefreious towers,
Pag dating ko doon ay nag punta ako sa may receptionist ng lobby para mag log..
Medjo mahirap nga lang gumamit ng elevator doon dahil sa kahit may 2 elevator sa kaliwa at may 3 elevator sa kanan .. Hindi ka makakaakyat basta basta dahil kailangan mo pang mag pa swipe ng card sa mga guard,
mga unit oners lamang ang may mga card


at pag pababa naman? Sa gitnang elevator sa kanan kalang pwedeng sumakay pababa (service elevator) dahil doon kalang pwedeng gumamit ng elevator pababa .. Kaso #1 lang ang gumagana .. At hindi na gumagana ang ibang number para sa bawat floor.. Gets nyo?







Habang hinihintay bumaba ang service elevator .. May lumapit saaking guard .. Matangkad sya at malaki ang katawan, at may pag kamaitim ..
Sir??? Saan ka po???? Tanong saakin ng guard
Ahhh .. Sa 16th floor po tower B unit *toot* sagot kong nakangiti sa guard .. Ngumiti den sya saakin .. Okay, hintay hintay nalang ho sa service pababa na po .. Wika nung guard .. Sabay nag labas ng card
Pagkababa ng service elevator .. Pumasok agad yung guard at sumenyas den agad sya na pumasok na rin ako .. Pag pasok ko sa bandang kaliwa sa sulok ako sumandal sa mantalang sa kanan sya gawi doon sa pindutan . sya na yung nag swipe saakin papuntang 16th floor. Biglang may dumating na guard at nag tanong saakin.
Sir?? Saan po kayo?? 16th??? Sabay biglang labas ng card at tingin sa may pindutan ng elevator .. May ilaw na yung number 16th oh??? May nag swipe na pala . wika nung guard ..
Ngumiti nalang ako .. Swinipe nya na po .. Sabay turo sa guard na kasama ko .. Saka ko tinignan yung pangalan ng guard na nakalagay sa uniform nya .. Men....do.....za..






Sabay tumingin naman ulit ako sa isang guard na parang nag tataka .. Ngumiti nalang sya saka tumingin sa kasama kong guard .. Sabay umalis .. Santino naman yung pangalan nun nabasa ko rin sa uniform nya
Pag dating ko sa 16th floor na ideliver ko na yung inorder nila .. At nag sabi nadin sila na mamayang 7pm ..mag papadeliver ulit sila ..
Pag alis ko ay sumakay ako ng elevator pababa ng nakangiti dahil nabigyan ako ng 100 pesos na tip
Pag log out ko sa report book dun sa lobby .. Hindi ko maiwasang mailang dahil yung dalawang guard don ay ang ewan ng tingin saakin ganun nadin yung dalawang babae na kanina pa nag kekwentuhan dun sa lobby ..






Pag balik ko kinabukasan .. Ganung oras padin, hindi na kasi ako ang nag deliver ng order nila nung gabi
Pag dating ko palang dun ay parang mga ewan lang talaga yung dalawang guard tumingin saakin ganun din yung isang babae na nakita kong may kakwentuhan nung nag deliver ako
Pag katapos kong mag deliver .. Pag kababa ko habang nag lolog out .. Hindi ko maiwasang mag tanong dahil sa mga tinginan nilang tatlo, sir?? Bakit po kayo ganyan makatingin??? Diretchong tanong ko .. Ngumiti lang yung dalawa .. Bigla nalang lumapit yung babae na nakaupo saakin .. Kuya??? Okay kalang po ba kahapon ng umaga??? Parang ewan po kasi kayo noon, saka sino po yung kausap nyo nung araw na yun??? Diretchong tanong nung babae,
Nag taka nalang ako sa tanong nung babae .. Kaya napakamot nalang ako sa ulo .. Maam?? Hindi nyo po nakita yung guard na kausap ko nun??? Nakita nya pa nga yun ee sabay turo ko sa isang guard na nag ngangalang santino .. Sya yung nag swipe saakin ng card non, pahabol ko,
Napakamot naman sa ulo yung guard .. Yun nga po sir ee .. Yun yung pinag tataka ko nung araw na yun.. Kung sinong nag swipe sa inyo .. Kasi wala naman kayong kasama nung araw na yon sa loob ng elevator .. Wika nung guard ..
Nakipagtalo naman ako sa kanila .. Pakiramdam ko kadi inaaning nila ako at iniisip na nababaliw na ako ..
Hindi nga po sir ee .. Wala po talaga ee , wait lang po ipapakuha ko lang yung videong kuha sa CCTV camera nung umagang yon..






Bulag ba kaba?? O, sige! Kunin nyo't iplay nyo yung video si mendoza pa nga yung nag swipe saakin nun .. Yung kasamahan nyong guard..
Bigla na lamang namutla yung dalawang guard at yung isang babae .. Para silang nabigla ng husto sa sinabi ko ..
Pagka panood namin ng kuha ng CCTV footage .. Namutla nalang ako sa napanood ko .. At nag tayuan ang mga balahibo ko .. Dahil kitang kita sa CCTV footage na ako lang ang mag isang tao sa elevator at nag sasalita akong mag isa ..
Hindi ko maiwasang matakot .. Ganun nadin yung dalawang guard at yung babae .. Dahil yung mendozang guard na nakausap ko ay kamamatay lang pala nung alas dos ng madaling araw nung may 18 2015 ..
Nalaglag daw sa 16th floor .. At durog nadaw yung bungo ng bumagsak sa baba..


Nahulog daw kasi yun mula sa loob ng condo unit sa bintana .. Sa 16th floor .. Dumaan daw kasi yun sa bintana dahil nahuli daw na nag nanakaw.. Yun ang nireport ng ibang mga guard nung mY dumating na soco ..
Pero ang sabi naman ng iba .. Hindi daw yun nahulog, hinulog daw yun .. Dahil baka kabet daw yung ng babaeng unit oner .. Dahil nung nahulog daw yun ay naka boxer short lang

Pero, wala nakong pake kung ano man talaga ang nangyari don .. Dahil simula ng maranasan ko yun ay hindi nako bumalik pa don sa tower na yun



Ang Mga Kwento Ng Kababalaghan (True Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon