Chapter Twelve

3.4K 79 3
                                    

  MALAKAS na napamura si Jden pagdating sa LTO main office nang hindi siya payagang pumasok sa loob maliban kay Falcon at DM na nagpakilalang mga NBI agent.

"Hey, leave it to us, ok?" ani Falcon na lumapit s'kanya at bahagya siyang tinapik sa balikat bago ito pumasok sa loob kasunod ni DM kaya naiwan silang tatlo sa labas.

"Tol, ano ka ba? Nakalimutan mo na bang mga NBI agent ang kasama natin?" pabirong turan ni Stanci Matt para pagaanin ang sitwasyon pero tila hindi iyon pansin ng kaibigan dahil naagaw ang pansin nito sa tunog ng kanyang cellphone na agad sinagot sa pag-aakalang si Mel ang tumatawag.

"Hello, mom." may panghihinayang na sagot niya nang makitang ang ina ang tumatawag at hindi ang asawa.
"Nasaan ba kayo ni Mel, ha? Alam mo bang pumunta dito si Priscilla at sinasabing hindi mo daw totoong asawa si Mel. At lalong hindi ikaw ang ama ni Jae?" halatang galit na turan ng kanyang ina. "Kung may hindi kayo pagkakaunawaan ni Mel, 'wag mong idamay ang apo ko!"dagdag nito nang walang sagot na narinig buhat sa kanya.

"Mom... Whatever that bitch tell you isn't true, ok? Jae. Is. My. Daughter! And. Mel. Is. My. Wife!" madiin at mabagal na saad niya sa ina na narinig niyang napabuntong hininga.

"I know son, hindi ko lang gusto na kumalat ang balitang ito." tugon nito sa malungkot na tinig. "Even your dad was furious after he hears it. Anyway, don't worry I already handle Priscilla's mouth. She have to hold her mouth otherwise..." makahulugang saad pa nito na bahagyang nag pangiti sa kanya.

Kahit hindi na ipaliwanag ng kanyang Ina ang ginawa nito para patahimikin si Priscilla ay may Idea na siya. What's the use of their connection kung hindi nila ito magagamit sa oras ng kagipitan? He knows his parents na para sa kapakanan niya ay nagagawa ang imposible lalo na ngayong may apo at manugang itong dapat ipagtanggol.

"Mom, where's dad?" tanong niya sa ina na sandaling nawala sa linya para bigyag daang magkapag-usap ang mag-ama.

"Dad? Yes. Don't worry ok? May konting problema lang po kami ni Mel, and I promise na hindi ito magtatagal." aniya nang sermonan siya ng kanyang ama.

"Make it sure James Reiden! Sa oras na umalis ang mag-ina mo tatanggalan kita ng mana at sa kanila ko ibibigay!" tila nananakot na turan ng kanyang ama na ikinangiti niya.

"Dad, I love them both. They are my life now. I love you and mom too. you know that, don't you?" aniya sa tinuran ng ama. wait did he just admit that he loves Meliz? yeah, right? He loves her more than life itself and he'll tell that to her when he sees her.

"Dad, can you ask mom na sabihan ang private nurse ni Jae na ayusin ang mga importanteng gamit ni Jae na kakailanganin niya habang nasa isla kayo?" pagkuwa'y aniya sa ama na bahagyang naguluhan sa pinakiusap niya.

"I thought RS was exclusive at bawal ang babae?" tila nanunudyong tanong ng kanyang ama.

"Never mind the rules, Dad. Please. Doon muna kayo ni mommy sa RS Isle para may kasama si Jae at ang private nurse nito. Mel and I will follow soon." dagdag pakiusap niya na pinagbigyan naman ng kanyang ama.
"W-WHERE are we going? Nasaan si Jae, ang anak ko?" lakas loob na tanong niya ilang oras ang makalipas na patuloy lang ang byahe nila. Pero tila bingi ito dahil hindi man lang siya sinagit o nilingon.

Kung hindi siya nagkakamali ay palabas na sila ng metro manila pero hindi niya alam kung saang parte na ba sila. Wala siyang masyadong alam na lugar sa manila o ano mang probinsya na nasa luzon dahil sa Iloilo lang talaga siya namalagi kaya labis-labis ang takot na nararamdaman niya.

Napakaraming katanungan ang nasa isipan niya. Una, sino ang lalaking pinakasalan niya at bakit ito nagpapanggap na James Reiden Phillip? Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kanilang mag-ina ngayon. At dahil sa isiping iyon ay nagkaroon siya ng lakas loob na lumaban hindi para sa sarili niya kundi para sa anak niya.

HUSBAND FOR REAL by BreilJaelvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon