Chapter Thirteen

4.2K 80 12
                                    

  visit Breiljaelvic account for a completed story.....

.............

MELIZ woke up with a splitting headeache, marahan niyang pinagala ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan. The ceiling and wall is all white, even the window curtain is white with a pale blue linings.

Ilang beses niyang kinurap-kurap ang mga mata sa pag-aakalang namamalik-mata lamang siya. Subalit ganoon pa rin ang nakita niya kaya wala sa sariling napahawak siya sa ulo para lamang muling matigilan dahil may benda iyon.

"Thank God, you're awake. How's your head sweetheart, does it hurt? " Meliz, turn her head to the other direction as she hear the soothing voice of man beside her na mababanaag sa mukha nito ang sobrang pag-aalala at pagmamahal.

Muli siyang napakunot ng noo nang hindi niya ito matandaan o makilala man lang at ang ipinagtataka pa niya ay kung bakit tinatawag siyang sweetheart? Kapatid niya ito o kaya naman ay asawa? Dahil sa naisip ay napatingin siya sa sariling mga kamay at doon niya napagtanto na may asawa na pala siya ayon sa singsing na nakasuot sa kanyang daliri kaya muli niyang nilingon ang lalaking nasa tabi na nakatitig sa kanya habang hawak ang isa niyang kamay na hinahaplos at hinahalik-halikan.
"I love you, sweetheart." anito habang hinaplos naman ang kanyang pisngi. Subalit wala ni ano man siyang sinabi na nakatitig lang siya dito at pilit niyang pinag-aaralan at inaalala kung sino nga ba ito. "Sweetheart, may masakit ba sa'yo? Wait tatawagin ko lang ang doctor." narinig niyang saad ng lalaki na halata sa boses ang pag-aalala saka ito pansamantalang tumayo sa kanyang uluhan at may pinindot na kung ano doon marahil ay ang buzzer na konektado sa nurse station. Nakasunod lang ang tingin niya sa bawat kilos ng lalaki kaya hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto ng silid at iluwa noon ang isang bata at dalawang may edad na halatang mag-asawa kung titingnan base sa pagkakaakbay ng lalaki sa babae habang hawak nito sa kamay ang isang batang babae na sa tantya niya ay limang taon pa lang.

"M-Mommy? Mommy, gising ka na? I miss you, mommy. I love you." masigla nitong saad na agad bumitaw sa matandang babae at mabilis na yumakap sa kanya na mas ipinagtaka niya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang yakapin din ito o hindi. Mas pinili niya ang huli na siyang ipinagtaka ng mga naroon. Nagkatingin ang mag-asawa saka siya muling tiningnan bago napabuntonghiningang lumapit sa kanya.

Mommy? May anak na ba siya? Bakit hindi niya matandaan? Sino ba ang mga ito.... S-sino nga ba ako? mga katanungan sa kanyang isipan na hindi niya mabigyang kasagutan.
"Meliz, iha kamusta ang pakiramdam mo?" narinig niyang tanong ng ginang sa kanya nang makalapit na ito at hawakan siya sa kamay na bahagya pa nitong pinisil bago siya hinalikan sa pisngi samantalang nginitian naman s'ya ng asawa nitong lalaki.
Mataman lang siyang nakatingin sa mga ito na hindi maipagkakamali ang pag-aalala sa mga mukha nila na siya niyang lubhang ipinagtataka. Akma niyang iibubuka ang mga labi para sana magasalita nang muling bumukas ang pinto at iluwa noon ang isang babaeng nakauniporme na sa tingin niya ay isang nurse at kasunod ang isang may edad na lalaki na nakasuot din ng puting uniporme at may hawak na clipboard habang nakasabit sa leeg nito ang isang stethoscope, hindi maipagkakamaling ito na ang doktor na tinawag ng lalaki kanina.

"Hello everybody. So, how's my patient? nakangiting tanong ng doktor sa kanya matapos nitong batiin ang mga naroon sa silid. Napakunot lang ng noo si Meliz dahil hindi niya alam kung ano ang dapat isagot. Hindi niya alam kung bakit s'ya naroon, hindi niya maalala kung paano siya naaksidente.

"Doc, what's happening to my wife? Bakit hindi siya nagsasalita at bakit parang hindi niya kami nakikilala?" 

Wife?' asawa ko ba talaga siya? napalingon si Meliz sa lalaking nagsasabing asawa siya kaya nagtama ang kanilang paningin na nagdulot sa kanya ng kakaibang pintig pero hindi pa rin niya maapuhap sa kanyang isipan kung sino ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HUSBAND FOR REAL by BreilJaelvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon