"MOMMY," mahinang tawag ng isang limang taong gulang na batang babae, habang pilit na ngumingiti sa luhaang ina.
"B-baby, may masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin?" sunod-sunod na tanong niya sa anak nang makitang gising na ito at nakangiti sa kanya, sa kabila ng mga aparatong nakakabit sa mahinang katawan nito.
"I'm ok Mommy, gusto ko na po umuwi. Namimiss ko na po si Potchi. Wala po siyang kalaro, sigurado na malungkot po 'yun" tukoy nito sa alagang rabbit.
Pansamantala siyang natigilan sa narinig at pilit na ngumiti sa anak saka hinaplos ito sa mukha, at muli'y hindi napigilang tumulo ang kanyang luha.
"Mommy, bakit po kayo umiiyak? magaling naman na po ako di ba?"
Kung hindi mo alam ang totoong kalagayan nito ay aakalain mong wala itong mabigat na dinaramdam.
Isang taon palang si Jae Rein Phillip, nang matuklasan niyang may butas ang puso nito ayon sa doctor na tumingin dito matapos itong himatayin sa mismong kaarawan.
Hindi niya inaasahan na sa murang edad nito ay makakaranas ito ng ganoong karamdaman. Sa nakalipas na taon ay maayos naman ito at hindi na muling sinumpong kaya naman hindi mo rin ito kakikitaan ng senyales na may sakit ito sa puso.
Jae is a smart, cute and adorable daughter. Sa edad nitong limang taon ay malalim na ito mag-isip kaya naman marami ang naaaliw dito sa eskwelahan man o sa kanilang lugar.
Pero nitong nakalipas na buwan ay basta nalang itong natumba habang nakikipaglaro sa mga kaklase kaya naman agad na isinugod sa isang pinakamalapit na hospital at gayon na lang ang pagkadurog ng kanyang puso ng malamang lumaki na pala ang butas ng puso nito at kung hindi maagapan ay mas mahirap ng isalba.
Indeed, she needed money, para sa operasyon ng anak. Kaya lang kahit na ibenta pa niya ang maliit na lupain na naiwan ng kanyang ama ay hindi ito magkakasya, at kung sakaling may bumili niyon ay saan naman sila kukuha ng pang-araw-araw ng gastusin at gamot na pantustus nito dahil doon lang siya kumukuha ng kanilang pinanggastos sa araw-araw.
May sarili silang niyogan na ginagawang copras at tuba iyon lang ang tanging nagraraos sa kanilang mag-ina at sa ilan nilang kasambahay na hindi sila iniwan sa kabila ng maliit lamang ang kanyang pasahod dahil hindi rin naman ganoon kalakas ang kita ng kanyang niyogan.
Napahigit siya ng hininga na muling tingnan ang anak na ngayon ay payapa nang natutulog. The doctor gave her another 10days, para makapagdesisyon at maghanap ng perang pang-opera dito kung saka-sakali, dahil ayon na rin sa doctor ng anak, habang tumatagal ay nanghihina na ang puso ng bata dahil sa butas at kung sakaling operahan man ito ay wala pa ring kasiguraduhan sa magiging resulta nito.
"Mare, Bakit hindi mo subukang kausapin ang asawa mo? Aba'y anim na taon na ang nakalipas buhat ng ikasal kayo, ni anino niya hindi man lang nagpakita, ni hindi man lang niya naisip kung nabuntis ka bago ka niya iniwan." narinig niyang turan ng kaibigan at kumareng si Sonia.
"Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon." mahina niyang tugon kasabay ng pagpiyok habang nakatitig lang sa anak na halata na ang pagpayat nito.
BINABASA MO ANG
HUSBAND FOR REAL by BreilJaelvic
HumorBook 3 of rogue society by @breiljaelvic published under LSP