Chapter 5

2.9K 73 0
                                    

"JAMES?" nagdadalawang isip na tanong ni Sonia sa lalaking itinuro ng katulong at hinahanap daw si Meliz.


Napalingon din ang lalaking tinawag na James at ngumiti dahil ag akala niya ay ang asawang si Meliz iyun. Nang makitang hindi iyun ang kanyang asawa ay napakunot noo siya. "Yeah? I'm looking for my wife Meliz." malumanay na sabi nito na ipinagtakanaman ni Sonia.


Bigla namang nakaramdam ng kakaiba si Sonia, hindi! hindi ito ang lalaking nakilala niya sa ospital at pinakilala ng kaibigan niyang si Meliz, p-pero bakit magkamukha sila? Sa unang tingin ay hindi mo mapapansin ang pagkakaiba nila pero kung titingnan mong mabuti ay magkaiba ang kulay ng mga mata nila. Jden has a cobalt blue eyes na namana nito sa ama. Samantalang ang lalaking kaharap niya ngayon ay kulay brown ang shade ng mata nito. Mas matangkad din ito ng konti lay Jden, kung sa malayo ay talagang mapagkamalan mo na iisa nga lang sila.


"I-ikaw ang asawa ni Meliz?" hindi niya napigilang tanong. "Oh,I forgot! ako nga pala si Sonia bestfriend niya." pagpapakilala pa niya.


"Nandyan ba ang asawa ko? Alam ko galit siya sa akin dahil pagkatapos ng kasal ay umalis ako at mas inuna ko ang business trip kesa ang honeymoon dapat namin. But, I've had an accident at nagkaroon ng amnesia. Only recently I gained my memories. I hope na maintindihan niya ako." malungkot ang tinig nito kaya mas lalong naguluhan si Sonia.
Kung after ng kasal umalis ito agad sino ang ama ni Jae? At sino naman ang lalaking nilapitan ni Meliz.?


It's all my fault. Ako ang nagresearch patungkol kay Jden. Ang alam niya sigurado na siya dahil iyun lang ang nag-iisang nakaregister sa pangalang James Reiden Phillip. Kung ganun sino ang totoo sa kanila?


Kailangan niyang makausap ang kaibigan, pero anong gagawin niya sa lalaking nasa harapan ngayon?


"Ahm, Mr. James, pasensya ka na ha wala kasi dito ang kaibigan ko. Nasa maynila sila ni Jae, malapit na kasing operahan ang anak ninyo." saad niya na sinadya niyang bigkasin ang salitang anak para malaman kung ano ang magiging reaction nito.


"Anak? wala akong natatandang anak dahil walang namagitan sa amin. So, pinatalikod lang ako ng kaibigan mong malandi saka naghanap ng makakaromansa, that bitch!" malakas ang tinig na sabi nito na ikinaurong ni Sonia.


"Baka naman buntis na siya kaya pinilit ako ng kanyang ama na pakasalan siya? that old man trick me." galit pa ring turan nito.


Pagkuway walang salita na umakyat sa hagdan at tinungo ang silid na maaaring inukupa ng asawa.
Naiwan namang tigagal si Sonia sa narinig. Di yata'y maraming dapat na ipaliwanag sa kanya ang kaibigan. Pero si Jden at Jae hindi maipagkakamaling mag-ama dahil magkamukha ang mga ito.
Sino ba talaga ang lalaking basta na lang dumating at sinasabing siya ang asawa. Isa pa bakit parang may inililihim ito?


Naguguluhang lumabas ng bahay si Sonia para makalanghap ng hangin dahil pakiramdam niya ay nanikip ang kanyang dibdib.


Kailangan niya gumawa ng paraan dahil siya ang may kasalanan kung bakit napunta sa maynila ang mag-ina. Pero ano ang magagawa niya?


"Miss," napalingon siya ng may marinig na tila tumatawag sa kanya. Hindi niya kilala ang lalaki pero parang mabait ito kaya kinausap na rin niya.

HUSBAND FOR REAL by BreilJaelvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon