Chapter 7

3.1K 66 0
                                    

" DAMN, Wife? A big bullshit!" paulit-ulit na saad ni Priscilla nang makarating siya sa tinutuluyang condo na agad nagsalin ng alak sa kopitang naroon.

"I won't let you get even." Muli niyang saad bago sinaid ang laman ng kopita.

"So, is this how you spent your night?" narinig niyang tanong ng isang lalaki na nakaupo sa isang sulok ng mini bar na hindi niya agad napansin dahil sa galit niya.

She didn't have to ask kung sino iyon, dahil kilalang-kilala niya ito. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang labi kasabay ng pagkislap ng kakaibang mithiin bago humarap sa bisita.

"Harold!" She said gleefully. "You just come in a right time!" makahulugang bulong niya saka sinalubong ang mapusok na halik nito.

SAMANTALA matamang nakatitig si Jden sa asawa habang kausap ito ng mga kaibigan niya.

"So, what's your plan now?" narinig niyang tanong ni DM na bukod tanging nagpa-iwan sa kanyang tabi o mas tamang sabihing sinadya nitong makapagsarilinan silang dalawa.

Bahagya niyang nilingon ang kaibigan saka bumuntong-hininga.

"What would you like to know?" tila pagsukong tanong naman niya.

"Nakausap ko na si Rei, at nasabi niya sa akin na naroon ang nagpapanggap na James." Ani Dm.

"Dm, kung sakali bang ibang tao nga at nagpapanggap lang ang pinakasalan ni Meliz- S-sino ang totoong may karapatan sa kanya?" tila kay bigat sa kalooban na tanong niya sa kaibigang hindi alam kung ano nga ba ang dapat isagot. Dahil sa totoo lang kung sakaling mapatunayan na impostor ang pinakasalan ni Meliz ay hindi niyon mababago ang katotohanang iyun ang asawa nito at ang tanging may karapatan sa babae at walang magagawa o habol ang kaibigan niya doon, maliban nalang kung-

"Tol, mukhang seryoso pinag-uusapan niyo ah!" si Ryder na bumalik sa pwesto nila na nay hawak na baso at isang bote ng martini. "Really, Jden, parang nakita ko na si Meliz, I just can't really remember kung saan." pagkuway saad nito ng makaupo sa tabi ng kaibigan.

Nagkatinginan naman si Dm at Jden, hindi naman lingid sa kanilang magkakaibigan ang totoong status ng mag-asawa dahil sila ang kasama ng binata nang araw na ikinasal si Meliz sa nagpapanggap na James.

"Could it be in our hotel, the night after our little party?" Nagbabakasakaling tanong niya sa kaibigan at lihim na nagdadasal na sana nga ay doon ito nakita.

Napaisip naman ang kanyang kaibigan saka pasimpleng nilingon ang pwesto ng babae saka ito muling tumingin sa kanya. "I-I tnink yeah! Nakita ko siyang papasok ng elevator samantalang palabas naman ako. Nagmamadali siya parang di niya nga ako napansin kasi bahagya ko pa siyang nabangga, napatingin siya pero mabilis ding tumalikod at pumasok sa elevator." Kwento nito na para bang nang oras lang na iyon pumasok sa isip ang maaaring posibilidad na may koneksyon ito sa mga nangyari six years ago.

Kinaumagahan kasi noon ay agad na hinanap ni Jden ang misteryosong babae na nakasiping at nang hindi ito makita maliban sa patunay na naiwang mantsa sa kobre ng kanyang kama. Agad niyang kinausap ang mga kaibigan ay tinanong kung sino ang nagdala ng babae sa kanyang kwarto. Isa kasi sa iniiwasan nila ay ang mga inosenteng babae o mga wala pang karanasan. Kahit naman kasi maloko sila ay pinipili rin nila ang mga babaeng alam nilang ang hanap din ay laro. Kaya naman nagulat ang lahat sa naging tanong niya dahil alam niya at naniniwala siyang walang.kinalaman ang mga kaibigan niya sa nangyari.

"Siya yung-" hindi natapos ni Ryder ang tanong nang makitang palapit ang sila Meliz sa kanilang pwesto. Nagkatinginan na tila nagkakaunawaan ang tatlo na pare-parehong napatango.

"Hey, Jden! ipapaalam ko lang sana itong asawa mo, may gusto lang kasi akon ikunsulta sa kanya." nakangiting paalam ni Caryl.

Nahihiya namang tumingin si Meliz sa asawa. "She want's to show something about babies- I mean sa mga gamit ng baby." tila nagblush na paliwanag niya.

HUSBAND FOR REAL by BreilJaelvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon