Chapter 2

3.3K 69 1
                                    

"WHAT happen?" salubong ni Mrs. Phillip ng makitang inaalalayan ng katulong si Meliz papasok sa sala kung saan ito nakaupo at naghihintay.

"Eh, Mam bigla nalang po siya nanghina akala ko nga po hihimatayin."

"Ikuha mo siya ng maligamgam na tubig, bilis!"

"Miss, are you ok?" baling nito sa kanya nang maka-alis na ang katulong.

"S-sorry po Ma'am. Pa-pagod lang po siguro sa byahe." nahihiyang tugon niya habang nakayuko.

"Ang mabuti pa magpahinga ka muna, saglit at ipaghahanda kita ng guest room." sabi nito saka tumawag ng katulong pero pinigilan naman niya.

"H-huwag na po, hindi naman po ako magtatagal eh, kailangan ko din po kasi bumalik sa Iloilo mamayang gabi."

Tila hindi naman siya pinansin ng ginang sa halip ay nag-utos pa rin itong ayusin ang isang silid na agad namang sinunod ng katulong matapos na maibigay ang tubig.

"Mabuti pa uminom ka muna para makabawi ka ng lakas, later samahan mo akong magmeryenda." nakangiting turan nito sa kanya.

Kimi siyang ngumiti dito saka marahang inilibot ang paningin sa loob ng kabahayan. Halata na mamahalin ang lahat ng nakadisplay doon. Kahit saang anggulo tingnan hindi naipagkakamali na ubod ng yaman ang nakatira doon.

"Nasabi ng guard na hinahanap mo daw ang anak ko, magkakilala ba kayo?" pagkuway tanong nito sa kanya.

Napayuko naman siya, hindi niya alam kung paano magsisimula. Ito kaya ang tinatawag na Mrs. Phillip ng katulong kanina? Siguro kasi wala namang ibang sumalubong sa kanya. kung ganun walang ibang asawa si James? Pero teka bakit tila wala yatang alam ang pamilya niya? nanlulumong napatingin siya sa ginang na naghihintay ng kasagutan niya.

"Ma'am, Ako po si Meliz Belonio Phillip, asa-"

"Mommy, may bisita daw tayo?" narinig niyang tanong ng isang lalaki na nasa edad singkwenta mahigit, marahil ay ito ang asawa ng ginang na nag-asikaso sa kanya, ang magulang ni James?

"Dad, come over here!" sagot ng ginang na sinalubong ang asawa na agad namang umakbay dito halata sa mga ito na kahit may edad na ay mahal pa rin ang isa't-isa.

Tatayo sana siya bilang paggalang pero sinenyasan siya nito na huwag na kaya naman nanatili nalang siyang naka upo saka bumati dito.

"Ano nga ulit pangalan mo iha? Ako pala si Jenny at Reid naman ang asawa ko. Call us tito amd tita if you want." nakangiting pakilala nito.
Halatang mabait ang mag-asawa, obvious din na mahal na mahal nito ang isa't-isa dahil sa bawat tinginan ng mga ito ay may kislap ang mga mata at puno ng pagmamahal.

"Meliz po," tipid na sagot niya. Para siyang naurungan ng dila dahil hindi niya alam kung paano magsisimula.
Paniwalaan naman kaya siya sa sasabihin niya o baka pagtabuyan lang siya?

"Iha, you're looking for Jden, right? I mean si James, Magkaibigan ba kayo?"

"Ma'am, Sir! Ang totoo po niyan hindi ko alam kung maniniwala po kayo o hindi, pero may dala po akong katibayan. Wala naman po ako planong guluhin kayo o ang buhay ni James, kailangan ko lang po kasi talaga ng tulong niya. after po nito hindi na ulit ako magpapakita." sabi niya na ikinalito ng mag-asawa dahil hindi nila maintindihan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

"Wait, iha? dahan-dahan okay, pwede mo ba ipaliwanag ng mabuti at bakit ka naman namin ipagtatabuyan?" ani Mr. Phillip.
Sa halip na sumagot ay bumuntonghininga muna siya bago binuksan ang bag na dala at kinuha doon ang isang folder saka inabot sa mag-asawa na atubili namang inabot.

"My God," bulalas ng ginang nang mabasa nito ang nakasaad doon.
"I-is it true?"

"P-patawad po, wala naman po ako planong guluhin ang buhay niyo o ang kay James, k-kailangan ko lang po talaga ng tulong para sa operasyon ng anak namin."

"May a-apo kami?" hindi makapaniwalang tanong ng ginang. "Bakit ngayon ka lang nagpakita sa loob ng anim na taon na ikinasal ka sa anak ko?"

"P-pasensya ho talaga, gaya nga po ng sinabi ko wala ako planong manggulo at saka simula ng iwan kami ng anak niyo, sinumpa kong hindi ako lalapit sa kanya. P-pero wala po ako ibang malapitan ngayon, nangangailangan ng operasyon ang anak ko, M-may sakit po kasi siya sa puso." hindi napigilang sabi niya na pinangiliran ng luha.

Napakuyom naman ng kamao ang ginoo habang pinag-aaralan ang marriage contract na pinakita sa kanilang mag-asawa. Hindi siya puwedeng magkamali original copy iyon dahil mayroong dry seal at naka notaryo ito. Medyo iba narin ang kulay at halatang nalipasan na ng taon ang papel niyon.

Nagkatinginan ang mag-asawa saka tumango si Reid sa asawang si Jenny, na ibig sabihin ay totoo ang dala niyang dokumento.

"Aalis na po ako, K-kung sakaling Du-dumating si James pakisabi nalang po na kailangan siya ni Jae Rein." sabi niya saka akma ng tatayo pero pinigilan siya ng mag-asawa.

"Iha, hindi ka namin pwedeng paalisin kailangan mong kausapin si Jden."

"Mam, Sir! Pasensya na po pero kailangan kong bumalik ng Iloilo, baka hanapin ako ng anak ko, kaibigan ko lang po na matalik ang nagbabantay sa kanya ngayon."
"How about your parents or any siblings?" usisa naman ng ginang sa kanya.

"M-matagal na pong patay ang Mommy ko bata palang po ako, si daddy naman po after ng kasal ko sa anak ninyo at nag-iisang anak lang po ako. Doon ko lang din nalaman na kaya pala niya ako pinagkasundo kay James, dahil mahina na rin ang kanyang puso, A-akala niya kasi matutulungan ako ng anak ninyo sakaling mawala na siya." pahayag niya na hindi maiwasang pangiliran ng luha ng maalala ang ama.

"I'm sorry, Iha, hindi ko sinasadyang ipaalala ang nakaraan."

"O-okay lang po Mam, pasensya na rin po kayo."

"Saang hospital naka-confine ang apo ko? Tatawagan ko para mailipat dito sa Maynila o di kaya ay pupuntahan nalang namin para personal na maasikaso at makausap ang doktor niya." saad naman Mr. Phillip na ikinatigagal ni Meliz.

"Iha, hindi ka namin pwedeng paalisin at lalong hindi namin pababayaan ang aming apo. Lalo na ngayon na alam naming asawa ka ng unica hijo namin. You didn't know how long we waited for this." Sang-ayon nito sa asawa.

"ANO?"

Sabay na napalingon ang tatlo ng marinig ang boses ng binata na kararating lang.

J-James?! mahinang usal sa isip ng dalaga na nakaramdam ng pangangatog ng buong kalamnan.
"Iho, why you didn't tell us nag-asawa ka na pala? At paano mo nagawang pabayaan sila?" may himig ng pagtatampo at panunumbat na tanong ng kanyang ina.

Tila naman itinulos sa pagkakaupo si Meliz, hindi niya magawang tumingin sa direksyon ng binata, dahil alam niyang sa kanya ito nakatitig.

"And where did you get that crap idea?" tanong niya na hindi tumitingin sa ina sa halip ay nakatitig lang sa kanya.

Napaangat ng tingin si Meliz dahil sa tanong ng binata kaya naman nagtama ang kanilang paningin.
"Tell me son, six years ago, nasaan ka?" tanong ng ama nito kaya naman naputol ang tagisan nila ng tinginan dahil nilingon nito ang ama saka sumagot.

"You know kasama ko ang tropa sa Iloilo for some training."
"Have you, by any chance meet a man named Mario Belonio?" muli nitong tanong na ipinagtaka ng dalaga kung paano nito nalaman ang pangalan ng kanyang ama, hanggang sa napansin niya na hawak parin pala nito ang mga document niya nandoon din kasi ang birth certificate niya marahil ay doon nito nakuha ang pangalan nito.
Sandaling nag-isip naman ang binata at pilit inaalala. "He's one of best instructor and I admire him of his philosophy. But, how does he fit into the scene?"

"Siya lang naman ang ama ng ASAWA mo at ang nakiusap sa yo para pakasalan ang anak niya dahil ang buong akala nito ay RESPONSABLE kang asawa. Don't tell me may iba pang James Reiden Phillip, na kapangalan mo at pareho mo ng pirma." saad nito saka hinagis sa harap niya ang ilang document na agad niyang dinampot at binasa.

"Damn, it's forgery!" sabi niya na masama ang tinging ipinukol kay Meliz.

"Really? How about this?" sabi ulit ng ama niya na inabot ang ilang picture ng kasal nila. "So, pati ba ang picture ay forgery din?" ma-awtoridad na tanong ng kanyang ama kaya naman para siyang nabuhusan ng nagyeyelong tubig dahil pakiramdam niya nanlalamig ang buo niyang pagkatao at isang masamang tingin ang pinukol niya sa gawi ng nagpakilalang asawa niya.
Damn, how did this happen? Swear to God, he never marry that girl. At mas lalong hindi pa niya ito nakita sa tanang buhay niya.

"S-sir, K-kung ayaw niya aminin ang totoo o-okay lang po iyun, gaya nga po ng sabi ko wala naman po ako planong manggulo, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, Aalis nalang po ako." saad niya na agad tumayo para lang muling mapaupo dahil pinigil siya sa braso ni Jden.

"No, you're not going anywhere! Marami tayong dapat pag-usapan." malamig na turan nito. Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa siya pinaglamayan dahil sa klase ng paningin nito na parang kakain ng tao. "Such bravado, bagay ka mag-artista." mahinang dugtong nito na sadyang sa kaya lang pinadinig.
Hindi naman nagpatalo si Meliz dahil nakipagtitigan din siya dito na bakas ang galit at pride.

Where did I met her? bakit di ko maalala? Damn, sa isip niya habang pinag-aaralan ang mukha ng dalaga. Sigurado naman siya na kung sakaling nakita o nakilala niya ito ay hindi niya ito makakalimutan dahil sa kakaibang ganda nito. Hugis puso na mukha, mahabang pilikmata, katamtamang tangos ng ilong at ang labi niyang manipis na tila kay sarap halikan. damn, hindi ito ang oras para magpantasya. Kailangan niya ng tulong ng kaibigang si DM, Shit! nasa Macau nga pala ito para sa motorcross.
"Jden, ikaw na ang maghanda ng chopper, pupunta tayo ngayon din sa Iloilo, para personal na asikasuhin ang paglipat ng hospital ng apo namin." anang ama niya kaya naputol ang paglakbay ng isip niya.

"What? A-apo? So, hindi lang asawa meron ako, pati pala anak." pagak na natawa niyang tanong ng makabawi at maintindihan ang sinabi ng ama.

"We'll talk later. Marami kang dapat na sabihin at kung ako sa yo magpraktis ka na ng mga kasinungalingan mo, siguraduhin mo lang na hindi kita mahuhuli." may pagbabantang sabi niya kay Meliz, bago humalik sa ina saka nagpaalam na itsetsek ang chopper, para makaalis sila.

Napataas lang ang kilay niya na sinalubong ang tingin ni Jden, kahit na tila nangangatog ang kanyang tuhod ay hindi niya ipinahalata.

Bakit ganito ang nararadaman niya? Kakaibang takot. Hindi ganito ang naramdaman niya ng una niya itong makita sa hospital at sa mismong araw ng kasal nila.

He change alot, or iba nga bang James ang napakasalan niya?
No imposible, pero pagkakita niya ng picture bakit galit ang rumehistro sa mata nito? Oh, if only daddy is still alive, hindi mangyayari ito.

"Iha, welcome to the family." nakangiting sabi ni Mrs. Phillip na inilahad ang mga kamay na inabot naman niya saka siya niyakap ng mag-asawa.

"I like you, Iha! hindi ko alam kung ano ang rason ni Jden kung bakit siya naglihim. Pero sana pagpasensyahan mo nalang muna, hayaan mo at baka ngayon eh magbago na siya lalo pa't may anak pala kayo." nakangiting sabi pa ng ginang sa kanya na hindi niya magawang sagutin dahil hindi niya alam kung ano nalang ang sasabihin ng binata lalo pa't hindi naman ito ang talagang ama ni Jae.

Paano nalang kung ipa DNA nila ang anak ko? diyos ko huwag naman po sana piping dasal niya.


HUSBAND FOR REAL by BreilJaelvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon